Chapter 29

5 0 0
                                    

I woke up suddenly at three in the morning when I felt someone playing with my hair. Nang tingalain ko para tignan kung sino, nakita ko si Cleo na naka ngiti sa'kin kaya napamura ako sa gulat.








"Tangina Cj!" Sigaw ko bago siya yakapin. Humagulgol uli ako. Parang totoo siya, totoo ang ramdam ko sa kaniya. I felt comfort on his arms as he hugged me back.








"'wag ka ngang umiiyak riyan! Ampanget mo!" Tumawa siya. His laugh..








"Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon kaya binisita kita," sabi niya sa'kin.








"Sinungaling ka!" Hinampas ko siya agad kaya napailag siya at tumawa.








"Bakit naman?" Dudang tanong niya sa'kin.








"Sabi mo, hindi ako sasaktan ni Amios!" Nag simula na naman akong umiyak.








"Bakit naging ganito? Bakit niya 'ko ginago? Bakit parang hindi naman naging worth it 'yong four years namin? Bakit parang nakaluwag luwag siya ng mapaalis ako, parang masaya siya na finally wala na 'ko? Bakit parang- bakit parang ang dali lang sa kaniya na i-let go ako.." niyakap niya naman uli ako.








"Hindi mo rin naman alam, pano kung may dahilan? Pano kung may kailangan siyang ayusin ah?" Sabi ni Cleo kaya tinaasan ko siya ng kilay.








"Anong aayusin? Maayos naman ang lahat..." Sabi ko sa kaniya habang nakasimangot. Pinisil naman niya ang pisngi ko at natawa.








"I'll see you next time alright? Dito ka lang.." sabi ni Cleo bago halikan ang noo ko








"Hindi ba pwedeng dito ka lang? Hindi ko na kaya Cj.." sabi ko sa kaniya.








"May dahilan ang lahat Neoma, may rason lahat ng bagay. I'll see you next time my love." He then winked at me then suddenly vanished.







'may dahilan ang lahat Neoma, may rason lahat ng bagay' at sigurado rin akong may rason at dahilan ako para magalit kay Mios! Tangina siya!

Forever Is Composed Of Nows (#2 series)Where stories live. Discover now