Chubby Seven

30 17 57
                                    

Shawntel's POV

Ikalawang araw ng weekends ngayon at heto ako busy sa paghahabol ng mga school paperworks ko. Nakakainis kasi si Ate, hindi pinaalala kahapon tapos kung anu-ano pang pantitrip ang ginawa sa akin kahapon. Argghh, nakakainis talaga!

"Istel! Lumabas ka nga rito!" sigaw ng Ate ko.

"Ayoko, busy ako! Huwag mo akong abalahin ngayon." Pabalang ko ring sigaw.

Hindi naman siya nangulit kaya medyo nakapag-focus ako sa ginagawa ko.

After 123456789 years, natapos ko rin. Nag-inat pa ako bago ko dinampot ang selpon ko sa table.

*Popped*

Carlo messaged you...

Carlo: Hi, are you free today?

Ngumiti muna ako bago nagreply sa kaniya.

Shawntel: Yep, why?

Carlo: Aayain sana kitang lumabas.

Napaisip muna ako kung may gagawin pa ako. So far, wala na at tapos ko na assignment ko. Dadalhin ko nalang kay Nickolas para ma-icheck niya. Ngumiti ulit ako at nagreply sa kaniya.

Shawntel: Sure. Anong oras?

Carlo: 12 pm, sunduin na rin kita.

Shawntel: Okays.

Carlo: See you later binibini.

Impit akong tumili sa huling mensahe ni Carlo sa akin. Enebe, minsan lang ako maging maganda *chuckles*.

Good mood akong lumabas ng kwarto, maliligo na ako para mamaya magbibihis nalang.

Saktong pagbukas ko ng pinto, bumungad si Nickolas.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"A-Ano...p-pinatatawag ka n-ni Tita-damn." Pansin kong hindi siya makatingin sa akin ng diretso tapos hindi pa siya mapakali.

"Uy, Kulas anong nangyayari sayo?" takang tanong ko naman, hahawakan ko na sana ang noo niya pero mabilis siyang umiwas sa akin. Nak ng tokwa, ano bang nangyayari sa kaniya.

"Walakabangbrausonamanmagbrabagolumabasngkwarto." Dire-diretso niyang sabi. Mas lalo akong naguluhan.

"Adik ka ba?" Inis kong sagot at nilagpasan siya. Sakto namang sumulpot si Ate.

"Jusme ISTEL!"

"Ano? Nakasigaw ka nanaman tsaka bakit nandito 'yan?" tanong ko sabay turo kay Nickolas na natuod na yata sa gilid.

"Bumalik ka nga sa kwarto mong babae ka at magsuot ng bra! Hindi kana nahiya kay Nick-"

"ATEEEEE!" Daig ko pa si flash sa sobrang bilis kong bumalik sa kwarto. Tang apple juice! Kaya pala hindi makatingin sa akin si Yabang dahil bumandera ang precious mountain ko! Nakakahiya mygawd.

***

Pagkaraan ng kalahating oras na pakikipagbato-bato pick sa salamin, lumabas na ako pero this time maayos na suot ko, syempre naligo na ako.

"O, halika na rito Istel at kakain na." Napatingin ako sa paligid, hinahanap ng mata ko si Nickolas.

"Ano pang tinatayo mo dyan?" tanong ni Mama.

"Ma, iyong kapitbahay ba natin umalis na?" tanong ko. Naupo naman ako at sumandok ng kanin.

"Hindi, nasa labas nakikipagkwentuhan sa papa mo. Bilisan mo na diyan at kanina ka pa hinahanap ni kumare, kanina kasi hindi ka lumabas." Namula ako ng maalala ang nangyari kanina.

Ang Pag-ibig ni Ms. ChubbyWhere stories live. Discover now