Chapter 7

1.8K 36 2
                                    

Jake's POV

"Buti naman at pumayag ka sa nais ko, Jake." Nakangising sabi ng ama ni Alena habang prenteng nakaupo sa sofa.

"I'm already with your daughter. Now, leave my wife alone," madiin kong utos habang nakatitig sa kanya.

"Being with my daughter is still not enough, Jake. Kulang pa," sambit nito at nagsalin ng alak sa baso niya.

"What do you want me to do?! Inabanduna ko na ang asawa ko't lahat, hindi pa rin sapat?!"

"Hiwalayan mo siya ng tuluyan. Annulment, Jake. And then, marry my daughter," utos nito na nagpalaki sa aking mga mata.

"N-no. I will never do it. Hindi ko hihiwalayan ang asawa ko at mas lalong hindi ko papakasalan ang anak mo!" I turned my back on him and started walking away.

"I'll find her, make her suffer, and kill her. Is that what you want?" he asked making me froze in my position.

I took a deep breath before facing him.

"Try to lay a finger on her, tandaan mo, nasa puder ko ang anak mo. Kapag pinatay mo ang asawa ko, patay din ang anak mo. In that way, patas tayong dalawa." Ngumisi ako nang mapansin kong pinipigilan lang niya ang kanyang galit.

Hinayaan ko na siya dun at naglakad na palabas ng bahay niya.

Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi niya titigilan si Andriette. Kahit patayin ko ang anak niya ay hindi niya titigilan ang asawa ko.

When I reached my car, I grabbed my phone and called my sister.

"Hey, kuya. What's up?" tanong niya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Are you at work? Where's my wife?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Wag kang mag-alala, binabantayan ni Kuya Trev si ate. Teka, napatawag ka? May nangyari ba?" pag-iiba niya ng usapan.

"Wala, wala. Is she okay? Galit ba siya sa akin?" tanong ko pero tinawanan niya lang ako.

"Of course not! But she misses you," agad naman akong nanlumo nang muli kong maalala ang asawa ko.

Gosh, I missed her so much.

"I'll be back soon. Just please, take care of her. Kayo ni Trev, alagaan at ingatan niyo ng mabuti ang asawa ko. Babalik din ako," pakiusap ko at sunod-sunod naman siyang tumango.

"Noted, mag-iingat ka. Say fvck you to Alena for me," she smiled sarcastically but I just glared at her. "Joke lang. Sige na, marami pa akong gagawin. Babye!" paalam nito at agad din namang pinatay ang tawag.

Inilapag ko muna ang cellphone ko sa passenger seat at sumandal muna saglit sa upuan ko.

Imbis na asawa ko ang kasama ko ngayon, imbis na masaya kaming dalawa, imbis na gumagawa kami ng sarili naming pamilya, iba ang nangyayari sa amin.

I badly want to hug her, kiss her, take care of her, protect her, but I can't.

Nakatali kaming dalawa, isang maling pagkakamali langay maaaring mapahamak ang mahal ko.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

...

"Hi, baby!" Alena greeted me as I entered the house.

I ignored her and kept walking until I reached the stairs.

Sinasadya kong wag siyang bigyan ng halaga para siya na mismo ang sumuko at iwan ako.

"Hey, nagluto ako ng hapunan. Kumain ka muna bago ka magpahinga," muli siyang nagsalita habang nakasunod sa akin.

She's not even a good cook. Kung hindi maalat, matabang naman. Tapos sa mga prito, hindi nawawala ang sunog.

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon