Singko

198 9 0
                                    

Dane

Nagha-hum lang ako ng kanta habang paakyat kami ni Kuya sa third floor ng mansion.

Ewan ko ba pero ang tahimik talaga ng bahay na'to. Kahit mismong pagtapak namin sa hagdan madidinig mo kahit nasa unang palapag ka na ng bahay.

Kung alam ko palang ganito katahimik pala ang bahay ni Lola edi sana nagdala ako ng speaker at nagtodo music para naman magkaroon ng buhay ang bahay na'to.

"Kung tahimik pala sa baba. Mas tahimik pala dito." Bulong ko na dinig ni Kuya. Dahil sumagot siya.

"What do you expect? nasa dulo na ng baryo ang bahay na'to. We don't have any neighbors here." He replied.

"Try kaya natin gamitin 'yong music room para naman may ingay ang bahay na'to." Nakangiteng suggest ko.

"Makakabulabog kalang, Dane."

"Edi don't." Nakangusong sabi ko dahil parang minaliit niya ang talento ko pagdating sa musika.

"I thought. Pito ang kwarto dito pero bakit naging anim nalang?" Naguguluhang tanong ni Kuya at hindi ko alam kong tatawa ba ako sa kaniya o ano.

Never naging confused si Kuya sa mga bagay bagay. Pag nakita niya. Nakita niya talaga.

"Baka naman kasi kuya mali lang ang bilang mo." Sabat ko pero umiling lang siya saakin.

"Hindi Dane. Pito talaga." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Hindi kaya napa-renovate ni Lola 'tong bahay?." Tanong ko sa kaniya and he shook his head.

"Lola won't renovate this house. Eto lang ang tanging ala-ala niya kay Lolo." Kumbinsidong sabi niya saakin.

"Eh bakit anim lang?." Tanong ko.

Aside kasi sa kwarto ni Lola sa baba e sabi ni Kuya pito daw talaga ang kwarto dito sa Second and Third mansion ng bahay ni Lola. Well mom and dad used to be in the second room on the third floor.

"Hindi ko din alam, Dane." Naguguluhang sagot niya at binuksan ang unang pinto.

"Typical room." Sabi ko ng makapasok kami sa loob ng kwarto.

"Dito magandang magtago sa tago-taguan. Dane." Sabi ni Kuya kaya taka ko naman ulit siyang tinapunan ng tingin.

"Seryoso Kuya, bangag kaba?. Hindi tayo pumunta dito para mag tago-taguan." Sabat ko dahil parang nababaliw na siya. Ano kami bata? Para sa ganiyang laro?. Baliw.

"Suggest lang naman." Biro niya pero inirapan ko nalang siya at nauna ng lumabas ng kwarto at tingungo ang second room.

"Gosh!" Manghang sabi ko ng makapasok.

Kaya pala dito ang kwarto ni Mom and Dad. This room is very relaxing.

"This room is safetier." Biglang sabat na naman ni Kuya kaya muntik na akong mapa poker face at maka kanta ng poker face ni Lady Gaga dahil sa sinabi niya.

Nakapameywang ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay. "Seryoso kuya? Bangag kaba talaga? Chill nga ang pinunta natin dito diba? Anong akala mo magiging kuta na'tin 'to dahil lulusubin tayo ng mga terorista at masabi mong mas ligtas dito?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya at hunalukip kip. Kuya can be serious but crazy at the same time.

"Dito nalang kaya tayo matulog kuya?" Biglang bawi ko dahil parang ang harsh ng tono ko kay Kuya. Pero sanay naman siya saakin.

"No." Sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Edi no.

"Tara sa last room" sabi niya kaya bumuntot nalang ako sa kaniya palabas. Daig ko pa ang may tour guide.

"This room. Ito ang dapat mong iwasang puntahan. Don't let curiousity envelope you." Paalala niya.

"Bakit?" Tanong ko pero binuksan niya lang ang pinto at nanindig pa ang balahibo ko dahil sa tunog ng pinto na lumalangitngit. Parang kulang sa langis dahil ang ingay ng tunog.

Tumambad sa amin ang lumang kwarto. May mga nakatakip na puting tela sa mga upuan at mesa pero ang salamin na naka-harap sa pinto ay hindi natatakpan. Nanindig ang balahibo ko sa batok dahik kitang kita ko ang repleksyon namin ni Kuya sa salamin at biglaang pag-ihip ng malamig na hangin at nakalanghap ako ng bulaklak na rosas na amoy.

"What's the? Amoy rose?" Gulat kong tanong kaya biglang sinirado ni Kuya ang pinto at napalayo pa ako dahil sa tinis ng tunog ng pinto.

"Naamoy mo'yon?" Tanong ni Kuya kaya tumango ako. Napapikit si Kuya at hinila ako sa pinakataas na bahagi ng bahay. Rooftop.

"May swimming pool ba sa taas Kuya?" Excited na tanong ko sa kaniya pretending to be happy kahit nagtataka parin ako sa amoy ng kwarto na'yon.

"Wag mong hilingin" sabi ni Kuya.

"Fresssh Hangin" and I spread my arms dahil wala naman akong pakpak.

Tumakbo ako sa dulo ng rooftop dahil may harang naman para hindi ako mahulog. Dahil kong sakali man lasog-lasog ang abot ko kapag nahulog ako. Masasabi kong mataas talaga kasi ang bahay na'to.

"Wow Garden" Turo ko sa garden sa ibaba.

"Kuya anong tawag sa malaking puno na'yon?" Turo ko sa isang malaking puno.

"Balete. Tirahan ng mga kapre, tikbalang at engkanto." Sagot niya at tumabi saakin.

"Eshh. Tigil nga kuya. Tinatakot mo lang ako eh." Nakangusong sabi ko.

"Iba ang nananakot sa nagsasabi ng katotohanan."

"Oo napo Mr. Albularyo."


...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now