Katorse

161 8 0
                                    

Dane

"Señorita Allysandra"

Tila malamig na hangin ang umihip sa pagitan namin at ganun nalang ang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit pa ngayon ko lang narinig ang pangalang sinabi niya.

Tinignan niya ang reaksiyon ko na tila pinag-aaralan niya. "Marahil ay hindi mo pa siya nakikilala?" Nakangiteng tanong niya saakin at umiling naman ako.

"Hindi pa po"

"Bueno, Halika at ipapakilala kita sa kaniya" Yaya niya at napaatras ako bigla.

Ipapakilala?. "Buhay pa?" Tanong ko at tumawa naman siya. God. Save me.

"Hindi. Sumama ka nalang saakin" Tumalikod na siya at I don't want to be rude at her kaya sinundan ko siya hanggang makating namin ang kwarto na may garden. Yeah. Garden!.

"Asan po siya?" Takang tanong ko. Pumunta kami ni Kuya dito at alam kong walang ibang tao dito. Pumunta si Nanay Esmeralda sa isang dingding na may roong isang kurtina na nakatakip dito.

Geez! Don't tell me, isa iyang kulungan tapos baliw pala yung Señorita?!.

Parang nagslowmo ng bigla niyang higitin ang kurtina at dinig ko kung papaano lumagapak sa sahig ang kurtina.

Napalunok ako habang nakatingin sa babaeng nasa painting. I blinked. It's me...no it's look like me, pero hindi ako. Hindi iyan ako.

"Señorita Allysandra Honorario" Pagpapakilala niya at nakangiteng tinignan ang  larawan at ako.

"Ang lola ng iyong lola"

"Ibig sabihin, matagal na iyang patay?" Tanong ko habang nakaturo sa painting, nahigit ko ang hininga ko ng tumango siya. Hindi kaya na reincarnation ako?.

Binalikan ko ng tingin ang painting. Akong ako talaga. Matagal na pala 'to pero bakit pakiramdam ko buhay parin ang nasa loob ng larawan na'to. Realistic ang pinta. Hindi lumuluma.

Tulala akong bumalik ng kwarto namin ni Kuya at hindi parin ma digest ng utak ko ang mga nakita ko. Imagine nagpatugtog lang naman ako ng piano pero nakita ko na kaagad ang kakambal ko. Ano dapat itawag ko sa kaniya kung lola siya ng lola ko?. Hays.

Naabutan kong tulog parin si Kuya kaya tumabi ako at natulog din sa kaniya.

"DANE!"

"PUTANGINA ASAN ANG ASWANG?!" hysterical kong sigaw at napatayo pa dahil sa gulat. Aatakihin ata ako sa puso.

"Walang aswang, Dane. Binabangungot ka" Napatulala ako kay Kuya. Bangungot? Hindi ako binangungot.

Umiling ako. "Wala akong matandaang masamang panaginip." Sagot ko sa kaniya at bahagya ng humupa ang kaba sa dibdib ko.

"Nagsasalita ka habang tulog" Kunot noong sabi niya pa at tumayo sabay sarado ng bintana dahil humangin ng malakas at dinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Bagyo?" I asked ng medyo mahimasmasan.

"I dunno. Baka" sagot niya at bumalik patabi saakin.

"Gutom na'ko. Kain na tayo. Hindi ako naka pananghalian kanina tapos ngayon." I glanced at the wall clock.

"Alas siete na ng gabi." Dugtong ko pa.

Tumayo siya at may kinuhang tupper ware at inabot saakin.

"Omy! Letche Plan" kuminang ang mata ko.

"Eat up. Wag mo'kong murahin" Natawa ako ng mahina dahil akala niya minura ko siya. Letche nga kase.

"Hindi na'ko kakain ng dinner solve na'ko dito." Nakangiteng sabi ko at nakita ko rin siyang kumakain ng leche plan. Inabutan niya ako ng kutsara at magana ko itong tinanggap at binuksan ang tupper ware at maganang kumain.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng maalala ko ang nakita ko kanina.

"Kuya, Kilala mo si Allysandra Honorario?" Tanong ko at laking gulat ko ng sunod sunod na ubo ni Kuya dahil nabulunan. Eeh?

Mabilis ko siyang kinuhanan ng tubig at inabot sa kaniya.

"Sinabi ko lang ang pangalan ng great grand mother natin nabulunan ka na" natatawang sabi ko pero mas lumala pa ata ang ubo niya. What?!

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now