Chapter 56:

22.3K 538 230
                                    

Pagkarating namin ni El sa safe haven ay agad na naming inayos ang gamit namin.

Ang kambal naman ay enjoy na enjoy sa tanawin. Ngayon kolang napansin na nagdala pala sila ng libro, gosh pati ba naman sa family bonding namin dinala libro.

Nakaupo silang dalawa sa gilid ng puno at nagbabasa ng libro habang panaka nakang tumitingin sa magandang tanawin.

Pagtapos naming ayusin ni El ang gamit ay agad niya ng tinawag ang kambal para palipatin ng upo sa mismong pwesto namin.

Agad namang tumalima ang kambal at dali daling lumapit samin ng makitang inilabas ni El ang stick-o, mag Ina nga talaga.

Kainis wala man lang namana sakin sa part na mahilig ng combi. Asan ang hustisya? Wala man lang ako kasama kumain ng combi. Hmp.

Nakaupo kaming apat at tila pinapakiramdaman ang isa't isa.

Nakatingin lang kami sa magandang tanawin. Nakasandal ako sa balikat ni El habang ang kambal naman at nasa harap namin kapwa kumakain ng stick-o, tag isang garapon pa jusko. Kay El din isang garapon. Yung akin? Combi Isang plastic.

"Mommy, Dada, pag lumaki ako gusto ko pong maging katulad ni Dada, gusto ko po maging Engr paglaki tapos po aasawahin ko din po yung teacher ko, katulad mo po Mommy." Napahagikik siya dahil sa huli niyang sinabi.

Napatawa naman kaming dalawa ni El at nagkatinginan. Alam ng dalawa ang kwento namin ni El dahil kwinikwentuhan sila ni El pag magkakatabi kaming matulog.

"Ikaw ate Thal? Ano gusto mo paglaki? Yung lumaki? HAHAHAHA anliit mo." Napahagalpak ng tawa si AA dahil sa pang aasar niya.

Mas matangkad kase si AA kesa kay Thalia kaya palagi niyang inaasar so Thalia na maliit.

Kita naming nagsalubong ang kilay ni Thalia at akmang hahampasin niya sana si AA ng dali dali itong tumayo at tumakbo. Agad naman siyang hinabol ni Thalia, at ayon naghabulan silang dalawa.

"Madapa kayo ah." Saad ni El sa kanila pero hindi sila tumigil.

Narinig kong napabuntong hininga si El bago hawakan ang kamay ko at dinala sa labi niya para halikan.

"Kanina ka pa bakit parang napaka problemado mo." Nakakunot noo kong tanong at pinisil ang kamay niya.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Nothing. I love you so much, Yana." Madamdamin niyang saad tskaa hinalikan ako sa noo bago tumingin sa kambal na ngayon ay kinukurot ni Thalia si AA.

Kita kong napangiti si El pero kita ko sa mata niya ang lungkot. Bakit?

"Baby Thals, tama na yan. Come here babies." Tawag sa kanila ni El.

Agad namang binitawan ni Thalia si AA na ngayon ay hawak hawak ang parte kung saan kinurot ni Thalia at napanguso.

Lumapit na ang dalawa samin at bumalik sa pagkaka upo.

Nagpatuloy ang kulitan at asaran namin dito sa safe haven, sobrang saya namin puro tawanan at tanging mga ngiti lang namin ang makikita sa bawat isa.

Napatigil kami sa pagtawa sa pagjojoke ni AA ng tumunog ang cellphone ni El. Kita kong kinuha niya ito at tinignan.

Kumunot ang noo ko ng makitang kumuyom ang kamao niya at dali daling pinatay ang cellphone bago ibinaling ulit ang atensyon samin at ngumiti.

"Let's sing, babies." Saad niya at kinuha ang gitarang dala niya.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now