Chubby Ten

7 4 17
                                    

Shawntel's POV

Iilan palang ang mga kaklase kong nandito sa room. Yes, tama kayo maaga akong pumasok ngayon at kasalukuyan kong nilalabanan ang antok na nararamdaman ko.

Ikaw ba naman kasi ang gisingin ng isang asungot sa bahay para lang ayain kang sabay kayong papasok. Hindi pa ba sapat iyong hindi na nga niya ako pinatulog dahil sa kalokohan niya tapos mambubulabog pa ng alas sais ng umaga.

Muli akong humikab at dumukdok sa lamesa ko. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko at konti na lang din ay maka...ka...id...lip na ako.

"BESHIEE!"

"ANO BAKET?!"

Lumobo ang matataba kong pisngi nang makita ang mga ngisi ni Carmela kasabay nito ang pag-peace sign sa harap ko.

"Sorry, nautusan lang."

"Tsk, kapag ba sinabing tumalon ka sa bangin tatalon ka?" Inis kong tanong. Ang kaso tinawanan lang ako ng babaita.

Sumandal na lang ako sa upuan ko at nag-crossed arm habang nasa unahan ang aking mga tingin. Ayokong tumingin sa gawing pintuan dahil tiyak matatanaw ko ang asungot na mayabang sa katapat na seksyon.

Muli na namang bumigat ang mga talukap ng mata ko at pawang hinihigop nito ang lakas ko. Konti nalang at ako ay maka...ka...id...lip...

"Istel, may sagot kana ba sa math?" Agad akong nagising dahil sa tanong na iyon. Hinanap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon, natagpuan ko si Ycea sa katabi kong upuan habang nakahalumbaba at inosenteng nakatingin sa akin.

"Alam mo naman na hindi ako gumagawa ng assignment e!" Pagmamaktol ko sa harap niya, ayon na e naiidlip na ako tapos... napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin.

Muli na naman akong dumukdok, nararamdaman ko na naman ang pag-bagsak ng mga talukap ng mata ko kaya naman sana ay wala ng mang-abala sa akin nga—

"Istel, tara sa cafet—ria. Bakit gan'yan ka makatingin?" Buong pagtataka ni Gwen sa akin.

Paano, tinapunan ko lang naman siya ng masama at matalas na tingin. Kahit kahinaan ko ang word na cafeteria, naiinis pa rin ako dahil ayon na ulit ang momentum ko para makatulog kahit sandali e, tapos guguluhin ka hanggang sa hindi kana maka-idlip.

Napabuntong hininga na lang din si Gwen at tumabi rin sa katabi kong upuan, "oo na nga, sige na sorry na. Napag-utusan lang kami ni Smith. Sabi niya huwag ka raw namin hahayaang makatulog dahi—oo na sige na hindi na ako magsasalita."

Pero hindi ko sila pinansin at itinuon na lang ulit ang tingin sa harap. Sakto naman na dumating na si Ma'am Cynthia, nakangiti ito at tila nasa mood.

Umalis na rin sa magkabila ko sina Ycea at Gwen, bumalik na sila sa kani-kaniya nilang upuan.

Habang nagka-klase, nakahalumbaba lang ako at nakatitig kay Ma'am. Iniiwasan kong humikab dahil nahihiya na ako kay Ma'am, lagi na lang kasi akong inaantok tuwing klase niya.

Dahil sa antok hindi ko na napansin ang lalaking kauupo lang sa katabi kong upuan, iyong upuan na inupuan ni Ycea kanina. Napabuntong hininga ako at itinuon ang atensyon sa notebook, pilit ko talagang nililibang ang sarili para talaga hindi pumikit ang mga mata ko.

"Don't sleep, sleepyhead." Napamulagat ako ng mata nang marinig ko iyon.

"Tsk, pati ba naman dito nanggugulo iyong mayabang na 'yon." Nakangusong reklamo ko gamit ang mahinang boses ko.

"At kailan pa ako naging mayabang aber?" Mabilis pa sa kidlat akong napatingin sa katabi kong upuan at hindi nga ako nagkamali. Nandito nga ang mayabang kong kapitbahay.

Ang Pag-ibig ni Ms. ChubbyWhere stories live. Discover now