Bente-Tres

148 5 0
                                    

Dane


"Shit! Takbo, Dane!."

Wala sa sarili akong tumakbo habang magkahawak kamay kami ni Kuya, papalayo sa bahay ni Lola Maricar.

"Kuya! Ano bang nangyayare?" Tarantang tanong ko sa kaniya habang tumatakbo parin kami papalayo. Lilingon na sana ako ng magsalita si Kuya.

"Don't look back! Sa daan ka mag focus, Dane!" Singhal ni Kuya habang takbo parin kami ng takbo papalayo.

"What the fvck is happening?! Bakit tatalon si Lola Maricar and Nanay Esmeralda? Sino ang kasama nila? Bakit tayo tumatakbo papalayo?." Tanong ko kay Kuya. I can feel he tighten his grip on me.

"Stop asking, Dane. Tinatakbuhan natin ang kamatayan ngayon. Death is chasing us and this is not the time for story telling." Hingal na sagot niya saakin.

Hindi na ako nagsalita dahil sa sinabi niya. Death is chasing us? Who is death? Lola Maricar or Nanay Esmeralda or All of them?.

"K-kuya, Lock ang gate!" Gulat at tarantang sigaw ko ng maaninag ko mula sa malayo ang gate. Sa ilalim kasi ng veranda namin, garden and you need to ikot muna bago ka makarating ng gate, dadaanan muna namin ang old garage ni Lolo bago ang unahan, gate!.

Dinig ko pa ang mahinang mura ni Kuya at hanggang ngayon ay hindi parin ako lumilingon sa likuran ko. Ayaw kong magsisi.

"Marunong ka namang umakyat diba?" Tanong ni Kuya ng papalapit na kami ng gate, alanganin akong  tumango. "Oo ata?" Patanong sagot ko sa kaniya.

"Aakyat tayo."

Gulat akong napatingin sa kaniya at kamuntikan ng madapa dahil sa gulat dahil doon natapilok nalang ako.

"Mag-ingat ka, Dane!" Singhal ni Kuya ng matapilok ako at muntik ng masubsob ang mukha sa sementong daanan.

*Tik!*Tik!*Tik!*

Kumalabog ang dibdib ko at kinakabahang inikot ang paningin sa paligid at huminto sa pagtakbo at nakita ko sila Lola Maricar na papalapit na sa pwesto namin. Tangina! Hindi ko maintindihan ang nangyayare!.

"K-Kuya, m-may Tiktik!" Usal ko dahil sa takot.

"Eh bakit ka huminto?, Fvck it, Dane!. Kailangan na nating makaalis dito." Singhal ulit ni Kuya at tumakbo kami paulit ulit

Habol hiningang narating namin ang gate at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman pala talaga siya lock. Nakarisado lang.

Dahil doon malaya kaming nakalabas sa gate at kaagad na naalarma ng makita ang madilim na daan.

"Can we just go back?" Nanghihinang tanong ko kay Kuya ng makita ang madilim na daan.

"Kung gusto mong maagang mamatay, go ahead." Sagot niya at hinila ako papasok sa madilim na daan.

"Kuya--Saan tayo pupunta?." Tanong ko at kulang nalang yumakap kay Kuya dahil wala talaga akong makita. Madilim eh. Buti sana kung flashlight ang mata ko. Baka sakaling makakita pa ako dito.

"To the person whom we can trust."

"Who?"

"You'll know soon when we already there. If we can escape this shit." Malalim ang boses na sabi niya at tuloy lang kami sa pagtakbo habang dinig parin namin ang mga tunog ng tiktik.

Suddenly, I remembered the story that Kuya told me, about sa Ilo-Ilo.

Tiktik is chasing after us. And I can't accept my conclusion.

Is Lola Maricar and Nanay Esmeralda is one of them?. Are they going to eat us?.

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now