Chapter 16

1.6K 37 5
                                    

Jake's POV

"Sundin mo lang ang utos ko, bibigyan kita ng proteksiyon," seryoso kong sabi sa taong inutusan ng ama ni Alena para ipapatay ako. "Talikuran mo ang mag-ama at sa akin ka kumampi. Kapag pumayag ka, hindi ko hahayaang makulong ka o mapahamak. Kung umayaw ka, pamilya mo ang madadamay. Kung ano ang binayad sayo ng ama ni Alena, triple ang ibibigay ko sayo," I kept on negotiating with him.

"Hindi ako makukulong? Hindi madadamay ang pamilya ko?" sunod-sunod niyang tanong.

"I guarantee that."

"Anong gusto mong gawin ko?" he asked.

"Simple. Itutok mo ang sniper kay Alena pero hintayin mo akong harangan siya bago mo kalabitin ang gatilyo. Ipapalabas kong ako ang nabaril mo imbis na si Alena. Pagkatapos nun, magpahuli ka, wag kang tumakas. Ituro mong sila Alena at ang ama niya ang nag-utos sayo na barilin ako pero sabihin mo na dapat si Alena ang babarilin mo. Kapag tinanong ka kung bakit, sabihin mong sarili mong desisyon 'yon. Kapag nagawa mo ng tama ang trabaho mo, magkakasundo tayong dalawa, makukuha mo ang lahat ng pinangako ko," mahaba kong paliwanag sa kanya.

"Paano kung malaman nila ito?" tanong niya na nagpakunot ng aking noo.

"Hindi nila malalaman kung hindi ka magsasalita. Shut your mouth, do your job, and you'll be free," mariin kong sabi habang matalim na nakatitig sa kanya. "Oras na traydurin mo ako o tumalikod ka sa usapan natin, handa ang mga tauhan ko sa isang bagay na tiyak akong pagsisisihan mo na kinalaban mo ako."

"Ayos na ang lahat, boss." Napalingon ako sa tauhan ko na kakapasok lang ng silid.

"Good. Make sure to keep an eye on him. Wag niyong hayaang pumalpak ang plano ko," mariin kong utos na ikinatango naman nila tsaka umalis nang dumating ang mga magulang ko.

"Siguraduhin mo lang na huling pakikipagplastikan na ito, Jake. Naaasiwa na ako sa pagmumukha ni Alena. Gusto ko nang makita ang manugang ko," mataray na sabi ni mommy.

"Wag kang mag-alala, my. Huli na 'to, gusto ko na ring umuwi sa asawa ko."

...

We're already on the middle of the ceremony.

Nangangawit na ang mukha ko kakangiti sa kanya pero kailangan kong tiisin.

Another few minutes went by until I saw a beam of red light pointing at Alena's chest. That's my cue.

Some guests saw it as well including her father and I took that opportunity to act as if I was saving her. I yelled her name and hugged her body.

Saktong nakarinig kami ng malakas na tunog ng baril at naramdaman ko ang pagtama nito sa likod ko.

"J-jake?" halata ang gulat sa kanyang mukha hanggang sa sabay kaming bumagsak sa sahig.

"No, no, no, love, please!" she cried when she saw my blood covering her palm.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" Sigaw ng mga bisita habang nagkukumpulan sila sa amin.

"Love, stay strong, please. Dadalhin ka namin sa ospital, stay with me." Umiiyak niyang bulong habang yakap niya ang kamay ko.

Somehow, I feel bad for Alena. She truly loves me. Unfortunately, she already lost the opportunity to be with me years ago.

I faintly smiled at her before closing my eyes.

I'm tired.

...

"Nasaan si Alena?" tanong ko sa mga tauhan ko nang makapasok sila sa loob ng silid kasama ang doktor.

"Dinala na sa police station kasama ang tatay niya."

"Good. Eh 'yung gunman?" I asked again.

"Nandun na rin, boss."

I nodded and removed my suit revealing my bullet proof vest covered in fake blood.

"Finally, natapos na rin ang lahat ng ito," I mumbled with a smile on my face.

Makakabalik na rin ako sa tunay kong tahanan.

Suddenly, the door opened and a nurse walked in.

"Dok! Kailangan kayo sa emergency room! May isinugod na babaeng hinimatay. She's about 7 or 8 months pregnant," natatarantang sabi ng nurse.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman nang umalis ang doktor ay kusang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya samantalang ang mga tauhan ko ay sumunod na rin para mabantayan ako.

Delikado na, baka may nagmamasid sa amin na kakampi nila Alena.

Tila nanlumo ako nang matanaw ko ang mga kapatid ko na nakatayo sa tapat ng emergency room at halata ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Shit... no...

"Trev. Freya," madiin kong tawag sa dalawa.

Nang lingunin nila ako bakas sa kanilang mga mukha ang gulat na tila nakakita sila ng multo.

"K-kuya? Buhay ka?!" hindi makapaniwalang tanong ni Freya.

"Pero diba binaril ka?" naguguluhang tanong ni Trev.

"Mahabang kwento. Kayo dapat ang tinatanong ko," sambit ko. "Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo umuwi nang hindi nagsasabi sa akin? S-si Andriette ba ang nasa loob?" sunod-sunod kong tanong at halos manginig ang buong katawan ko sa huli kong tanong.

"Sorry, kuya. Nagpumilit si ate na umuwi dito para makita ka. Hindi naman namin inaasahan na babarilin ka dun," pag-amin ni Freya habang nagpipigil umiyak.

"S-she saw me got shot?" I asked and they slowly nodded. "Hindi niya dapat nakita 'yon. Bakit niyo siya hinayaang pumunta dun?!" bulyaw ko sa dalawa.

Wala namang masagot ang dalawa at nakayuko lang ang mga ito.

"I asked you both one thing. One thing! Wag niyo hayaang malaman niya ang plano ko! Bakit niyo siya inuwi dito?! Shit!" halos magwala na ako dun habang dalawa ay nanatiling tahimik sa mga kinatatayuan nila.

God, please, wag niyong pabayaan ang mag-ina ko. Ngayon ko na lang sila makakasama ulit. Parang awa niyo na.

...

"Doc? How's my wife?" tanong ko sa doktor nang makalabas siya ng emergency room.

"Wala na kayong dapat alalahanin pa, they're safe. Tumaas lang ang blood pressure ng asawa mo pero mabuti na lang ay malakas ang kapit ng baby." Nakangiti niyang sabi.

Tila natanggalan ako ng tinik sa lalamunan at nakahinga na rin ng maluwag sa wakas.

Thank you, Lord.

Nang ilipat na sa private room ang asawa ko ay mabilis ko siyanh nilapitan at siniil ng halik ang kanyang labi.

"I'm here na, love. Nandito na ako," bulong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. "Tapos na ang problema natin, mahal ko. Pagkagising mo, aalagaan na kita at ang baby natin. I love you so much, my wife. You're my home, my world, my everything. I'll do everything to protect you and our little treasure," I slowly caressed her tummy and gave it a kiss as well.

"Kapit lang, anak. Daddy can't wait to see you and hold you," I mumbled and kissed her tummy again.

"I love you both so much," I whispered as tears stream down my face.

I'm finally home.

To be continued

Hiding His Son ✓|Jackson Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon