Chapter 32

6.1K 212 18
                                    

"I'm fine, Zaddy." Iyon lamang ang lumabas sa kanyang mga labi. Iniiwasan din niya makasalubong ang mga mata nitong tila sinusuri siya. She can't let them know kung ano na ang nangyayari sa kanilang mag - asawa. She moved back to her unit pero kung bibisita ang mga kaibigan nila at ang parents ni Ava ay wala siyang magawa kundi bumalik sa unit at magpalusot sa mga ito na namimiss niya ang kanyang condo at nililinis.






Tumaas ang kilay nito at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. Halata na rin ang umbok ng tyan nito. Sawang sawa na nga siya kakakinig sa sex life ng mag asawa. Walang tigil ang bibig ng kaibigan at halos inaraw araw na talaga ng mga ito. Mayroong isang gabi na tumawag ito sa kanya, akala naman niya ay sobrang importante ng sasabihin or emergency pero naririnig niya lang ay mga halinghing at eskandalosang ungol ng walanghiya niyang kaibigan. Kinukwento pa nito habang gumagawa ng milagro na feeling nito ay mas lumaki daw ang ibon ni Taz. Jusko!






"Hindi parin masyadong halata tyan mo, Maddy. Baka hindi healthy kinakain mo ha?"





Tila nag-aalalang sambit nito saka ito umikot habang naglalakad. Hindi niya maiwasang mapairap sa ginagawa ng kaibigan. Sabi ng doctor ay maliit ang pagbubuntis niya. May mga ganoon daw talagang cases. Minsan nga raw ay hindi talaga halatang buntis kasi sobrang liit lang ng umbok.






"Anyway, ano pinaglilihian mo? Mabaho din ba ang asawa mo?" Ani ni Zaddiel pagkatpos umupo sa kanyang tabi. Nandito sila ngayon sa unit ni Zaddiel. Pinalinis nito iyon at nahihilo siya kaninang umaga ay nagdecide na lamang siya na umabsent dahil ubos na ang leave niya. Ayaw din niya makita muna si Ava. Pagkatapos kasi ng ginawa nito sa kanya at mga pang iinsulto nito ay hindi na sila nagpapansinan pa masyado. They become distant and she became cold at wala nang pakialam dito. Hindi na niya pinagluluto, pinaglilinis at pati sa laundry. Kanya kanya na sila.






"Buko and cheese. Hindi naman ako nababahuan kay Ava, mas gusto ko pa nga naaamoy iyon." She answered honestly. Totoo naman kasi na halip mabahuan ay mas lalo pang naging kaakit akit ang amoy nito para sa kanya pero pasimple lang siya umaamoy dito kapag hindi na ito nakatingin o kung may pagkakataon na magkakalapit sila. Ayaw na rin kasi niyang dumikit dito dahil baka mamaya kung aong insulto o pandidiri na naman ang ipakita at sabihin nito. She's trying her best not to let stress eat her up dahil makakasama sa baby niya iyon.





Nagkibit balikat lang ang kaibigan saka kumuha ng isang slice ng pizza at kinain ang crust pagkatapos alisin ang toppings at sauce. Ang weird maglihi ng babaeng 'to.





"Kamusta naman ang sex life n'yo?" Biglaang tanong ng kaibigan matapos ang mahabang katahimikan. Parehas na silang nakatulala na lang at tila nagmumuni muni.






She wants to roll her eyes dahil sa katanungan nito. Hindi talaga mawawala ang tanong nito about sa buhay pagtatalik nila ni Ava. Kilala din n'ya itong hindi titigil hangga't walang nakukuhang sagot kaya mapipilitan siyang magsinungaling ngayon. She look at her feet at pasimpleng sinuri ang mga kuko niya roon. Hindi niya alam kung paano magsinungaling. She's never good at lying. And she never once lied dahil ayaw na ayaw niya.






"It's good. Just the same."







