Chapter 33

215K 3.8K 173
                                    

Her POV


Less than 3 weeks nalang, kasal na namin ni Dmitri. Well, sort of. Di ko alam kung totoo ba 'to or what. I don't care anymore. As long as he's here, okay na ako.


Mula noong bumalik kami dito ay bigla na lang siyang naging super maalaga, super maaalahanin, super lambing at higit sa lahat palagi niyang sinasabing mahal niya daw ako. Eto naman si ako, kenekeleg. I don't know what our real deal is pero willing akong magpaka-tanga para sa kanya. Love nga naman.


Tutal wala na naman kaming gagawing preparations for the wedding kasi tapos na naman yun, ay nandito ako ngayon sa opisina. Si Abby na lang yung bahala sa lahat para sa kasal. Haist. Kumusta na kaya sila ni ex hubbylicious niya?


Umupo ako sa swivel chair ni Dmitri, di naman yun magagalit eh. Nakita ko ang tambak-tambak na files na nakapatong sa table niya. Kinuha ko ang mga iyon at tiningnan. Mga files pala iyon galing sa finance department.


Inisa-isa ko ang mga iyon tutal may alam naman ako sa mga ito. Kung babasahin sa mga reports ay wala namang naging problema sa mga nakaraang taon pero recently, makikitang mayroong napakalaking halaga ang nawawala.


Nakapagtataka kung bakit bigla-bigla nalang nawala ang ganung halaga ng pera. I'm sure this person is not an ordinary one. It maybe somebody who has access sa department or connections.


I know ito yung sinasabi ni Dmitri na problema sa kumpanya. Sinuri kong mabuti pati na rin yung ibang files ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito ang isang Dmitri at sunod nito ay isang tauhang may dalang dalawang supot na alam ko ay pagkain.


"You sure look good sitting down at my throne." sabi nito habang papalapit sa akin.


"Really?" sabi ko ang bite my lips.


"Damn woman, stop doing that. Unless you want me to bite that for you?" nangaakit na sabi nito.


"*cough*cough* Sir, okay na po. Aalis na po ako." sabi ng tauhan na nagdala ng pagkain tumango lang si Dmitri bilang tugon.


"So, let's eat? Stop doing those things. I should be the one doing that, okay?" sabi nito habang hinihila ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya.


"Sandali lang naman. Pwedeng mamaya na lang? Anong oras palang oh. Naiintriga kasi ako dito sa mga files na ito. Maaga pa naman." sabi ko at ginamit ko at nag puppy dog eyes pa ako. Nagpout naman siya.


"Fine. I think you love those files more than me." nagtatampong sabi nito at umupo sa couch nito malapit sa table nito.


"Aba! Nagtatampururot ang honeybunch ko!" sabi ko habang lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya pero umisodlang ito palayo.


Tiningnan ko siya sa mukha. Nakakunot ang noo pero yung labi niya ay nagpipigil na ngumiti. Umisod pa ako papalapit, umisod naman siya papalayo.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon