Chapter 16

2K 118 16
                                    





Hazelle

Pagkalabas ko ng kwarto, sinalubong ako ng isang lalaking matangkad na nakasuot ng business attire. Ang init-init ganyan ang suot niya? Pero infairness, ang bango niya ha.

"Who are you?"

"Señorita, it's nice to meet you. I'm Conrad Ruiz, your personal bodyguard. I assumed your grandmother informed you about me?" Damn, ang deep ng voice niya at ang attractive pa pakinggan. Kung hindi lang ako bakla ay baka magkagusto ako sa kanya.

"Yeah, she informed me about it. But I didn't know na ngayon na pala ang simula."

"It's already 7:30 am in the morning, Señorita. You have to go to school now."

"Hindi pala sinabi ni Grammie na pwede rin pala kitang maging babysitter."

He bowed down his head. "I'm just doing my duties as your bodyguard."

"Yeah, whatever." Nginitian lang ako nito ng tipid.

As expected, nakita ko ang sasakyan niya na nakasunod sa akin. I can see it in the side mirror of my motorcycle.

Goodness.

Medyo magaling na ang katawan ko at nawala na rin ang sugat ko sa mukha. Pero may bandage pa rin ang ribs ko para lang sa proteksyon. Nakarating naman ako sa HazChele nang matiwasay, nakita ko na pumasok ang sasakyan ni Connor sa gate.

Nang matapos ko i-park ang motor ko sa parking lot ng HazChele, agad akong lumapit sa pwesto ni Connor. He's busy removing his seatbelt nang makalapit ako. Hindi tinted ang sasakyan niya kaya kita ko ang ginagawa niya mula sa labas.

"Hey, Connor. Where are you staying?" I asked.

"At the guard house, Señorita."

"Seryoso talaga na babantayan mo 'ko 24/7?"

"I'm just doing my duties as your—"

"Oo na, oo na. But can you please stop calling me Señorita? It's weird. Just call me Haze."

"Masusunod po."

"Marunong ka pala magtagalog kanina ka pa english nang english."

"Pasensya na po."

"Cut the po, mas matanda ka pa yata sa akin." Ani ko.

"Yes, Haze."

"Mauna na 'ko, I'm late." He smiled at me before nodding.

"By the way, it's Conrad not Connor." Binigyan ko lang siya ng thumbs up sign habang naglalakad palayo.

Sinalubong ako nila Gwen sa entrance ng HazChele pagkalapit ko sa kanila.

"Hoy, Haze. Sino 'yung lalaking kasama mo?" Tanong ni Gwen. Sila Jaron ay mukhang curious din sa isasagot ko.

"My bodyguard. Grammie insisted kasi wala raw siyang tiwala kay Nathan. Wala kasi sila sa mansyon, kaming dalawang lang ni Nathan ang nandoon."

"Hoy infairness, ang gwapo. Magaling pumili si Grammie." Komento ni Sophia na ikinasimangot naman ng isa. Kawawang Jaron.

"Anyways, tara na." Sabay na kaming pumasok sa loob, kaming dalawa ni Angelo ang nasa likod.

"Ano? Nagawa mo na ba ang dare?" Tanong nito habang nakaakbay sa akin. "Next week, dalawang buwan na ang nakalipas, ibig sabihin ba n'yan talo ka na?" Nakangisi nitong anas.

"Shut up, Angelo. Hindi ako matatalo."

"Good then. Kasi may kailangan ka pang gawin bago matapos ang dare."

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon