Chapter 14

7.6K 229 9
                                    

She's just waiting for Zaddiel to come now. After she called her bestfriend at narinig nito ang pag iyak nya auly para itong nagpanic at sobrang pag alala na tinanong sya. Wala ito ngayon sa unit nito dahil sa bahay nilang mag asawa umuwi ito lalo na't iyon ang gusto ni Taz.






Nagtalo pa ang dalawa kung saan titira at ang nanalo nga ay ang asawa nito kaya walang magawa na sumunod na lamang si Zaddy para wala nang gulo. Baka kasi ay may't maya lang sila magtalo ng asawa.








Tumigil na rin sya sa pag iyak at nakatulala na lang na nakatingin sa terrace ng unit nya. Ayaw nyang labas doon kahit gusto nyang magpahangin dahil baka marinig nya ang ginagawang kababalaghan sa nirerentahang unit ng boss nya. Napapikit sya sandali at inalala ang nangyari sa kanila sa resort sa Zambales noong birthday nito.








Wala naman itong sinabi na espesyal sa kanya. Umasa lang siguro sya na magle-level up na ang relasyon nila. Matagal na nyang kinikimkim ang paghanga dito at hindi nya na narealize na iba na pala ang nararamdaman. She loves her boss. Akala nya ay simpleng paghanga parin ito pero ngayon nalaman na nya na iba na pala. Patunay na lang ang sakit na nararamdaman nya ngayon.








Kumuha muna sya ng beer sa ref at bumalik sa pagkakaupo sa sofa at sinimulan kumain ng oang midnight snacks nya.







Plano pa naman nya sana na magmovie marathon na lang muna pero iba pala ang mangyayari. Labasan ng sama ng loob pala. Nag alala pa sa kanya ang nagdeliver ng food dahil nilabas nya itong humahagulgol pa sya. Akala pa nito ay napano na sya but she assured the guy she's alright. Binigyan na rin nya ng isang libong tip ito dahil hinintay pa nito na tumahan sya ng konti at binigyan pa sya ng advice about sa lovelife. Natawa na lang sya nang maalala ang sinabi nito na wag masyadong magpaapekto sa nangyayari dahil kung kayo ay kayo talaga.









She was busy drinking and munching snacks when someone knocked on her door. Tumayo na sya at sinilip muna ito sa peephole. It was Zaddiel and Taz. Parehas pang nakapantulog na ang dalawa kaya nahiya sya sa mga ito. Pinagbuksan nya ang mag asawa ng pinto and Zaddiel being taklesa and bungangera ay sumabog na agad ang sermon nito sa kanya.









Sumunod na lang silang dalawa ng asawa nito sa living room at naupo habang si Zaddiel ay pabalik balik na maglakad habang dakdak ng dakdak.









"Honey, let Madison speak before you rant."









Pagpapahinahon dito ni Taz at hinawakan ang bewang nito saka pinaupo sa tabi nya. Huminga muna ito ng malalim at saka tumingin sa kanya. Naghihintay na magkwento sya.









Muka na itong naiinip kaya naman sinimulan na nya ikwento ang nangyari sa opisina at hanggang sa nasaksihan nya sa labas mismo ng unit nya. Taimtim na nakikinig lang ang dalawa pero nang mabanggit nya na binigay nga nya ang virginity sa boss nya sa mismong birthday nito ay dadakdak na naman sana si Zaddiel nang takpan ng kamay ni Taz ang bibig nito at madilim ang itsura na tumingin sa kanya.









"You were a virgin back then?"









Malalim ang hininga nito at sunod sunod iyon kaya malamang ay galit talaga ito. Tumango sya ng dahan dahan dito at nagtaka nang mas lalong dumilim ang aura nito at bigla na lamang tumayo kaya napasunod sila ni Zaddiel dito.









Nagulat sila ng marahas na binuksan nito ang pinto at mabilis na lumabas kaya napatakbo na rin sila ng bestfriend nya para sundan ito at mas nahintakutan sila nang walang habas na pinagkakatok ang pinto ni Ava. Nang hindi ito bumukas after ng isang minuto ay pinagsisipa na ito ni Taz kaya umawat na sila ng asawa nito dahil galit na galit talaga ito.









Her PrurienceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora