Chapter 22

6 0 0
                                    

"tangina kinakabahan ako!!" Sigaw ni Saje habang papasok kami ng school.







Ngayon ang final exam namin. Sana naman pumasa 'di ba? Halos araw araw na yata akong nasa simbahan, naiyak para grumaduate! Tas palagi rin akong nasa library, bihira na rin akong matulog sa gabi dahil sa pag aaral!








"Sa palagay mo Neoma, papasa kaya tayo?" Tanong ni Saje sa'kin. Tumango lang naman ako habang nag babasa ng reviewer. Bigla akong hinila ni Saje kaya napaharap ako sa kaniya.







"Tanga tigilan mo na 'yan! Nag kakaromantic moments tayo e', magalit pa sa'kin si Mios!" Sigaw niya sa'kin.







Huh..?







"May gusto ka ba... Sa'kin?" Tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya ko ng matagal bago matawa sa reaction ko.







"Sis lasing ka ba? Muntik ka ng mabangga kaya hinila kitang tanga ka! Wag kang assumera 'no! Tanga tanga ka talaga basa basa ka pa riyan, muntik ka ng mabunggo ng bike." Pag papaliwanag niya.







"Ahh.." sagot ko sa kaniya bago mag basa uli.






"Why do you look disappointed? Crush mo 'ko 'no?" Pang aasar niya bago tumawa ng malakas.







Hinampas ko naman sa mukha niya 'yong libro.






"Tanga assumero!" Sigaw ko sa kaniya kaya lalo siyang tumawa.






"Mamaya ka na mag review sa room ano ba! Takot na takot bumagsak e'" sabi niya sa'kin bago kunin ang libro.







"Siraulo ka ba? Malamang takot akong bumagsak! Ano last year ko na 'to tas uulit ako kasi bumagsak!? Ayoko nga!" Sagot ko sa kaniya.






Pag dating namin ng room, ang sama agad ng tinginan ni Sheir at Saje kaya natawa ako. Pag ito talaga naging enemies to lovers!






"Naknampucha naman! Ang hirap! Wala bagsak na 'ko neto." Sabi ni Saje habang naka subsob sa lamesa ng cafe.








"Madali lang kaya," pag mamaldita ni Sheir. Parang pati ako naaano na kay Sheir..






"Luh, madali lang kasi matalino ka! Top student ako pero tangina mukhang babagsak rin ako rito." Sabi ni Felix bago napasapo sa noo.







"Ang hirap kaya! Ikaw ba Neoma nahirapan ka?" Napatingin naman silang tatlo sa'kin.






"Para sa'kin, okay lang. Hindi masyadong mahirap pero nachallenge ako.." sagot ko sa kaniya.






"Ikaw ba naman hindi matulog tuwing gabi para mag aral, tapos humingi pa ng patnubay sa Panginoon araw araw! Hashtag sanaol favorite ni God! Hashtag how to be you po" sabi ni Saje kaya natawa ako.







"Siraulo, nag focus kasi ako ng maige sa pag aaral! Ikaw kasi puro ka daldal at reklamo na ang hirap mag saulo!" Sabi ko kay Saje kaya napatawa naman siya.







"Sorry par." Sagot niya kaya natawa kaming lahat.








"Guilty ampota" sabi ni Felix.

Forever Is Composed Of Nows (#2 series)Where stories live. Discover now