Chapter 8

1.8K 31 4
                                    

Andriette's POV

Two months passed by.

Limang buwan na akong buntis at bukas ay may inihandang gender reveal party si Freya.

Sa ilang buwan kong pananatili dito sa Amerika ay nagkaroon ako ng mga kaibigan na mga pinay din at madalas kaming lumalabas pero sa mga malalapit na lugar lang. Minsan ay kasama ko si Freya o 'di kaya naman si Trev para daw mabantayan nila ako ng maiigi.

Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga akong balita tungkol kay Jake. Hindi ko alam kung okay ba siya o kung sila pa ba ni Alena. Hindi kasi masyadong nakakausap ni Freya ang kuya niya dahil madalang lang daw itong tumawag.

Hindi kasi namin siya pwedeng tawagan dahil baka si Alena ang sumagot. Mapapahamak kaming lahat kapag nalaman niyang may koneksyon pa kami kay Jake.

"Ate! Tignan mo itong nabili ko. Super cute niya! Bagay ito para sa gender reveal tomorrow!" Nakangiting sabi ni Freya habang nilalabas mula sa paper bag ang nabili niyang damit.

It's a white off-shoulder dress.

Nang sukatin ko ito sakto lang siya sa katawan ko at nab-bring out talaga ang umbok kong tiyan.

"Omg! Ang ganda mo talaga, ate! No wonder, patay na patay sayo si kuya!" Nakangiting sabi ni Freya habang pinagmamasdan ako.

"Ano 'yung laman ng ibang bags?" tanong ko nang mapansin kong marami pang bags ang nandun sa mahabang sofa.

"Oh, bumili na rin ako ng ibang mga gamit ni baby. Actually, ang iba diyan ay galing sa pera ni Kuya Trev. Naghati kaming dalawa para sa future pamangkin namin," paliwanag niya na ikinatango ko naman.

Wala ngayon si Trev dito sa condo kasi may kailangan daw siyang ayusin at babalik na rin kasi siya sa Australia dalawang buwan mula ngayon.

"What's your guess?" tanong ko kay Freya habang hinihimas ang tiyan ko.

"I really want it to be a girl!" Nakangiti niyang sagot. "Pero okay lang naman kung boy, talo nga lang ako sa pusta," dagdag niya na ikinatawa ko naman.

Nagpustahan kasi ang magkapatid na ito kung lalaki ba o babae ang baby ko.

Maging ako ay hindi din alam kung ano ang gender ni baby. Ang bagong OB na kaibigan ko na rin lang ang nakakaalam.

No matter what gender my baby is, he/she will be loved.

...

"Hi, Andriette!" bati ng mga kaibigan ko nang salubungin ko sila.

"Hi! Buti nakarating kayo!" nagagalak kong sabi at nakipagbeso sa kanila tsaka kinuha ang mga inaabot nilang regalo.

"Of course! Ikaw pa! Kami ninang niyan ha!" pagprisinta ni Sara na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Oo naman!" pagpayag ko at tsaka sila pinapasok sa loob ng venue.

Kumuha lang kami ng maliit na venue malapit sa condo at dahil konti lang naman kami ay nagkasya kaming lahat. Sobra pa nga eh.

Puro asul at pink lang ang suot ng mga bisita at ako lang talaga ang naiiba. Mas marami ang may suot na asul kaya ibig sabihin nun ay mas marami ang may hula na lalaki ang anak ko.

"Hi, Dri!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at bumungad sa akin si Trev na naglalakad palapit sa akin.

Asul din ang kulay ng kanyang damit.

"Oh, Trev. Buti nakarating ka," bati ko at nakipagbeso sa kanya.

"Syempre! Gusto ko malaman kung anong gender ng pamangkin ko. At gusto ko din makita ang desmayadong mukha ni Freya kapag lalaki ang bata." Nakangisi niyang sabi.

Adik talaga 'to kahit kailan...

Umabot siguro ng higit kalahating oras bago nakumpleto lahat ng bisita.

Filipino time nga naman...

"Ate, tara na!" pag-aaya ni Freya papunta dun sa pinakaunahan ng mga tao.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya habang si Trev ay nakasunod din sa amin.

Kaming tatlo kasi ang magpapaputok ng mga confetti kung saan nakalagay ang kulay ng gender.

Hininaan muna namin saglit ang music at nagpunta na sa kanya-kanya naming mga pwesto.

"Ready na ba kayo?!" excited na tanong ni Freya habang hawak naming tatlo ang mga confetti.

Sabay-sabay na naghiyawan ang mga tao at ang iba ay isinisigaw ang mga hula nilang gender ng baby.

"Three! Two! One! Go!" we all counted and thw three of us popped the confettis.

"It's a boy!" Sigaw ko sa tuwa at ang mga nakahula ng tama ay halos magwala na rin sa tuwa, kasama na dun si Trev na halos ipamukha na kay Freya na mali siya.

"Hoy, bayad!" bulyaw ni Trev nang tatakasan na sana siya ni Freya.

Padabog na kinuha ni Freya ang wallet mula sa bulsa niya at binayaran si Trev.

"Babawi ako sa susunod na baby nila ate." Nakanguso nitong sabi na ikinatawa ko naman.

Jake, may tagapagmana ka na.

...

Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang litrato namin ni Jake at hindi ko maiwasang maiyak habang pinagmamasdan iyon.

Simula nung mag-apat na buwan na ang tiyan ko ay naging iyakin ako sa tuwing nakikita ko ang litrato ni Jake at naaalala ang mga masasayang memorya naming dalawa.

"Ate? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Freya habang mahinang kumakatok sa pinto.

"A-ah, oo," halos piyok kong sagot.

Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang magkapatid kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Ate, bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong niya at agad silang umupo sa tabi ko.

"W-wala. N-namimiss ko lang ang kuya niyo. Sigurado akong masaya siya kapag nalaman niyang may tagapagmana na siya," mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ang litrato.

"Shhh, tahan na. Makakasama 'yan sa baby, Dri," pagpapaalala sa akin ni Trev habang hinahaplos ang likod ko. "Magiging okay din ang lahat. Diba nga, nangako si kuya na babalikan ka niya. I know him very well, he always kept his promise," patuloy na pag-alo nito sa akin.

"Tama, babalik din si kuya soon," pagsang-ayon ni Freya.

"Hanggang kailan pa ba kami maghihintay ng baby ko?" tanong ko at parehas silang tinignan.

Hindi naman nila ako masagot at nanatiling tahimik lang sa tabi ko.

"Kukuha muna ako ng tubig," paalam ni Freya at agad lumabas ng kwarto.

That's her way to escape my question.

"Hanggang kailan pa ba ako maghihintay, Trev? Kailangan ko na si Jake. Kailangan siya ng anak namin," patuloy kong hagulgol at naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin.

"Shhh, tahan na. Magiging okay din ang lahat. Tahan na," he rested my head on his chest while his hand is on the back of my head.

Jake, please come back to me. I need you. Our baby needs you.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Where stories live. Discover now