Chapter 40

6.7K 205 19
                                    

Lumipas ang mahigit tatlong buwan at mabilis na kumalat ang balita tungkol sa bagong CEO ng kanyang kompanya. It's Madison. Marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari, paano naging ang asawa-- ex-wife niya ang bagong nakaupo na CEO. Nabalitaan din niya na hindi nito inalisan ng kontrol ang mga magulang niya at pinsan sa kompanya.






Mahigit tatlong buwan narin nang magsimula siyang umiwas o sa madalin sabi, ay magtago. Her parents and friends kept calling and texting her ngunit mabilis niyang tinapon ang lumang cellphone at bumili ng bago pati na rin ang sim card. She needs to do this. They were asking the same questions asked by many.





Why is Madison the new CEO?

Where is she?

Ano ang nangyayari?

Bakit Russo na ulit ang apelyido nito?





Marami pa silang katanungan ngunit hindi na niya sinagot. She wanted to explain everything to them but she remained quiet, hidden. Ayaw na niya magkaroon pa ng bagong conflict sa pagitan nila ng dating asawa. Masaya na siya para rito at ang makilala ang anak nila kahit isang beses lang. Gusto niyang mayakap ito ngunit wala na siyang karapatan. She signed the contract and Sullivans keep their promise. Malaman lang niya na ayos ang kalagayan ng mag ina ay masaya na siya.





Ibinaba niya ang dyaryo at huminga ng malalim. She's in a peaceful place. Malayo sa syudad at maingay na paligid. Ngayon ay napapaligiran siya ng magandang tanawin. Luntian na paligid.  Fresh air. A perfect place to be laid in peace.





Sumimsim siya ng kape at inilibot ang tingin. Masarap maglakad lakad at mangahoy ngayon. She needs wood for the fireplace. Lalo na at masyadong bumababa ang temperatura dito tuwing sasapit ang gabi. She's currently living inside a modern style cabin, right at the center of the forest. Halos half ng wall sa living and dining room ay glass, it was bulletproof kaya alam niyang safe siya. She saw it for sale online noong naghahanap siya ng mabibili na bahay sa malayo and when her eyes saw the modern cabin listed for sale ay mabilis siyang nakipagdeal para mabili ito. It was previously owned by an old lady who recently passed away. Mabait daw ang may ari at maalaga sa bahay. She was single dahil namatay na long ago pa ang partner nito na babae rin. She's dead at the age of 21, too young. Kaya hindi na muling nag asawa ang matanda. Na-mention pa na may hiwaga na bumabalot sa lugar dahil may mga nakakita at saksi na tuwing ika-15 ng bawat buwan ay nabubuhay at bumabalik rito ang namatay nitong kabiyak.






It's amazing. And she made sure that she will take care of this place. Love it like how the previous owner did. Dito na nga rin siya papanaw at kahit na ilang taon lamang o buwan siya rito ay gagawin niya ang makakaya para alagaan ang lugar. It's a precious place. And she wants her daughter to have it when she's gone. A month ago, nakipagkita siya sa kanyang abogado para sa kanyang will. She left everything on her daughter at makukuha lamang nito iyon kapag tumuntong na ito sa tamang edad. Nakasaad din na dapat pangalagaan ang lugar na ito kapag nawala na siya. Everyday if possible.






All her other properties like the house that was supposedly their home will be given to Madison. The hacienda she bought and other lots, mapupunta sa mag ina niya. Makukuha ng mga ito ang kanyang will pagkatapos niyang mamatay. She also wrote a letter for them, and also for her parents and friends.







Isinuot niya ang jacket at kinuha ang lagayan ng makukuha niyang fire wood. Naglakad siya palabas ng bahay at naglibot libot sa paligid habang namumulot ng mga tuyong sanga. There are different kinds of plants here. May mga wild berries pa na safe naman kainin. There are ferns, too. Kung maglalakad ka ng mahigit isang kilometro mula sa cabin ay marararing mo ang isang ilog. Malinis ito at safe na safe maligo. Sagana rin sa isda at may maliliit na crabs at hipon siyang nakita roon noong pumunta siya kamakailan lang.






