Chapter 12

9.3K 211 3
                                    

Read the foot note. :D

 

Chapter 12 –Sweet Deejay

 

 

Alas tres na madaling araw nang makarating ang mga magulang ni Kathryn sa ospital. Pagkababa ng sasakyan ay agad nang tumungo sa kwartong tinutuluyan ng dalaga.

Hindi na sila nag-abalang kumatok ng pinto at dire-diretsong pumasok sa silid.

Naabutan nilang mahimbing na natutulog ang dalawa.

Nakaub-ob si Daniel sa kama habang naka-upo sa upuan at hawak-hawak ang kanang kamay ni Kathryn.

"Ijo.." bahagyang ginising ni Min si Daniel. Napa-mulat ang binata. Nang maaninag niya kung sino ang mga ito ay agad siyang tumayo.

"Good Morning po, Ma'am, Sir." Yumukod siya upang mag-bigay galang sa mga ito.  Tinapik ni Ted si Daniel sa balikat. "Ahh, gusto niyo ho bang mag-kape muna?" alok ng binata at pilit na nilalabanan ang antok. Sa katunayan ay 4 na oras pa lang ang kanyang naitutulog dahil sa kakabantay sa dalaga. Tapos noong nakaraang araw ay birthday ng anak  at halos hindi din siya nakapag-pahinga ng ayos sa paghahandang ginawa.

"Tito at Tita na lang, ijo. Hindi na, kakatapos lang namin. Matulog ka muna halatang puyat ka eh." Tumango na lang si Daniel kay Min tanda ng pagsang-ayon. Humiga siya sa sofa at pinag-patuloy ang pag-tulog.

Lumapit ang mag-asawa sa dalaga at hinalikan sa noo.

ALAS CINCO na nang magising ulit si Daniel. Nakita niyang naka-idlip ang mag-asawa sa tabi ni Kathryn. Tumayo siya dumiretso sa banyo upang mag-hilamos at mag-sipilyo. Pagkatapos ay lumabas siya para bumili ng kape.

Daniel's Point of View

 

 

"3 black coffee for Daniel." tumayo ako at kinuha ang order kong kape.

Sumakay na ulit ako sa sasakyan at nag-drive pabalik ng ospital.

Bumili ako ng kape pati na din ang breakfast para sa magulang ni Kath. Hindi ko nga alam kung papano hihingi ng dispensa sa nangyari kay Kath. Kakabalik pa lang ni Kath na-ospital na kaagad. 'Tas si Tito kakalabas pa lang din ng ospital. Aish!

Pag-dating ko sa kwarto, tulog pa din ang parents ni Kath pero sa sofa ang mga ito. Ipinatong ko ang binili sa table malapit kay Kath.

"Deejay..." napa-pitlag ako sa biglang pag-tawag sakin ni Kath.

Gising na siya..

Lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ulit ang kanang kamay niya.

"Hey, good morning." I kissed her temple. Napa-ngiti naman siya. "How are you? You want anything? Hmm?"

 

Eerrr. Ano ba naman 'to. Hindi ko mapigilan eh! Pag dating kay Kath, laging nago-automatic ang pagiging caring/sweet side ko.

Tinulungan ko siyang umupo, nilagay ko ang unan niya sa likudan para mas komportable siya.

"Wala, ok lang ako." Napa-tingin siya sa kayna Tita. "Pinaalam mo ba kayna Mama? Anong oras sila dumating?"

 

I sweep off some strands of her hair that was covering her beautiful face.

"Mga bandang alas tres sila dumating." Inabot ko 'yung kape ko at ininom. Tumango lang siya.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon