Chapter 12: Sweat

26.8K 797 103
                                    

Lumipas ang ilang Linggo at patuloy ko paring kinukulit si ma'am sa office niya tuwing vacant ko. Di parin mawawala yung kaharutan ko pagdating sa kanya.

Papalapit narin ng papalapit ang Intramurals namin kaya yung iba ay nagkanya kanya ng sali sa mga sports.

Sila Xelly,Joy at Scarlet ay sumali ng volleyball. While the three Magdalena is sa boy basketball para daw magkaroon sila ng chance makakita ng abs ng mga boys, mga siraulo talaga.

At ako, eto sa basketball girls. Want ko sana sumali ng Badminton kaso di naman ako masyadong sanay, kaya basketball nalang.

Kasalukuyan na naman akong papunta sa office ni Ma'am ngayon para sana ayain siyang lumabas. Kinakabahan nga ako baka kasi hindi pumayag.

Habang naglalakad sa hallway ay may biglang humarang sakin na mga babae, I think nasa 2nd year palang sila. Tatlong babae ang humarang sakin tila ba kinakabahan na kinikilig.

"A-ate Sevriana, pwede po bang magpapicture?" Sabi nung singkit na maliit, ang kyut nya. Nagtaka naman ako kung bakit sila magpapa picture e hindi naman ako artista.

"A-ahm why? I mean di naman ako artista eh hahaha bat kayo magpapicture?" Kamot batok kong sabi.

"Ate kasi po ang ganda mo tsaka crush ka po naming tatlo." Natawa naman ako sa sinabi nung kulot na babae kaya pumayag na rin akong magpapicture sa kanila.

"May bayad to ah?" Natatawang biro ko sa kanila.

"Ay ate, ahm eto po combi nalaman ko po kasing favorite mo kaya po bumili po ako pasensya na po kung Isang supot lang iyan." Yung kulot ulit, antahimik lang ng Isa nilang kasama. Nagulat naman ako sa sinabi nung kulot.

"Ay halaka hindi mo kelangan bumili, jusko baka mas kakailanganin mo yung pera, akin na bayaran ko nalang." Sabay abot sa kanya ng 3k. Alam kong sobra iyon pero bahala na siya. Nagulat siya ng ibigay ko yon.

"Ay ate huwag na po, okay lang naman po tsaka bilang isang tagahanga mo po kaya ko po to binibigay." Natuwa naman ako sa sinabe niya.

"Salamat ah pero di ka na talaga dapat bumili, inyo na yang pera kayo ng bahala jan. Una nako ah? May pupuntahan pa kasi ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Nagpaalam nadin sila pero bago pa yon ay lumapit sila sakin at hinalikan ako sa pisnge kaya napatawa ako. Pagtapos ay tumakbo na sila, mukhang mga bata amp hahahah cute.

Magpapatuloy na sana ako ng makita ko si ma'am sa gitna ng hallway na nakatayo at nakahulikipkip na nakatingin sakin na may madilim na awra. Anyare sa kanya?

Dali dali akong lumapit sa kanya.

"Hi ma'am, good morning." Nakangiti kong bati sa kanya pero nakatitig lang siya sakin.

"Ma'am, wag mo po ako titigan ng ganyan alam ko naman pong maganda ako." Nakangiti kong sabi sa kanya at kumindat pa pero nag tss lang siya at tumalikod sakin bago naglakad palayo.

Sinundan ko naman siya, papunta kami ng office niya ngayon.

Pagdating sa office ay bigla niya akong tinulak paupo sa couch. Ride me, mommy. Charot.

Nakatulala lang ako sa kanya ng may tumamang wet wipes sa mukha ko. Nagtataka kong tinignan ang salarin ng bumato.

"Ano gagawin ko dito, ma'am? May dumi po ba mukha ko?" Takang tanong ko.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now