CHAPTER 9

125 3 0
                                    

(Jassy's POV)

Pumasok na ako sa ako sa school. Afternoon pa naman magststart ung event. Bati doon, bati dito, wala ka namang magawa kundi magpasalamat diba at magsabing sa bahay kakain mamaya. Wala ka talagang choice kundi mag-aya, buhay ng anak ng politiko. Ibibigay lahat kahit walang matitira sa sarili. 

Akmang papasok na ako sa classroom nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakitang tarantang naglalakad papunta sa akin ni Ma'am Janna. Siya ang teacher namin sa AP kaya siya din ang tutor ko sa mga social studies na mga quiz bees. "Ano nanaman kayang sasabihin niya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakaharap sakanya.

"Talaga bang wala kang balak magreply sa mga messages ko kagabi? Uso magreply." sabi niya na para bang sasabog na ang ulo. 

"Anong messages?" isip ko.

Timingin ako sa phone at ang galing naman talaga. Tumambad saakin ang bente otsong messages. Paano ko naman malalaman kung nakapower off ung cp ko. 

"Sorry po maam. Nakapower off po kasi phone ko kaya po hindi ko nabasa." sabi sakanya habang panay ang kaba kung ano kayang minessage niya sakin kagabi. "Lagot Jassy, baka nag-iba ung topic na ipapaquiz mamaya." sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa sahig kasi ramdam ko nang bubuga na ang bunganga ng dragon. 

"Alam mo ba kung ano madadagdag? Natural hinde kasi hindi mo pa nakikita". tanong niya.

Ano nanaman? May ghashhh! May madagdag? Hindi pa ba sapat ung tatlumput limang pahinang kapal na kelangang imemorize? Well...bahala na si batman.

"Ma'am may idadagdag pa po?" tanong ko sakanya.

"Ummm...meron konti lang naman" sabi niyang nakangiti habang binubuklat ang mga papel na hawak niya.

"Ma'am, konti yan?" tanong ko habang hinahawakang mahigpit ang review ko. Ung tipong gusto ko nalang ibato sa pader.

"Ano ba Jassy, konti lang to noh. Naka 15 lang kasi ung font kaya mukhang marami" saad niyang nakatingin saakin na nakangiti.

"Ma'am baka lang naman, gusto ninyong bawasan ng kahit limang pages lang. Naka 15 nga ung font, magkakadikit naman ung mga texts halos wala ka nang makitang space." sabi ko at napatawa naman siya.

"Excused ka sa mga classes mo this morning. Ireview mo tong mga toh sa library." sabi niya na parang nang-aasar. Tumalikod na siya sa akin at akmang maglalakad na nang bigla ulit siyang lumingon. "Next time, don't turn off your phone the night before a competition or ever. Don't turn off your phone ever." sabi niya at umalis na ngang talaga.

"Anong tingin ng mga toh saakin, robot? Na pwedeng sabihan ng command tapos magagawa agad.  Wala kang magagawa Jassy, pangalan mo at pangalan ng school mo ang nakataya. Chill...tama na Jassy. Review." I whispered to myself as I went inside the library. 

Apakagaling nga naman, basics agad ng 1987 Constitution ang title. Seryoso ba tong mga toh? Paala lang po, high school palang tong pambato ninyo hinde colehiyo. Wala na akong magawa kundi basahin ang nilalaman. 

(12:00 Noon)

Lumabas na ako ng library at papunta na sa faculty room. Kumatok na ako at napatingin naman lahat ng mga teachers. "Jasmine Elizalde, Grade 12 HUMMS asking permission to enter the faculty". sabi ko at pinapasok naman ako. Pumunta ako sa table ni Ma'am Janna.

"Ma'am anong time po tayo aalis?"

"Ummm...five minutes. Ichecheck ko lang tong seatwork ng mga classmates mo kanina."

Shit may seatwork. 

"Jassy, may quiz pala mga classmates mo kanina." sabi ni Ma'am Dyan, teacher ko sa math.

Seryoso, pinagtitripan ako ng mga toh? napapaoverthink talaga ako. Nakatingin lang ako sakanya na bahagyang nakabuka ang bibig ko. Like talagang lahat yan, ngayong wala ako sa klase tsaka ninyo pinapagawa? Last week wala naman silang pinapawa kungdi recitation tapos ngayon may quiz? Partida math pa.

"Let's go." saad ni maam Janna at agad naman akong sumama sakanya palabas ng faculty room.

In Whose Love?Where stories live. Discover now