CHAPTER 8: Solene

11K 465 75
                                    

Chapter 8: Solene

Ayaw ni Prof Daivynn na matulog ako sa penthouse niya pero nagpumilit parin ako kaya sa couch ako natulog. Iniwan niya ako dito ng walang sinabi. Hindi niya man lang ako binigyan ng kumot. Ang lamig kaya. Mabuti nalang walang lamok. Mahihiya nalang ang lamok na pumasok dito sa penthouse ni Ma'am. Pero gusto ko rin maging lamok para sipsipin ang dugo ni Ma'am.

Ano kayang lasa ng dugo ni Ma'am? Napailing nalang ako sa iniisip ko.

Matutulog na sana ulit ako nang tumunog ang cellphone ko.

Si Aicy.

" Ano?" Bungad ko. Narinig ko ang malakas na music at iba't-ibang ingay kaya alam mong nasa bar na naman sila.

" Nasa bar kami. Pakisundo naman si Sheena, Jess! Lasing na lasing na eh.." tumaas ang kilay ko sa narinig. Halatang lasing narin si Aicy.

" Pakealam ko? Inutusan ko ba siyang maglasing? " Sagot ko.

" Jess sige na..." Pilit niya pero nanatili lang akong nakahiga.

" Hindi ko siya obligasyon, Aicy. Sige na. Ingat nalang kayo. " Paalam ko at pinatay na ang tawag. Bahala sila dyan no! Hindi ako utusan.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko pero tumunog ulit. Akala ko si Aicy ulit para kulitin ako hindi. Unregistered number. Sino na naman kaya 'to?

" Hello. Text ba 'to o tawag?" Pagsagot ko sa tumatawag. Ilang segundo ay walang paring nagsalita" Wrong sent ba o wrong call? Magsalita ka beh, hindi ako call center kaya maiksi pasensya ko. "

" You told me earlier na, marami kang ipon na pasensya. " Lumaki ang mata ko nang makilala ang boses na 'yon. Napatingin ako sa taas pero hindi ko siya nakita. Mukhang nandoon siya sa loob ng kwarto niya.

" Saan niyo nakuha number ko, Ma'am?" Tanong ko at umayos ng higa.

" You gave your number to me, Miss Mariano" halata ang pagkainis sa boses niya.

" Kelan po?" Takang tanong ko.

Narinig ko ang mahinang mura niya sa kabilang linya kaya nagpipigil ako ng tawa. " You know what? Whatever-"

" Bakit po kayo tumawag eh nandito lang naman ako sa living room" Sabi ko dahil papatayin na sana niya ang tawag.

" You can use the guest room " iyon lang at pinatay na niya ang tawag kaya parang tangang nakatitig ako sa cellphone ko.

So iyon ang dahilan niya kaya siya tumawag? I plastered a smile bago bumangon mula sa couch at umakyat ng hagdan at hinanap ang guest room. Tatlo ang guest room niya kaya kahit saang guest room nalang ako pumasok tutal sabi niya guest room. Humiga na ako at napapikit dahil ang lambot ng kama tapos ang bango ng room.

Aba. Akalain mo kahit cold at sobrang sungit niya ay may kabutihan din pala siya. Naawa din saakin. Pero hindi ko rin alam kong bakit ba ako nandito in the first place.

Patulog na sana ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. Akala ko si Ma'am pero si....Sol.

" Ash?..." I heard her called my name from the other line. I bit my lower lip hearing her voice. Ilang buwan na ba kaming hindi nagkita? Tatlo? Lima? Hindi ko na alam.

" Can...can you pick me up?" Her voice sounds weak at mukhang takot na takot siya kaya mabilis na napatayo ako at lumabas.

" Where are you?" I ask at nagmamadaling bumaba. Nakita ko pa si Ma'am sa living room kaharap ang laptop niya kahit nakaopen na ang TV. Napaangat ang tingin niya saakin pero wala sakanya ang focus ko. " Nasaan ka? Tell me where you are." I said.

Tasting the sweet Forbidden Where stories live. Discover now