Chapter 6

8.8K 292 24
                                    

She packed all the things she know she might need for their outing. Pagkahatid sa kanya ng boss nya kagabi ay mabilis syang nagbook ng grab car para maihatid sya sa mall para bumili ng regalo nya para sa kanyang boss. Naguguluhan man at medyo ninerbyos sa pagsigaw at pagpapababa sa kanya nito ay ipinagsawalang bahala na lamang nya ito. Maybe her boss has something bothering her that made her frustrated at sya nga ang napagbuntungan nito.





"Done."





She smiled while touching her luggage suitcase. Nasa backpack naman nya ang regalo para kay Ava. It's just a simple gold bracelet with blue violet crystals. Unang kita palang nya rito ay ang boss agad nya ang pumasok sa isipan kaya walang pag aatubili na binili na nya ito. It cost her a month of her salary but it's all good lalo na first time nya maimbita sa birthday nito at may ipon pa naman sya.





It's just 4:30 early in the morning. minessage kasi sya ng kanyang boss na 5 am daw sila aalis. Sinabihan narin nya si Zaddiel at ang gaga excited na excited sumama. Hindi nya alam may kalbaryong susundo sa kanya at makakasama nya sa buong duration ng outing. Gustong gusyo na nya bungangaan at tanungin ito kagabi ngunit naalala nya na sinabihan sya ng kanyang boss na 'wag sabihin rito para maayos narin ang problema ng mag asawang iyon.





Lumabas muna sya sa kanyang unit para katukin ang bruha baka mamaya ay tulog na naman ito at naghihihilik pa. Nakakahiya sa boss nya at sa asawa ng bruhang ito.





She knocked three times before she heard footsteps going for the door. Bumukas ang pinto at nakahinga sya ng maluwag nang makita na nakaayos narin ito at bitbit na ang mga gamit.





"My friend, papunta palang ako sa unit mo! Hindi naman halata na excited ka masyado sa birthday ng iyong ninanasa ano?"





Nakangising ani nito na syang ikinairap nya. Umagang umaga ay umaariba na agad ang bunganga nitong palengkera.





"I was just checking if you're still asleep dahil nakakahiya naman kay boss na paghintayin."





Tumawa lang ito at hinatak na sya papunta sa sariling unit matapos maisara ang unit nito. Tinignan nya ang oras at may sampong minuto pa sila para maghintay pero mukang hindi na kailangan pa dahil kumatok na si Ava sa pintuan nya kaya dali dali nyang binuksan ito.





Tumambad sa kanya ang maaliwalas na muka nito na medyo mataray tignan. Sa tabi nito ay may isang babaeng matangkad na akala mo modelo sa tindig. Ngumiti ito sa kanya at itinaas ang posas na dala kaya napanganga sya rito.





Don't tell me na gagamitin nito kay Zaddy iyon?





Tumawa lang ito at mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang ipasok nito sa loob ng underwear ang susi. Alam nyang sa suot nitong panloob nilagay ang susi kahit hindi nya ito nakita.





Lumingon sya sa kanyang likuran para tignan si Zaddiel ngunit busy ito sa sariling cellphone at parang walang pakialam sa mundo na nakataas pa ang mga paa sa center table nya.




Patay kang gaga ka..





She shook her head and signed the beautiful and tall woman to be silent habang dahan dahan itong naglakad papunta sa likuran ng bestfriend nya. Maingat nitong iniangat ang kamay ng bestfriend nya at ang gaga ay tumawa pa at sinasabing tsinatsansingan daw nya ito. Hindi nito alam na ang asawa na nito ang gumagawa noon. Nang makarinig silang dalawa ng boss nya ng magkasabay na click ay napangiwi pa sila parehas nang marahas na tumingin si Zaddiel sa taong nagposas sa isa nyang kamay.






Her PrurienceWhere stories live. Discover now