Chapter 17

1.7K 32 4
                                    

Andriette's POV

Medyo nahihilo pa rin ako nang magising ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay dun ko lang nadatnan na may natutulog sa tabi ko.

Nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama habang mahigpit na hawak ang kamay ko na tila ba ayaw na niya akong pakawalan.

Nakailang beses pa ako sa pagkusot sa aking mga mata at sinisigurado ko talaga sa aking sarili kung tama ba itong nakikita ko.

Nang igalaw ko ang kamay kong hawak niya ay agad itong nagmulat ng mata tsaka nag-aalalang tumingin sa akin.

"Love, you're awake," he smiled. "How are you feeling? May masakit ba? Gusto mo tawagin ko 'yung doktor? Anong gusto ng mahal ko?" halos hindi na siya magkandaugaga habang nagtatanong.

Imbis na matuwa ako at yakapin siya, ramdam ko ang mga luhang handa nang bumagsak mula sa mga mata ko.

"Hey, why are you crying? What's wrong, baby?" nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.

"A-are you real? H-hindi ka ba panaginip?" naiiyak kong tanong.

"Mahal, I'm real and I'm here. Shhh," he wiped away my tears and kissed my cheek.

Inangat ko ang dalawa kong braso at unti-unti siyang niyakap kasabay nang muling pagbuhos ng luha ko.

"Wag mo na akong iwan, please," pakiusap ko habang humihikbi.

"Hindi na, love. Hindi na," he reassured me and helped me sit up straight. "Hinding-hindi na kita iiwan, ako na ang mag-aalaga sayo at sa baby natin," malambing niyang sabi at hinimas ang maumbok kong tiyan.

"It's a boy," anunsiyo ko habang nakangiti.

"I know, love. Thank you," he smiled so sweetly while tears are starting to form in his eyes.

I was about to ask him what really happened when the door opened revealing my in-laws.

"Finally! That shit is already in jail," nagdidiwang na sabi ni Freya habang nakayakap sa braso ng kuya niya.

"Who?" naguguluhan kong tanong at isa-isa silang tinignan.

"Alena and her shitty father," si Trev na ang sumagot.

"Curious pa rin ako," sambit ni Freya. "Bakit buhay ka pa? Binaril ka nga diba!" she pointed out.

Maging ako ay naguguluhan din dahil parang hindi naman talaga nabaril si Jake.

He seems so fine...

"It's a long story, Freya," sagot ni Jake habang hawak pa rin ang kamay ko at nakaupo sa tabi ko.

"Well, we have the whole day to talk about it. Spit it out, come on!" pagpupumilit niya na para bang bata na nagpapabili ng laruan.

"Fine," pagsuko ni Jake.

Bago pa siya magsalita ay tinignan niya muna ako na may ngiti sa kanyang labi tsaka hinalikan ang aking noo.

"Right from the very beginning nung muling nagtagpo ang mga landas namin ni Alena. She asked me to get back with her again and when I said no, pinakiusapan niya ang tatay niya na tulungan siyang magkabalikan kami. I wasn't planning on getting back with her, masaya na ako kay Andriette pero binantaan ako ng ama niya. Sasaktan niya ang asawa ko sa oras na hindi ako pumayag sa nais ng kanyang anak. Sa takot na baka totohanin niya ang sinasabi niya, pumayag ako. Ang una kong plano ay tapusin iyon ng mas maaga pero nang malaman kong dinadala ni Andriette ang anak namin, mas lalo akong natakot para sa kapakanan nila kaya minabuti kong lumayo para mapanatiling ligtas ang mag-ina ko," we all just looked at him as silence filled the four corners of the room.

He then looked at me and held my hand.

"Don't get me wrong, darling. Iniwan kita pero hindi kita pinabayaan. Sa loob ng ilang buwan niyong pagtatago, alam ko kung nasaan kayo, alam ko ang bawat galaw mo, alam ko kung okay ka o hindi, alam ko ang mga nangyayari sayo," pag-amin niya na nagpaawang sa aking bibig.

So, all this time, he's watching me? Well, that's kinda creepy...

"God knows how much I want to come back to you pero laging nakabuntot sa akin si Alena. I can't take any risks. So I decided to manipulate her," he looked at his sister. "Naalala mo nung dumalaw sa inyo sa States? You saw a small recorder attached on my suit."

"Yeah, naalala ko 'yon. I really thought, ako 'yung nagsisinungaling, tayong dalawa pala," mahina siyang natawa at ganun din si Jake.

"Teka, anong nangyari?" pagkuha ko sa mga atensyon nila.

"Naalala mo nung lumabas kayo ni Kuya Trev, ate?" tanong niya na ikinatango ko naman. "Dumalaw nun si kuya. Pagkarating niya sa condo, kung ano-ano ang pinagsasabi niya, kesyo niloloko daw natin siya. Nung una naguguluhan ako kung bakit niya nasasabi ang mga 'yon pero nang makita ko 'yung recorder sa likod niya, I played along. Pinalabas naming dalawa na may relasyon kayo ni Kuya Trev at siya ang ama ng anak niyo ni Kuya Jake," halos malaglag ang panga naming lahat dahil sa ginawang pag-amin ni Freya.

"Alena fell for that act easily," si Jake ulit ang nagsalita.

"Teka nga," Trev interrupted. "Kapatid niyo rin ba ako? Bakit parang kayong dalawa 'yung nagkakaintindihan?" tanong niya habang papalit-palit ang tingin sa mga kapatid niya.

"You're too busy minding your own business," si Freya na ang sumagot.

Bago pa mag-away ang dalawa ay muli akong nagsalita habang nakatingin sa asawa ko.

"Eh 'yung nangyari sa simbahan?" 

"It was planned, darling. I had to set them up. In that way, tuluyan na silang makulong at hindi na nila tayo magagambala," hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Paano mo nahanap 'yung killer mo?" tanong ni Trevor.

"Pinahanap ko talaga siya. I once heard Alena and her father talking about me. He was planning something that involves killing me, kaya pinahanap ko 'yung kinuha niyang papatay sa akin. I persuaded that person to team up with me and turn his back against them," muli niyang pagk-kwento.

"Will she be gone for good?" tanong ni Freya.

"Yes. If not, ako na ang bahala dun. Ang importante sa akin ngayon, ligtas ang mag-ina ko," he looked at me with a smile on his face. "I love you so much, darling. Hindi na ako aalis, pangako," sambit niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I love you more, hubby. I missed you so much," naluluha kong sabi habang hawak ang kanyang kamay.

Finally, my husband is home.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now