Chapter 2

3.6K 135 15
                                    




Hazelle

"Ba't ba ang asim ng mukha mo d'yan ha?" Binato ako ng french fries ni Jaron kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Jaron, ang hilig mong magsayang ng pagkain." Inis na ani sa kanya ni Gwen.

"Arte mo, Gwen. Baka ikaw ang kainin ko d'yan." Nakangising sagot ni Jaron bago dinilaan ang ilalim nitong labi.

Kunwari naman kaming nagsusuka sa kanya.

"Ang kalat mo hoy!" Hinampas siya ni Angelo.

"Kadiri ka! As if naman na papatulan kita. Mas malaki pa yata 'tong daliri ko kaysa d'yan sa ano mo."

"Ohhhh..." Kantyaw naming tatlo ni Angelo at Sophia.

"Aba't! Baka gusto mong ipakita-"

"Manahimik ka nga, Jaron." Si Sophia na ang nagsalita. Biglang tikom naman ang bibig nito dahil si Sophia ang katapat niya. Wala eh, tiklop sa crush niya. Hindi nga lang alam ni Sophia.

Ako lang ang nakakaalam na may gusto si Jaron sa kaibigan naming si Sophia. Since elementary kasi ay magkaklase na kaming lima kaya pagtungtong namin ng grade six ay may bagong transferee sa amin at si Sophia nga iyon. Hanggang ngayong second year college kami ay gusto pa rin ni Jaron si Sophia. Ayaw naman magconfess at ligawan nitong isa dahil wala pa raw siyang maipagmamalaki sa pamilya ni Sophia. Mayaman kasi ang pamilya nila at itong pamilya naman ni Jaron ay may kaya nga pero nauubos lang din sa pagsusugal ng mga magulang niya. Nag-iisang anak lang din kasi si Jaron.

"Oh, Haze? Balik tayo sayo, bakit parang pang biyernes santo 'yang mukha mo ha? Dahil ba 'yan kay Ms. Ganda?" Inirapan ko si Jaron.

"Ano? Bakit ko naman iisipin ang mataray na 'yon? Bakit sino ba siya?" Narinig kong tumawa sina Sophia at Angelo.

"Siya agad ang naisip mo? Wala pa nga kaming sinasabing pangalan, ikaw ha!" Inasar naman ako ni Angelo.

"Letse! Manahimik kayo!" Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante dito sa cafeteria. Nasa gitna kasi ang table namin kaya kapansin-pansin talaga tapos ang ingay pa namin.

"Bakit ba kasi bigla ka nalang nawala kagabi ha? Akala ko pumunta ka ng banyo tapos hindi ka na nakabalik." Sabi ni Gwen.

"Kinain na ng banyo." Natatawang sambit ni Angelo. Binatukan ko naman 'to, hindi ko naman pinansin ang pagdaing niya.

"Anyways, sino ba 'yung professor na nagpahiya sa akin kanina?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Kala ko ba hindi ka interesado na makilala siya?" Nginisian ako ni Jaron. Inaasar na naman ako.

"Gusto ko lang malaman, hayop ka."

"She's a new professor here sa HazChele. Kanina lang din namin nakilala and apparently, she's our adviser." Sagot ni Sophia.

"What?!" Sumigaw ako.

"Ang ingay mo!"

"Hindi siya pwedeng maging adviser natin!"

"Ano batas ka ba, Hazelle? At saka anak si Ms. D'aureville ng principal ng HazChele. She's also the one who handles the Student Council."

"Langya! Napakamalas naman." Nayayamot akong napayuko sa lamesa. Vice president kasi ako ng student council pero lagi akong wala sa meeting. Ayoko naman talaga sumali in the first place pero sa kagustuhan kong patunayan sa parents ko na hindi ako kahihiyan sa pamilya ay sumali ako. Pero nasayang lang din ang efforts ko dahil hanggang ngayon wala pa rin silang paki sa akin.

"Wait. I thought matagal na rito si Ms. D'aureville, ayon 'yung sinabi niya kanina 'di ba?" Tanong ni Gwen.

"Oh yeah..." Napapatango si Sophia. "I forgot. She used to teach here pala dati but I guess nagkaroon ng problema kaya siya umalis."

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon