CHAPTER 10

148 4 1
                                    

(Jassy's POV)

Finally nakarating na kami sa venue. Buti nalang talaga dito sa La Union ung venue para hindi na kelangang magtravel. Ung nakakakaba kasi ung mananalo makikicompete sa nationals. Well...aapat lang naman kami dito. May nakita akong bakanteng upuan at wala akong paki kung merong nakaupo, wala namang gamit na nakalagay, edi meaning wala. Ung tipong nanginginig ka na talaga dahil sa kaba may ghashhh. Nakatulala lang ako nang tumabi saakin si Ma'am Janna. Umakbay siya saakin at bumulong. "Do not your best, but be better than any of them. Your name, the school, and the province depends on you. Think and be wise." she said. 

"Good afternoon everyone, we shall begin the competition after all our contestants stand behind their podiums." the host said.

I walked to the stage and stood behind my podium making me see all the audience. I saw my father sitting at the back row looking at me straight in the eye. "Shit" I taught as I looked down. The words "Your name, the school's and the region's name will depend on you." kept on echoing in my mind. 

I was taken back when the host began to introduce us. 

Host: Let us being by introducing to you the contestants. On the first podium on your left, from Ilocos Norte, Irish Marcos Araneta. 

"Marcos?" I thought as I look at her. Kaano ano kaya niya mga Marcos? Ibinaling ko ang tingin ko sa mga audience pero wala naman akong mga Marcos. "Shit" baka siya na ang mananalo. Marcos siya eh natural siya na panalo. Bahala na si Batman mamaya. 

Host: On the second podium, from Ilocos Sur, Mark Anthony Buenaventura Sevidal. On the third podium, from Pangasinan, Bryan Eliazar Dela Cruz. Last but not the least, representing La Union, Jasmine Montemayor Elizalde. Let's begin, the quiz will be divided into 2, medium and hard levels.

The quiz began. Ung pinareview saakin kanina, partida sa medium level wala ni isang lumabas. Ang galing mo talaga Ma'am Janna. Leading kami ni Marcos, nakalimutan ko pangalan niya. Marcos lang nasa utak ko. Patuloy lang tingin ko sa host. 

Host: That end the first round. The second level will have 30 questions with 3 points each correct answer. 

Wala na akong pake kung tama o mali ung isasagot ko. Ung ako laging nauunang pumindot ng buzzer. Buti naman, tama yung mga salitang lumalabas sa bunganga ko. Infairness, nananalo na pambato ni Ma'am Janna. Yung tipong gusto kong manalo para lang hindi ako magquiz sa math may ghashhh. 

Host: "And we have a winner. La Union's contestant, Jassy Elizalde! Congratulations!" sabi ng host at nagpalakpakan ang mga audience pati narin ang mga contestants maliban nga lang kay Marcos na nakatitig lang sa buzzer niya. 

Bahala na kung maka-away ko toh mamaya. Para lang siyang si Krystal or baka mali ako. Nakita kong halos mapunit na bibig ni Ma'am Janna sa tuwa samantalang si dad naman, nakangiti lang habang pumapalakpak.

Nakipagkamay ako sa mga kasama kong contestants at hindi nga ako nagkamali, sa tingin palang, masama na ako kay Marcos hindi marcos, Irish. Pero gaya ng sabi ko, wala akong paki, pangalan ko, ng paaralan at ng region ang ipinaglaban ko. 

(SKIP)

CAR

"Ma'am parang awa mo na, paexcuse sa quiz sa math at sa seatwork sa subject mo kanina. Lutang na lutang na talaga ako." pagmamaka-awa ko kay Ma'am Janna.

"Sige na nga, nanalo ka naman. See what I told you, you are can do it. Imagine mo, namemorize mo ung binigay ko kanina na additional topic."

"Finally, thank you very much talaga. By the way, sa bahay po pala tayo kakain mamaya." saad ko.



In Whose Love?Where stories live. Discover now