Chapter 55:

24.1K 608 184
                                    

Sevriana Aqua Vaugh POV

"Babies, pwede bang sa susunod hindi kayo sasama sa kung kani kanino? Kami lang ni Dada niyo ang susundo sainyo." Pagpapangaral ko sa kanila.

"Why po, mommy? Even po kay Tita Aquil?" Nagtatakang tanong naman ni Thalia.

Yes, lalong lalo na sa kanya.

"Yes, baby. Kami lang ang magsusundo sa inyo. Wag na wag kayong lalapit at kakausap ng kahit sino. Please sumunod kay mommy ha?" Tumango tango naman sila sakin.

Nasabi narin ni El na ok nadaw sila ni Aquil. Kung si El nauto ni Aquil, pwes ako hindi. Kilalang kilala ko yung baliw na yon.

"Okay na, sleep na kayo. May lakad tayo bukas with Dada niyo."

"Where are we going, Mommy?"

"Secret." Tumango tango naman silang dalawa at nagsibalikan na sa kanya kanyang kwarto.

Ako naman ay pumunta na sa kwarto ko. Kita kong nakaupo si El sa kama at nakasandal sa headboard.

Umupo ako sa dulo ng kama at tumikhim.

"El, pwede bang kausapin mo ulit ng maayos si Aquil? At tsaka magpapasama narin ako ng magbabantay sa mga bata sa school." Kita kong kumunot ang noo niya bago lumapit sakin.

"Okay, I know it's about your twin kaya ka nagkakaganyan. Kahit ako hindi kumbinsido sa kambal mo. Wag kang mag aalala, magpapasama ako ng maraming tauhan na magbabantay sa kambal. Ako nadin bahala kay Aquil." She said and kissed me in my forehead.

Kinakabahan ako dahil alam ko kung anong pwedeng gawin ni Aquil pag hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Narinig kong napabuntong hininga si El kaya napatingin ako sa kanya.

"Aalis nalang muna ako dito, what do you think? Ako lang naman ang habol ng kakambal mo kaya hindi siya matahimik. Wag kang mag alala, aayusin ko to tapos magpapadala ako ng maraming tauhan na magbabantay sainyo." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Pwede rin pero... Hays.

"But El-" she kissed me smack lang kaya natahimik ako.

"No buts, update niyo ako palagi. Magpapasama din ako ng magbabantay sayo. Mag iingat kayo ha. Mahal na mahal kita. Kayo ng dalawang itlog natin. I love you so so so much, Yana. Always remember that. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo ha. Mga anak natin, alagaan mo sila. I'm sorry for all I've done to you, lovelove. Habang buhay kong pagsisisihan yon."

Iginaya ko siya pahiga sa kama at yumakap sa kanya. Tumulo ang luha ko sa di malamang dahilan.

"Ang panget naman ng mga sinasabi mo, El. Para namang mamamaalam ka na. Hindi mo naman kami iiwan ulit diba?" Natatakot ako.

She smiled and kissed me in my forehead.

"No, lovelove. I'm always be here. Hinding hindi ko na kayo iiwan. Palagi niyo akong kasama."

"Wag ka nga magsalita ng ganyan nakakainis ka." Napatawa naman siya bago yakapin ako ng mahigpit.

"Let's sleep na, may bonding pa tayo bukas." Napabuntong hininga naman ako bago sumiksik sa leeg niya.

Bakit feeling ko mawawala siya sakin? No, ayoko, hindi na ulit please.

Nakatulog ako dahil sa pagod. I don't pero pakiramdam ko pagod na pagod ako wala naman ako masyadong ginagawa.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now