Kinse

162 10 0
                                    


Dane

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng lamig. Napatingin ako sa gilid ko. Si Kuya.

I turned my gaze at the clock hanging at the wall. Exact Three A.M in the morning.

"Devil's hour" I whispered.

Nakatulog pala kami ni Kuya. Mabuti nalang talaga at umayos na siya mula sa pagkaka bulunan. Kala ko mamatay siya cause of death: Choke.

Alas tres ng madaling araw. Kinakatakutan ng lahat.

Pumunta ako sa labas ng veranda tuloy parin ang pag buhos ng malakas ng ulan at subrang lamig na talaga. Napaatras lang ako ng may marinig akong umaalulong kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

"What was that?" I asked myself.

Mas lalong lumalakas ang alulong at pakiramdam ko nasa paligid lang ito.

"H-hindi naman siguro uso ang wolf dito no? Haha" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Pero ganun nalang ang tili ko ng may biglang tumalon sa harapan ko. Napa-upo pa ako dala ng takot. Sinong hindi?

I lifted my gaze at unang-una kong nakita ang paa ng aso. Hanggang makita ko ng tuluyan ang wangis.

Mabilis akong tumayo at umatras. Isang malaking aso na tingin ko ay higit sampu ang laki sa tipikal na aso na kulay brown-gold ang kulay at may ginintuang mata. Tumutulo pa ang tubig na mula sa ulan sa balahibo nito.

Napatingin ako sa direksiyon ni Kuya at natutulog parin siya. I swallowed at tinignan ulit ang aso sa harapan ko.

"B-bakit ka andito? S-sinong kailangan mo? W-wolf kaba?" Nanginginig na tanong ko as if it will answer me.

"Dane Asuncion"

My eyes widen. "Nakakapagsalita ka?! Pa-paano? H-hindi naman bumubuka 'yang bibig mo?" Tanong ko ulit at umatras. Pakiramdam ko mamamatay ako ng maaga. Dito naba matatapos ang buhay ko?. Darn!

"Ikaw ang kailangan ko" sagot nito at bahagya pang lumapit saakin.

Itinaas ko ang kamay ko at ikinumpas. "Tigil! Wag kang lalapit!" Tili ko at sumiksik sa pader. Nababasa narin ako ng ulan.

Para namang maamong aso itong tumigil at umupo. Namumungay ang mata.

"What are you? Anong kailangan mo? Wala akong utang sa'yo. Bakit mo'ko kilala? May nagawa ba'ko? Papatayin mo ba ako? Ghod! Spare my life, I don't want to die yet, not now." Mabilis ang pagkakasabi ko at gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nagkaka-utal utal.

"Ikaw ang kailangan ko"

Damn! Kakainin niya ba talaga ako.

"Kakainin mo ba ako? Hindi ako masarap" Kinakabahang saad ko sa kaniya. I can't still believe. Anong henerasyon na! Wolf doesn't exist or it really is?.

Akala ko aswang ang nandito, but wolf? Hindi ko na alam. Nababaliw na'ko! This is capiz! I thought sa wattpad lang ang ganitong mga nilalang. Darn!.

Pwede bang si Kuya nalang ang iaalay ko sa kaniya? Mas malaki naman si Kuya kesa sa akin mas mabubusog siya doon.

Napaawang ang labi ko ng unti-unti itong mas lumaki at for a second...NAGING TAO NA ITO!

"Omy ghod! Fvck!" Mas lalo pa akong sumiksik sa pader at tinignan ang ibaba. Mamatay ba ako pag tinalon ko ito? Hindi naman siguro no? Injury lang naman siguro ang aabutin ko hindi langit.

"Matagal na kitang hinihintay" I swallowed. His baritone and manly voice filled my ears. May damit lang itong pang-ibaba at wala ng damit pang-itaas.

"H-hinihintay? A-anong kailangan mo saakin?" Matapang na tanong ko sa kaniya kahit na malapit ng bumigay ang mga tuhod ko. I felt my knees turned into jellies.

"Ikaw mismo ang kailangan ko." I blinked of what the heck he said.

A-ako? Anong kinalaman ko sa kaniya. Hindi ko siya kilala.

"I don't know y-you" I said and I felt the lump on my throat when I said that, mabilis rin ang tibok ng puso ko na nagdudulot ng sakit dahil sa tao--taong asong nasa harapan ko ngayon.

Lumamlam ang mata niyang tinignan ako. "Maaring hindi mo man ako kilala, pero ikaw. Kilalang kilala kita...Mahal ko"


...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now