She simply answered saka nagsalin ng tubig sa baso niya pagkatapos ay uminom. Hindi niya narinig ang kaibigan na nagkomento kaya tumingin siya rito at kita n'ya ang lungkot at pagdududa sa mga nito. Zaddiel can really read her like the back of her hand. They are bestfriends and sisters, not by blood but by bond. Alam nito kung may dinadamdam siya at kung may problema.






"You had a fight. A big one perhaps?"
Seryosong ani nito. At tila sinisigurado na lang. She sighed and nod her head. Wala namang rason para itago pa rito iyon. She started telling the root of their fight hanggang sa kung ano anong mga nangyayari ngayon. Akala niya ay magagalit ito but she saw tears well up on Zaddiel's eyes kaya medyo nataranta siya at mabilis na niyakap ito.






"I'm sorry I wasn't there Maddy, kung nandoon lang ako ng mga panahong iyon ay hindi mo mararanasan--" She cut her off and cupped her cheeks. Pinakatitigan niya ito sa mga mata at pinunasan ang mga luha na umaalpas dito gamit ang hinlalaki niya.






"I'm fine Zaddy. I just need time at kapag hindi ko na kaya ay aalis na ako. I won't let her hurt my baby."






Zaddiel nodded and hugged her. Nang tumahan na ito ay saka s'ya natawa. Para itong bata na basta na lang sinalpak sa sariling bunganga ang mga crust ng pizza na wala nang toppings at sauce. Punong puno na ang bibig nito pero patuloy lang sa pagnguya.







Inabot na sila ng ilang oras na magkwentuhan bago dumating si taz para sunduin si Zaddiel. They bid their goodbyes bago umalis ang dalawa at siya ay babalik na sana sa sariling unit nang mamataan niya na bukas ang pinto ng unit nilang mag asawa o mas okay sabihin na unit ni Ava. She slowly walked towards the door para sana isara nang bigla iyon bumukas at iluwa ang asawa niyang ilang araw na niyang iniiwasan.







Tumingala siya ng tingin rito dahil halos magkadikit na ang katawan nila. When their eyes met ay para s'yang nanlambot nang makita ang walang emosyon nitong mukha. She mentally sighed and took a step backwards. Iniwas niya ang tingin rito, hindi pa niya kaya na makita ang walang emosyon nitong mukha or much worse, ang pagkadisgusto rito. Kailangan niya umiwas sa stress para sa anak niya.







She was about to turn her back and walk away when Ava suddenly grab her wrist at hinila siya papasok sa unit nila. She was about to speak and ask her kung anong kailangan nito nang makita niya ang tinatahak nilang daan. That room.







Her mind were clouded with pain and fear, kaya mabilis siyang nagpumiglas kay Ava ngunit mas malakas ito sa kanya kaya parang wala lang na nahila siya nito papasok roon. Nang ma-corner na siya nito sa loob ay mabilis nitong sinara at ini-lock ang pinto bago siya muling hinarap. Hindi ito nagsasalita at wala paring emosyon na makikita rito. She wanted to run pero nakaharang ito at naka-activate ang fingerprint lock ng pinto.







Unti unti itong lumapit sa kanya kaya mabilis siyang napapikit at nanginginig ang mga kamay na niyakap ang sarili habang umiiling.







"N-No, Ava.. Please, no.. S-Saka mo na lang ako saktan at parusahan pagkapanganak ko. P-Please not my baby.."






Napamulat siya ng mata nang marinig ang marahas na pagbuga nito ng hininga bago naglakad papunta sa kama na nasa gitna ng kwarto at tinapik iyon.







"Come here."







Kahit ayaw niya ay walang magawa na lumapit siya sa puwesto nito bago naupo sa tinapik na side ng kama. They just sat there in silence for a good five minutes before Ava spoke the words she's not ready to hear yet.











"I want a divorce."

Her PrurienceWhere stories live. Discover now