CHAPTER 36: Welcome kiss

16K 606 232
                                    

Chapter 36: Welcome kiss

" How is she, Prof?" I ask Prof Elise about Gianna's condition.

Bad news agad ang bumungad saakin pag-uwi galing Thailand. Kahit na gustohin ko mang umuwi agad nang makausap ko si Prof Daivynn ay hindi ko magawa dahil may inutos si Daddy Lo saakin nang malaman niyang nasa Thailand ako at saktong sa Bangkok lang ang meeting na pupuntahan ko.

Hindi ko siya mabisita dahil ang daming reporters sa labas ng bahay nila and Prof Elise told me na hindi ko rin makakausap si Bal ngayon dahil medyo hindi pa siya okay.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko man lang nadamayan si Bal nang mga panahon na nahihirapan siya. Mas inuna ko pa ang problema ko sa lovelife ko kesa sa kaligtasan ng kaibigan ko.

Umalis narin si Prof Elise at naiwan ako dito sa parking lot. Dito na kasi ako dumeretso dahil ibibigay ko pa ang mga pasalubong ko kila Aldwyn. Tuwang-tuwa naman ang mga hayop. Sa susunod na araw ko nalang bibisitahin si Bal. May regalo din ako sakanya.

" Grabe sana all may Bugatti La Voiture Noire na kotse!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Paolo kasama ang iba. Naabutan pa tuloy nila ako dito. Well nanalo kasi ako sa racing namin ni Rexon kaya akin na ang kotse. 5% lang ang share na binigay ko sakanya since natalo ko siya.

" Hoy gaano ka kayaman?" Tanong ni Paolo. Ang kulit ng lalaking 'to.

" Hindi 'yan sa'kin. Hiniram ko lang." Sagot ko.

" Hindi ako naniniwala. Pumunta ka ngang Thailand para mag-unwind lang eh, 'yon ba ang hindi mayaman?" He reply.

" Libre lang 'yong travel ko." Kibit balikat na sabi ko pero umiling lang sila na nagsasabing hindi sila naniniwala. Edi 'wag.

" Aalis kana? Hindi mo hihintayin si Prof Ivy?" Taas babang kilay na sabi ni Cedric na halatang nang-aasar.

" Nandito pa siya?" I ask. Akala ko kasi umuwi na siya kaya balak ko siyang puntahan sa penthouse niya.

Sabay-sabay na tumango sila. Malapad pa ang mga ngiti.

" Sunduin mo dapat ang taong nililigawan mo." Pang-aasar ni Michelle. Grabe talaga sila mang-asar pero shet! Namumula ako. Tinawanan naman nila ako nang makita nila ang reaction ko.

Tinulak-tulak pa nila ako kaya napailing nalang ako at naglakad papunta sa office ni Prof Daivynn.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa tapat ng office niya. Shet! Parang nawala 'yong confidence ko bigla. Tanggal angas ako neto.

Ilang beses akong napabuntong hininga bago kumatok. Dalawang beses akong kumatok bago bumukas ang pinto. Nakita kong nagulat siya nang makita akong nasa labas.

Napatulala pa ako dahil dalawang araw ko siyang hindi nakita at mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko.

" What are you doing here?" I was back in my reveries when I heard her cold voice. Damn pati boses may naging sexy sa pandinig ko.

" Jessa Asher!" Pukaw niya and I startled. Namumulang umiwas ako. Shet nakakahiya talaga.

" Uhm.." I cleared my throat at kumukuha nang lakas ng loob. " Masama bang sunduin ang aasawahin ko?" I look at her and smile playfully. She was taken a back. Biglang namula ang magkabilang pisngi niya kaya mabilis na tinalikuran niya ako na ikinatawa ko.

Mukhang hindi lang naman ako ang tanggal angas dito, eh.

Pumasok naman ako at mabilis na lumapit sakanya. Naglakad ako papunta sa harap niya kaya napatigil siya. Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi nawala ang ngisi ko.

Tasting the sweet Forbidden Where stories live. Discover now