Chapter 5: Stare

28.2K 919 187
                                    

Pagdating sa condo unit ay dali dali akong pumasok sa kwarto ko, bahala na si gurang don alam niya na gagawin niya. Itutulog ko nalang tong kahibangan ko.

It's already 6pm, 7pm yung shift ko sa coffee shop kaya may time pa ako mag ayos. Lumabas ako ng kwarto para icheck kung nagluto na ba si gurang, and ayon naabutan kong naghahain na siya.

"Oh sakto gising mo, kain na tayo niluto ko fav mong chapsuey napansin ko kasing bad mood ka kanina." Aw sweet, alam niya talaga kung ano magpapagaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko sya at hinalikan sa pisnge at nagpasalamat.

Pagtapos kumain ay siya na ang nagpresintang maghugas ng plato dahil kailangan ko ng maligo para di ako malate. Saktong 6:40 nang matapos akong mag ayos.

Lumabas na ako ng kwarto't para magpaalam kay gurang.

"Hubby, alis nako lock mo tong pinto ah wag kang magpapapasok ng kahit sino. Wag mo na ako hintayin mamaya pang 12 out ko. Ingat ka dito." Tinanguan niya lang ako at humalik sa pisnge ko. Nagpaalam nakong aalis.

Saktong 7 akong nakarating sa coffee shop, malapit lang din naman kasi to nilakad kolang. Pagkadating na pagkadating ko ay sinalubong agad ako ng katrabaho kong si Alex.

"Sis buti naman andito kana, naghihintay na mga customer mo oh." Pang aasar niya na ikinatawa kolang.

Nagpalit muna ako ng damit at nagsimula nang magtrabaho.

Hours passed and it's already 10pm, wala na din masyadong tao dito. Nakayuko ako ng may huminto sa harap ko, for sure customer kaya binati ko pero di parin ako nag aangat ng tingin.

"Good evening, ma'am! What's your ord-" di ko na natapos sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Naalala ko na naman ang nakita kong eksena sa parking lot kanina kaya bahagya akong napasimangot. Bumalik lang ako sa ulirat nang may pumitik sa noo ko.

"Damn you, I called you multiple times but seems your mind occupied by something. May I remind you, you're doing you're work at this moment?" Masungit na saad sakin ni Elsa. Oo guys si Prof. Alcantara ang nasa harap ko.

"I'm sorry ma'am. What's your order po?" Magalang kong tanong sa kanya.

"Two cappuccino and one strawberry cake and then one chocolate cake."

"Okay po ma'am. Dine po or take out?"

"Dine in."

"Okay, ma'am. Pakihintay nalang po sa table mo ang order nyo po ihahatid nalang po doon." Yon lang at wala siyang pasabing umalis sa harap ko. Pagkatapos kong gawin ang inoorder niya ay binigay ko na kay Chloe para siya na ang maghatid, pero di pa siya nagtatagal ay bumalik na kaagad kaya nagtaka ako.

"Oh bat mo binalik yan?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Gusto nong magandang babae na ikaw maghatid e, di niya daw tatanggapin kung di ikaw maghahatid." Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabe niya. Bat naman ako? Ngayon ko lang napansin na may kasama siya sa table pero di ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa pwesto ko.

Kinuha ko nalang para wala ng gulo, pagkarating ko sa table nila ay tsaka ko lamang nakita ang mukha ng kasama ni ma'am. Yung babaeng kahalikan niya sa parking lot.

"Here's your order po, ma'am. Enjoy." Akmang aalis na sana ako ng pigilan ako ni Elsa. Sige Elsa nalang itatawag ko sa kanya.

"Bakit po, ma'am?" Nagtakaka kong tanong. Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas kaya nagsalita na ako.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now