She gaze up at may konting liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Sobrang mapuno kasi ang lugar kaya halos wala nang liwanag minsan sa ibang parte. Lumingon siya sa kabilang direksyon at natatanaw na mula sa kanyang kinatatayuan ang cliff kung saan siya tumatambay kapag nalulungkot. She was amazed when she learned that the property including this private forest and the cliff is owned by an old lady. Buti ay hindi siya pinagbawalan noong ilang beses siyang pumasok rito. Hindi kasi nakikita ang sign na private property. Ngunit nang mabili niya ang lugar ay nagpagawa siya ng sign at pinalagyan ng barb wire fence ang buong nasasakupan ng property.






She inhaled a lungful of air while taking the scenery around her. It's so peaceful. Ngayon lang talaga siya nakakapagrelax dahil wala na siyang inaalala kundi ang sarili na lamang. She knows it's selfish na hindi niya pinapaalam sa mga magulang at mga kaibigan kung nasaan siya, kung ano na ba ang nangyayari at ang kalagayan niya but she just wants to go in peace na. Ang doctor lang niya at nurse na pinagkakatiwalaan nito ang nakakapasok rito dahil sa treatment niya minsan.






She already gave up pero ayaw ng doctor at nagrepresenta na weekly or monthly ay pupunta rito para i-check ang kalagayan niya. She refused at first dahil na rin sa sinabi nito na maaaring hindi tumalab ang treatment at wala ng epekto ngunit nagpatuloy parin ito.






She was busy roaming around near the cliff when suddenly, she heard a faint sound of a woman singing. Mabilis siyang napatingin sa paligid and when her eyes landed on the cliff, she saw two beautiful women. Holding hands and touching the lone tree near the edge. Sisigaw sana siya para tanungin ang mga ito nang mapansin niya ang kislap sa kutis ng dalawa.







Mukha silang mga diwata. Nakangiti ang dalawa habang kumakanta ang isa.





'We lay my love and I, beneath the weeping willow
But now alone they lie and weep beside the tree

Singing 'oh, willow waly' by the tree that weeps with me
Singing 'oh, willow waly' till my lover returns to me..





Napasinghap siya nang lumingon ang dalawa sa kanya at ngumiti. Mas naaninag niya ang mukha ng mga ito.





"Take care of the place. May your happiness find its way to you.."





Iyon lamang ang binanggit ng isa na mas mukhang matanda ng konti at unti unti nang naglaho ang dalawa.





What was that?






Dala niya ang pagkamangha hanggang sa makabalik siya sa cabin. She's not hallucinating, right? Totoo ang nakita niya, the woman literally told her to take care of this place and what? Her happiness will find its way to her? Napailing siya at ibinaba at inayos ang mga napulot na tuyong sanga sa lagayan ng fire wood. She took some of it and put it inside the fire place at sinindihan. Medyo lumalamig na aksi ang paligid dahil papahapon na.






After doing that, she went into the kitchen to cook her meal for dinner. A simple meal para sa isang tao lamang. Nagpahinga siya ng ilang sandali bago kumain at hinugasan ang pinagkainan and now, she's sitting on a single sofa in front of the fire place.






Madilim na ang paligid at maririnig ang malalakas na huni ng mga insekto at ng iba pang hayop. It's not creepy at all. It's relaxing. Para siyang nasa ibang bansa. Pumikit siya at inalala ang mukha ng mga magulang, then her friends and lastly, ang mag ina niya. She can't help but bit her lip to stop herself from sobbing. Hindi maganda ang huling encounter nila ni Madison. Ngunit at least nakahingi na siya ng tawad kahit hindi naman niya alam kung napatawad na pa siya nito o kung mapapatawad pa. Gusto rin niyang puntahan ito para humiling na mayakap kahit isang beses lamang ang anak nila ngunit pinipigil niya ang sarili dahil sa may usapan sila.






Her tears continuously roll down her cheeks and after an hour of crying ay medyo nakaramdam siya ng hilo at napahawak sa ilong nang may maramdaman na likidong lumabas roon. And she was right. It was blood.







Nilinis niya ang sarili at naghilamos bago nagpasyang matulog na. Alas otso pa lamang ng gabi pero parang inaantok na siya kaya hinayaan na niyang lamunin ng antok ang sarili habang yakap ang isang litrato.






***
Hello guys, this chapter is connected with my one shot story, Dead at 21. You can read that para malinawan sa hiwaga ng lugar na nabili ni Ava. Thank you for reading🖤

Her PrurienceWhere stories live. Discover now