Chapter 11

263K 5.3K 251
                                    


Her POV


The whole duration ng dinner ay tila naging job interview ko na. Educational background, experiences at mga personal na mga bagay ang mga tinanong nila. Buti nalang ay nasagot ko ang mga ito.


Nagpaalam sandali si Dmitri upang mag-CR. Ilang minuto pa ay bumalik rin ito.


Tapos na kaming kumain ng nag-open si Tito ng topic about business. At sila lang nina Tita, Dmitri at Ate Diana ang nagkakaintindihan sapagkat di ko naman major yun. Wala akong maintindihan pwera nalang sa pera pera kasi Accountant ako. 


Nanahimik nalang ako sa upuan ko pero ramdam ko ang paminsan-minsan na pagsulyap sa akin ni Dmitri.


Bigla namang nag-ring ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumawag.


Calling

+63920*******

Accept | Decline


"Excuse me, po. Sasagutin ko lang ito." pagpapaalam ko sa kanila at dali-daling lumabas ng restaurant.


"Sino po ito?" tanong ko sa tumatawag ng agad ko itong in-accept


"Anak, si Nanay 'to" sabi ng tao sa kabilang linya. Agad naman akong napangiti at na-excite at nakatawag muli ang nanay.


"Nay ano po iyon? Ba't napatawag ka?" tanong ko kay nanay.


[Anak, maraming salamat at nagawan mo ng paraan na bayaran ang utang natin. Di ko alam kung paano makakabawi sa iyo. Anak salamat!] naiiyak na sabi ng nanay.


Ha? Nabayaran ang utang? Kelan? 


"P-po? Eh di ko pa po----" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si nanay.


[Anak maraming salamat sa lahat pero kailangan na ni Nanay ibaba ang tawag, hindi ito ang number ko't nanghiram lang ako sa kapitbahay ng selpon para tawagan ka. Di bale't luluwas kami ng tatay mo para bisitahin ka kung magka-pera] at agad naman in-end ang tawag.


Kailan ko ba nabayaran ang  utang eh di naman ako nagba-----


Napabalikwas ako ng maramdaman kong may pumulupot na mga malalanding braso--- I mean matitipunong braso sa bewang ko. 


"Do you like my surprise, sweetie?" bulong nito sa tenga ko't ipinatong ang chin nito sa balikat ko.


"Surprise? Anong surprise?" nagtatakang tanong ko.


"Tss. the 2 million, idiot." sabi nito. Aba't tinawag akong idiot.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Where stories live. Discover now