Chubby Twelve

3 1 3
                                    

Shawntel's POV

Nakasimangot akong pumasok ng bahay namin, nadatnan ko pa si Mama na katatapos lang magluto.

"O, saan ka galing? Hintayin lang natin Ate mo tapos kakain na tayo."

"Hindi na po ako kakain." Tipid ko lang na sagot at nagkulong na sa kwarto ko.

Dinampot ko yung sobre sa ibabaw ng study table ko at pinakatitigan iyon. Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung bakit may mga ganitong litrato si Kulas. Kaasar siya, ang sakit niya sa apdo.

"Arggh, bakit ko ba kasi iniisip? Kung pam-blackmail niya 'to edi go! Sinong tinakot niya? Basta hindi ako sasali sa singing contest, manigas siya!" Paghihimutok ko habang inis na nagpagulong-gulong sa higaan ko. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon! Ang gulo niya!

Kriingg...

Kinapa ko sa ilalim ng unan ang selpon ko, sino kaya itong tumatawag ngayon? Walang tingin kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Is this Shawntel Davis?"

Napabangon ako ng hindi pamilyar ang boses nito sa akin. Napatingin pa ako sa mismong selpon ko baka nant-trip lang 'yong caller.

Unregistered number? Sino 'to, prank call?

"Hindi po, sino po sila?" magalang kong tugon.

"Is this Shawntel Davis?" Pag-uulit nito sa tanong niya kanina.

"No Sir, I'm Shawntel Ferrer po. Wrong number po yata kayo, magkapangalan lang po kam—toot."

Ang bastos, binabaan agad ako kitang nagsasalita pa ako e. Shawntel Davis? Sino 'yon? Hayst, hindi pa nga ako nakaka-move on sa kinikilos ni Yabang tapos may panibago na naman? Bahala siya, hindi naman ako Davis.

Nagkibit-balikat na lang ako at ibinaba ang sariling selpon. Ano bang gagawin ko? Nababagot ako!

Maaga pa naman at wala rin naman akong gagawin, makapaglibot na lang muna para makalimutan ko rin ang mga iniisip ko lalo na ang mayabang na kapitbahay namin, tsk.

***

I wear my usual outfit, jeans and shirt then rubber shoes. Ni-bun ko lang yung buhok ko at nagdala lang ako ng mini backpack para lalagyan ng phone at wallet ko.

Pagkalabas ko ng bahay namin ay siya ring paglabas ni Yabang sa kanila. Nang-iinis ba ang isang 'to?

Inirapan ko lang siya at naunang lumakad, ayoko siyang kasabay. Magkasunod lang kaming naglalakad at parehong papunta sa sakayan, ang akala kong magkaiba kami ng daan ay hindi pala dahil s parehong jeep din siya sumakay. Nang-aasar talaga ang lalaking 'to.

Nagkataon na pang-dalawahan nalang ang bakante at iyon ay magkatabi pa kaya no choice kundi ang tiisin ang presensya niya. Wala kaming kibuan sa isa't isa, nagpapakiramdaman kung magbabayad na ba ang isa o hindi pa.

"Bayad po/Paabot ho." Nagkatinginan pa kami nang sabay kaming mag-abot ng bayad.

"Magkasama ba kayo? Wala na kasi akong barya, pwedeng isa na lang sa inyo ang magbayad?" sabi ni manong, parehas na buo kasi ang pera namin at nagkataon na sa parehong lugar lang ang destinasyon namin.

"Dalawang SM Mega Mall ho," tipid niyang tugon. Nahihiya kong ibinaba at ibinulsa ang pera ko.

"Palitan ko na lang mamaya sa bahay," bulong ko.

"No need," malamig niyang tugon.

Hindi ko talaga maintindihan ang taong 'to, nung nakaraan lang ang ganda ng mood, may pa-peace offering pa nga tapos ngayon ang sungit-sungit na.

Ang Pag-ibig ni Ms. ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon