CHAPTER 10: Contract and Rules

11.4K 520 99
                                    

Chapter 10: Contract and Rules




" Miss Mariano!"

I startled. Nakasakay na pala kami sa elevator papunta sa penthouse niya. Hindi ko namalayan man lang masyado kasing okupado ang utak ko sa sinabi niya kanina. Ano ang ibig niyang sabihin?

" You're spacing out again! God! Nakakairita ka." Inirapan pa ako.

Highblood na naman.

" Kumalma ka nga, Prof Daivynn. " I said because she's distracting me. Mas nagiging hot siya kapag ganyan siya.

I heard her ' tsk ' before crossing her arms and rolled her eyes. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa penthouse niya. Namiss ko tuloy bigla si Mapple, iyong aso ni Gianna na galing kay Prof Elise. Kapag kasi pumupunta ako sa bahay nila, mabilis na lumalapit siya saakin habang tumatahol while wiggling her tail. Ang cute kaya ng aso ni Bal. Foreigner kasi. Pero di ako pwede magalaga ng aso o pusa dahil lagi akong wala sa Condo. Hindi ko maalagaan ng tama.

" Sit down Miss Mariano and wait me here. " Mataray na paalam ni Prof at umakyat sa taas. Umupo nalang ako sa couch at nilapag ang dala ko sa table.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagbalik at nakapalit na ito ng damit. May dala siyang papel at ballpen. Mukhang seryoso nga siya sa contract na sinasabi niya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa maupo siya sa harap ko and cross her legs kaya mabilis na umiwas ako dahil ang ikli ng short niya.

" Here " sabay lapag niya ng papel at ballpen sa glass table. " Jot down your 3 rules and I will right mine later. " Utos niya.

" Rules? Kailangan pa ba 'yon? Wala naman akong rules. Kahit libre na nga lang service ko Ma'am okay lang." Sagot ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

" Jot down Miss Mariano. "

" Wala pa nga po kasi akong maisip na rules. " Sagot ko at sumimangot. She stared at me habang ako ay nag-iisip din kung anong rules. " Ahuh! Meron na akong naisip " mabilis na sabi ko. Hindi siya nagsalita at hinintay nalang na sasabihin ko.

" Rule number 1: Staying at your penthouse." Her eyebrow arch. " Eh paano ko magagampanan pagiging maid ko kung hindi ako mananatili dito sa penthouse mo, Prof? Tsaka diba nagtitipid ako sa condo ko?" Paliwanag ko.

Napaisip naman siya bago tumango kaya napangiti ako. " Rule number 2: Eat dinner and breakfast with me."

Natawa ako sa reaction niya. " And why would I do that?" Taas kilay na tanong niya.

" Kasi rule number 2 ko 'yon?" Takang tanong ko. May pa sabi-sabi pang jot down your 3 rules tapos aangal naman pala.

" Okay but except the dinner. I have a lot things to do kaya baka lagi akong late umuwi or sa labas ako kakain." She utter.

" May dinner date kayo lagi ng boyfriend mo, Prof?" Tanong ko just a clarify na meron nga siyang boyfriend.

" Yes. " Oh. Meron nga. I stared at her for a seconds before she look away.

May boyfriend na pala siya?

" Okay na rin 'yon para may time akong pumunta ng bar. " Sagot ko at nagkibit balikat.

"Tch." Narinig kong palatak niya. Napatingin ako sakanya at saktong nakatingin siya saakin kaya inirapan ako. Attitude talaga 'tong si Prof Daivynn. " What's your number 3 rules?"

" Rule number 3: Don't wear sexy clothes when I am around your penthouse."

Mas tumaas ang kilay niya. " And why? It's my place, not yours so I can wear whatever I want. " Mataray na wika niya.

Tasting the sweet Forbidden Kde žijí příběhy. Začni objevovat