Fall#13. Pretend

3.5K 52 5
                                    

Casanova’s Fall

© Alia_Sy

Fall#13. Pretend

“Oh, alam mo na ba ang isasagot mo sa mga magulang ko ‘pag nakaharap mo sila?” paniniguradong tanong ni Zia kay Xander habang nakatayo sila sa harap ng gate nila hapon ng Linggo. Kagabi kahapon, nakausap sya ng kanyang papa at mama tungkol sa pagkakaroon nya relasyon sa binata. They both knew all the story when they got home. At katakot-takot na interrogation ang sinalubong nya sa mga ito. Buti na lang, dahil sa tinatawag nyang imahinasyon, nakaimbento sya ng napakagandang kwento sa mga magulang nya. They also want to meet Xander as soon as possible, anila. Subalit, yung tintukoty pala nilang ASAP ay bukas nap ala.

“Oo na. alam ko na. hindi naman ako katulad mo na sobrang slow -____-.” May halong pag-kairita na saad ni Xander sa dalaga. Kanina pa kasi nito sya kinukulit kung naalala pa ba nya ang mga tinuro nya rito kaninang umaga.

Oo. Nagkaroon sila ng 'rehearsal' nito bago sila andito sa sitwasyon na to. Kanina, dumating si Zia sa condo nya ng maaga para lang pagpratiksan ang sasabihin nila sa mga magulang nya. Sa totoo lang, he was disgusted dahil kelangan pa nyang gumising ng maaga para lang duon. Kung anu-anong kapilyuhan at kalokohan tuloy ang ginawa nya para makaganti sa dalaga kaya inabot ng kalahating araw ang 'rehearsal' nila.

'Psh -___-. Ang yabang talaga nito! Hmp!' naiinis na bulong sa sarili ni Zia.

"Akin na yang kamay mo." Tipid na utos ni Xander kay Zia na sya namang bahagyang ikina-kunot nuo nito.

"At bakit naman?" she wondered.

"Natural, kailangan nating gawin yon para alam ng mga magulang mo na may relasyon tayo. Isip-isip din pag may time." mejo nawawalan na ng pasensya si Xander sa katatanong ng katabi. Kung maka-bakit, wagas.

Mabilis na napalitan ng pag-aalinlangan ang mukha ni Zia. "P-pwede naman na wag na lang---" 

Bahagyang naningkit ang singkit na mata ng binata pagkuwa'y mabilis nitong hinawakan ang kanang kamay nito. "Haist! Dami pang arte. Gusto ko ng matapos to kung alam mo lang. Dalian na nga natin!" magkahalong pagkabagot at pagkairita na saad ng binata na sya namang ikinainis ni Zia. 'Zia control your temper, control lang!' piping pagpapasensya nito sa sarili nya. Para na tuloy syang baliw sa kakausap sa sarili dahil sa nangyayari ngayon. Kung kanina lang, mejo nawawala yung tension at kaba na nararamdaman nya, ngayon bumabalik na ulit and this time, mas lalong nadaragdagan pa.

'Haay...Lord...magiging maayos naman po diba ang lahat?' Napapikit na lang si Zia na sya namang ikinailing ni Xander dahil sa isiping nagiging OA na sya.

Si Xander na ang nagpasyang pindutin ang doorbell sa harap nya. Nang tumunog ito, napadilat ng mata si Zia at naring nyang bumukas ang pinto ng bahay nila. Iniluwa nito ang nakababatang kapatid ni Zia na si Gum-gum.

"Ate, ikaw na yan?" tamang sigaw lang ni Gum-gum sa kanila na marinig nila.

"O-oo.." tila nag-aalangang sagot naman nya.

"Sandali lang." saad ni Gum-gum at dali-dali syang pumunta sa gate para pagbuksan ang dalawa.

----

"Wiih!! Ate sya na ba si Kuya Xander?" bungad ni Gum-gum ng makita nya ang dalawa.

Napangiwi naman si Zia sa inasal ng kapatid. "Hehe...oo, sya na nga. By the way, Xander, si Gum-gum. Gum-gum, K-kuya Xander mo." kung alam lang ni Gum-gum na naiilang sya sa ginagawa nya. Niloloko nya ang kapatid nya? 'Haist, panindigan ko na nga lang! Xander, umayos ka!' piping bulong nya sa sarili.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon