CHAPTER 30: End of Contract

10.8K 474 66
                                    


Chapter 30: End of Contract

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magprepare ng lugaw ni Prof Sin at tsaka gamot niya.

Hindi pumayag si Prof Ivy na manuod ng Pokemon tapos ayaw niya pang tumabi ako sakanya kagabi. Ang damot talaga tapos kill joy. Ang saya nga manuod ng Pokemon eh lalo kapag may demonstrations.

Umakyat ako sa taas para tingnan kong gising na ba si Prof Sin. Kumatok muna ako sa kwarto kung nasaan siya.

" Bukas 'yan. " Narinig kong sagot mula sa loob kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa kama. Nakaayos narin na nakatupi ang mga unan at comforter.

" Good morning, Prof Sin " I greeted her with a smile. Tumango naman siya saakin.

" Condo mo 'to?" She ask. Umiling naman ako.

" Sa boss ko." Nakangiting sagot ko na ikinakunot ng noo niya pero pinili nalang na hindi magtanong.

" M-ay...may nangyari ba kagabi? May ginawa ba akong kahihiyan?" Halatang kinakabahan ito sa tanong niya.

Napatikom ang bibig ko at mukhang hindi niya maalala ang mga ginawa niya kagabi. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa bandang dibdib niya kaya napasunod ang tingin niya doon. Namula ako at umiwas ng bilis.

" W-ala naman..." Sagot ko nalang. Ayoko nang sabihin pa ang mga nangyari kagabi.

Natahimik siya at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. Halatang gusto nitong maalala ang mga nangyari kagabi. Napakamot ako sa likod ng tenga ko.

" May niluto akong lugaw para sayo Prof and may gamot narin para mawala ang sakit ng ulo mo. Baka may side effect iyong drug na nilagay nila sa inomin mo." Wika ko.

" It's fine. Hindi naman masakit ang ulo ko. Thank you." Sagot niya at tumayo.

" Nakaprepare na po sa mesa Prof. Sayang kung hindi niyo kakainin." Insist ko.

Tumango naman siya bilang pagsuko kaya sabay na kaming lumabas at bumaba sa dining area. Pinaghila ko siya ng upuan kaya ngumiti siya saakin bago umupo. Ang aliwalas parin ng mukha ni Prof Sin sa umaga.

Tahimik na kumakain lang siya nang dumating si Prof Daivynn na halatang ikinagulat ni Prof Sin.

" Good morning, Prof Daivynn." I greeted her with a smile pero simpleng tango lang ang sinagot niya. Inis pa 'yan saakin. " Coffee?" I ask her kaya tumango siya kaya nagtimpla na ako ng kape niya. Napalingon ako saglit kay Prof Sin dahil ang tahimik nito. Kumakain parin ito ng lugaw pero minsan ay palipat-lipat ang tingin nito saakin at kay Prof Daivynn. Si Prof Daivynn naman umupo sa counter habang hinihintay ang kape niya. Palihim ko siyang pinasandalan ng tingin. Ang sexy niya.

Nang tapos ko nang itimpla ang kape niya ay naglakad ako palapit sakanya at binigay ang kape nito. Nilagay ko ang kamay ko sa waist niya kaya naramdaman kong napaigtad siya.

" Ang sexy mo.." bulong ko and squeeze her waist a bit kaya napasinghap siya at mabilis na kinurot ako sa tagiliran kaya napahiyaw ako at napalayo. Masama ang tingin nito saakin pero namumula ang mukha niya. Natawa nalang ako.

" Shut your unfiltered mouth. " She utter. Her jaw clenched. Napailing nalang ako.

We both averted our gazes to Prof Sin when she cleared her throat. Tapos na pala itong kumain.

" Thank you sa lugaw, Jess. Uhm I think I better go." She utter. " Thank you for letting me stay."

Ngumiti naman ako." No worries. Next time mag-iingat ka po. Ihahatid na kita sainyo, Prof. " I offer.

Tasting the sweet Forbidden Where stories live. Discover now