PROLOGUE

892K 22.9K 28.1K
                                    


OLD SUMMER TRILOGY

#1: An Old Summer Daydream

#2: Letters of Past Summer Nights

#3: After Summer 64


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***


"You do not understand how important this is to me and my future! Hindi mo 'to pwedeng tratuhin na parang laro lang dahil sa kagustuhan mong manalo!"

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuyom ang kamay ko, pinipigilan ang sariling sigawan siya. Ano ba ang pinapalabas niya, ha?! 

"At anong mali sa kagustuhan kong manalo, ha?! 'Di ba 'yon naman 'yong dahilan kung bakit tayo nagko-compete?! Para manalo! Kapag nanalo na 'yong tao, wala nang pakialam 'yong iba sa reason-reason na 'yan! Winning is the most important!" 

"You are not taking it seriously!" iritang sabi niya ulit sa akin. 

"And so what? I can still win without taking things seriously." Sinamaan ko siya ng tingin at humakbang papalapit sa kaniya. 

What? Dahil lang na-late ako sa training, dahil nag-swimming muna ako at basang-basa ang buhok ko nang pumasok sa room, dahil nabasa ko ang research papers niya, at dahil may oras akong gumala muna sa labas kasama ang mga kaibigan ko, pabaya na ba ako?! No! I was having fun! Porket hindi siya marunong noon! 

"We are so different," he hissed. "I am competing so I can be accepted in the Honors program in college. Kailangan kong seryosohin 'to. Kung hindi ka magseseryoso, umalis ka na lang sa team."

I can't help but scoff in disbelief! Grabe, ano ang sabi niya?! Ako?! Ako ang pinapaalis niya sa team?! Simula elementary ako ay nasa debate na ako! I had been winning awards! Ang dami ko nang trophies at certificates na naka-display sa kwarto ko, and then what?! He would accuse me of not taking it seriously?! At ano?! Umalis na lang ako?! 

"I was just late, Yori! Ano ba ang pinuputok ng butchi mo riyan?! Hindi tayo matatalo dahil lang na-late ako ngayon!" pakikipagtalo ko sa kaniya. 

"Hindi lang 'to tungkol doon!" He stepped forward and glared at my eyes. Mabigat na ang paghinga niya at galit na galit na talaga. Ano ba talaga ang ginawa ko sa kaniya?! 

"Eh, ano?!" 

"You're hitting on me!" 

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi inaasahan 'yon. Gusto ko mang magsalita pero wala akong masabi! Para akong nahugutan ng hininga. Matagal siyang nakatitig sa mga mata ko bago niya ako tinalikuran, mukhang pinagsisihan kaagad ang sinabi. Napahilamos siya sa mukha niya at umupo ulit sa may table niya na parang walang nangyari. 

He organized the papers and awkwardly glanced at me, who was still standing at the center. Hindi... Hindi ko alam ang sasabihin ko! 

"Ang... Ang kapal ng mukha mo, grabe," hindi-makapaniwalang sabi ko pagkatapos ng ilang segundo. Grabe, natawa ako nang sarkastiko at pumalakpak pa. "Ako?! Ako pa talaga, huh?!" 

"Sino pala? Ako?" balik niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Was I hitting on you?" 

"Hindi ba?" ganti ko at tinaasan din siya ng kilay. Hindi ako magpapatalo 'no! 

Hawak na niya lahat ng papel at sinubukang pagpantay-pantayin iyon habang paulit-ulit binabagsak sa lamesa ang dulo ng mga papel. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin, hawak pa rin ang mga 'yon. Napaatras ako bigla sa may isang lamesa nang huminto siya sa harapan ko. Masyado siyang malapit. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa gilid ng lamesang sinasandalan ko. Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya, hindi alam ang gagawin.

Lumapit pa siya lalo at nilagay ang isa pa niyang kamay sa kabilang gilid ng lamesa. Hawak pa rin niya ang mga papel. Naaamoy ko na ang pabango niya. I pursed my lips while we were staring at each other. His gaze was intense so I matched it. 

Hindi ako magpapatalo. 

"Hindi mo ako nilalandi sa lagay na 'to?" matapang na sabi ko sa kaniya. 

I did not budge. No way. His grip on the table got tighter as he stared into my eyes. 

"Hindi pa," mahinang sabi niya. 

Umayos siya ng tayo at nilapag ang mga papel sa lamesang nasa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako roon! 

"Magbasa ka. Magpatuyo ka rin ng buhok mo." Hinagis niya sa ulo ko iyong maliit niyang towel. Amoy bagong laba pa. Natakpan tuloy ang isang mata ko nang mapunta ang towel sa tuktok ng ulo ko. 

Pinanood ko na lang siyang maglakad pabalik sa table niya para mag-aral ulit tungkol sa topic na naka-assign sa amin ngayong araw. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngisi habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel niya. 

"Sus..." bulong ko at umupo na sa tabi niya para magbasa rin. "Yori..." tawag ko habang nakapangalumbaba at nakaharap sa kaniya. Binaba ko muna ang papel na binabasa ko.

"Ano?" bored na sabi niya habang nagbabasa. Hindi man lang ako tiningnan.

"Mananalo tayo," determinadong sabi ko. "I promise you. Ipapanalo natin 'to. Kapag nanalo tayo..."

Lumingon siya sa akin, nakakunot ang noo at hinihintay ang sasabihin ko. 

Napangisi ako, nang-aasar. "Kapag nanalo tayo... Maging tayo na rin." 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon