[ 36 ] Back to Normal

49.8K 510 34
                                    

Chapter 36: Back to Normal

Nang umalis sila sa airport ay humiwalay na sa kanila ang mga kaibigan na sina KL, Steven, Aine at Spencer para makapag-usap sila ng maayos ni Gab. Ang dahilan nila ay marami na silang oras para makasama si Jin dahil hindi na ito tuluyang aalis. Nasa sasakyan sila ngayon at nagmamaneho si Gab pero walang ideya si Jin sa kung saan ang punta nila. Habang nagdadrive ay nakahawaka ang isang kamay ni Gab sa kamay ni Jin.

"Hindi ka ba nangangalay sa ginagawa mo?" tanong ni Jin kay Gab.

"Hindi. Kamay mo naman ang hawak ko. Hindi kita bibitawan at baka makaalis ka pa."

"Nagpapakasweet ka pa dyan."

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

Nagpark si Gab ng sasakyan sa tapat ng school nila noong highschool. Madilim pa sa lugar kaya hindi rin napansin ni Jin na doon pala ang punta nila.

"Why did you bring me here?"

"Kasi gusto ko."

"Madilim pa sa labas."

"Ano naman ngayon?"

"Walang masyadong ilaw."

"Natatakot ka?"

"Why will I be? Of course not! Parang dilim lang."

Napangiti si Gab. I-deny man ni Jin na natatakot siya, alam niya na lalabas at lalabas pa din sa kanya na natatakot siya sa dilim. Lumabas sila ng sasakyan.

"Anong gagawin natin dito, Gab?"

"Tatambay."

"Sa loob ng school? At this hour?"

"Hindi, dito tayo sa labas tatambay," sarkastikong sagot ni Gab.

Tinignan siya ni Jin ng masama pero nginitian lang naman siya ni Gab. Pumunta sila sa back entrance ng school at nilapitan nila ang guard.

"Ang aga niyo naman magsipasok?" tanong ng guard sa kanila.

"Mag-aaral kami kaya kami maagang pumasok," sagot ni Gab.

"Pero sarado pa ang school, Sir."

"Doon na lang kami sa playground, pwede?"

"Hindi po talaga pwede."

"Hindi mo ba siya kilala?"

Hinila ni Gab si Jin at iniharap sa guard.

"Sino po ba siya?" tanong ng guard.

"Kilala mo ba 'yong model noon na si Charel? 'Yong nabalita na naaksidente tapos namatay? Siya 'yon. Tignan mo ng maigi."

Hindi man masyadong naaalala ng guard ang itsura niya pero naaalala ng guard ang balita na 'yon. Tiningnan maigi ng guard si Jin.

"Hindi ko siya kilala," sabi nung guard.

Hinila ni Gab palayo si Jin doon.

"Magpacute ka nga doon sa guard," utos ni Gab kay Jin.

"And why will I do that?! Ayoko nga." Pagtataray niya.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon