Chubby Eight

20 6 29
                                    

Shawntel's POV

Maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ako maka-move on sa pagiging sweet ni Carlo e. Nag-iinit na naman tuloy ang pisngi ko dahil sa halik na iyon, kasi naman...

"Huy, tumatapon na 'yong tubig sa baso. ISTEL!"

"AY BAKET!"

"Anong nangyayari sayo? Iyong baso mo punong-puno na." Iiling-iling niyang sagot at umalis na sa harap ko. Napakibit balikat nalang ako habang tinanaw siya ng tingin. Himala yata at hindi siya masyadong nagsusungit ngayon ah.

Alas sais palang naman ng umaga kaya marami pa akong oras. Kasalukuyan akong nakaupo sa hapag at umiinom ng kape plus namamapak ng ulam.

"Huy, tigilan mo na nga 'yan, ang taba-taba mo na mag-reduce reduce ka nga naman." Bungad sa akin ni Papa at inilayo na ang plato ng ulam sa harap ko. Napanguso naman ako at napahigop nalang ng kape ko.

"Tigilan mo nga 'yang bunso mo, siya na nga lang nakaka-appreciate ng luto ko tapos babawalin mo pa. Doon ka nga, gawin mo na iyong pinagagawa kong cabinet!" Inis na pagtataboy ni Mama kay Papa kaya naman sumilay ang pilyo kong ngiti.

"The best ka talaga Ma."

"Pero tama nga rin Papa mo, magpapayat kana 'nak nakakahiya kay Carlo e." Napailing nalang ako dahil nakalimutan kong nagkakasundo nga pala sila sa pang-aalaska sa akin.

"Tsaka na po, masarap kasi kumain Ma e." Malambing ko pa ring sagot at muling dumuwit ng ulam at kumaripas ng takbo palabas ng kusina. In 1...2...3...

"ISTEL! HINDI KA NA NAMAN NAGTIRA NG ALMUSAL PARA SA ATE MO!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

Alas siete na ng umaga nang matapos akong gumayak, himala nga at walang Shannel Kaye ang kumakatok sa kwarto ko ngayon.

Pagkalabas ko ng kwarto, palihim ko siyang sinilip sa katabing silid. Ang bruha busy pa sa paglalagay niya ng kolorete sa mukha habang may kausap sa telepono. Kaya pala hindi nangungulit sa akin e, busy sa iba. Napangiti ako sa naisip kong kalokohan, makakabawi na rin ako sa wakas.

"ATE BRUHA! IYONG MANLILIGAW MO NASA LABAS!" sigaw ko bago kumaripas palabas ng bahay.

"MA. SHAWNTEL FERRER HUMANDA KA SA AKIN MAMAYANG PAG-UWI MO!" rinig ko pang sigaw niya. Napangisi ako dahil sa kapilyuhan siguradong boyfriend niya ang kausap sa telepono, seloso pa man din iyon.

Nawala ang ngisi ko ng matagpuan ko si Nickolas na bagong labas ng bahay nila. Magulo ang kaniyang buhok at hindi maayos ang pagkakakabit ng kaniyang tie. Ni-hindi niya rin ako tinapunan ng tingin, dati-rati kahit sulyap binibigay niya e o kaya simpleng 'good morning' pero ngayon wala...nakakapanibago.

Nagsimula siyang lumakad at iniwan akong parang hangin doon napanguso tuloy ako sa inasta niya, ano bang nakain niya parang mas bet ko nalang siyang nagsusuplado kesa sa ganyan siya. Tinanaw ko nalang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

***

Maaga akong nakarating sa school, hindi rin ako naharang sa gate dahil may ID na ako tsaka hindi ko nakita si Kulas doon siguro hindi siya ang assign ngayon kundi si Pres. Dwyne. Habang naglalakad ako papunta sa building namin ay ganoon nalang ang pagtataka ko sa kapwa kong mga estudyante. Mga vebs, ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosa? Well, ganon talaga kapag maganda masyado kong nahahatak ang atensyon ng iba *flips hair*.

"Siya ba si Shawntel?" -Student 1

"Grabe akala ko maganda hindi naman pala." -Student 2

"Ang taba-taba niya, hindi sila bagay girl." -Student 3

Ang Pag-ibig ni Ms. ChubbyWhere stories live. Discover now