Chapter 13

1.6K 31 7
                                    

Andriette's POV

"Seven months," I whispered while caressing my tummy.

I'm already seven months pregnant, yet the father of my child is still not here.

Ang tagal niya. Sabi niya, babalik din siya agad. Bakit ang tagal?

I sighed and continued caressing my tummy while looking at it.

"Ang tagal ng daddy mo, anak. Ang sarap niyang batukan," pagkausap ko dito at bahagyang tumawa.

"Ate?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at agad bumungad sa akin si Freya na nakadungaw sa may door frame ng balcony.

"Bakit?" tanong ko at tuluyan na siyang nilingon.

"Si Kuya Trev muna ang sasama sayo sa check-up mo mamaya. Tapos sabi niya, may pupuntahan daw kayo pagkatapos nun. Okay lang ba sayo?" tanong niya.

Kahapon ko pa hindi nakakausap si Trev kasi abala na ito sa pag-aayos ng mga gamit niya. Bukas na kasi ng umaga ang alis niya pabalik sa Australia kaya matitira na lang kaming dalawa ni Freya dito sa US.

"Oo naman, hindi ka ba sasama?" tanong ko pero napailing na lang ito.

"Hindi eh. 'Yung impakto kong boss, pinapapasok ako ngayon sa kompanya niya," naiinis nitong sabi at mahina naman akong natawa.

"Kaya pala. Sige na, mag-ayos ka na para makaalis ka na rin papunta sa trabaho mo," utos ko dito at agad naman siyang tumango tsaka bumalik sa kwarto niya.

Even though I don't have my husband beside me during my pregnancy, I still have his siblings who really took care of me for over seven months.

Hindi rin ako nahirapan sa pagbubuntis kong ito dahil hindi ako masyadong maselan, konti lang ang pinaglilihian ko at nung unang buwan pa lang ng pagbubuntis ko ay hindi ako masyadong nagsusuka at nahihilo.

"Ahh!" daing ko nang biglang sumipa ang anak ko.

Ito lang ang nagpapahirap sa akin ngayon, ang malalakas niyang pagsipa.

"Anak, kalmahan mo lang." Natatawa kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko nang bigla itong sumipa ulit na nagpadaing na naman sa akin sa pangalawang pagkakataon.

I really wish Jake could feel his son's moves.

"Dri, okay ka lang?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at agad bumungad sa akin si Trev na may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ah, oo. Sumisipa lang siya." Nakangiti kong sabi.

"T-talaga?" unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Yes, feel it," pag-aaya ko dito at tila nag-aalinlangan pa siya.

"Okay lang sayo?" tanong niya at tumango naman ako.

Unti-unti niyang nilapit ang kanyang kamay sa tiyan ko hanggang sa tuluyan na itong lumapat at muling sumipa ang anak ko.

"Oh, shit!" tuwang-tuwa niyang sabi nang maramdaman niya ang sipa ng pamangkin niya.

Natawa naman ako sa naging rekasyon niya habang patuloy niyang dinadamdam ang sipa ni baby.

"Gosh, I can't wait to have my own family. This is so amazing," he looked at me with a smile on his face.

For me, I know that he will be the best father for his future child.

...

"There's your baby." Nakangiting sabi ng OB ko habang tinuturo ang screen monitor. "So far, there's nothing to worry about. The baby is strong and healthy as well as the mother," she looked at me and then to Trevor.

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon