Chapter 15

2.2K 136 56
                                    


Hazelle

"Hi." I smiled at her pero hindi ako nito pinansin.

"Kamahalan! Wait, saan ka pupunta?" Ang bilis kasi maglakad hindi agad ako nakahabol.

Dismissal time na at ito ako ngayon hinintay siya sa labas ng HazChele kasi gusto ko sana siyang ihatid pauwi. Sayang kasi eh, plus points din 'to.

"Ms. D'aureville! Ang bilis niyo naman maglakad. Wait for me, my love~" I sing. Nakita ko naman na napahinto ito sa paglalakad, ilang segundo siya sa gano'ng posisyon bago lumingon sa akin.

"You should be at home by now. We don't have any tutor sessions today."

"I know po. Gusto lang sana kita ihatid, pwede ba?" She quirked an eyebrow.

"Where's your car?"

"Wala po. Scooter lang dala ko ngayon." I heard her laugh sarcastically.

"Ang tapang mag-aya na ihahatid ako wala naman palang kotse. Do you think the two of us will fit in your scooter?"

Napailing ako. "Kaya nga nagscooter ako para makasabay sayo. Good idea, 'di ba?" Nginisian ko ito.

"Tch, ask your friends to take you home. I have somewhere else to be."

Napasimangot naman ako. "Hindi ba kayo naaawa, Kamahalan? Tignan mo, hindi pa ako masyadong magaling. Ano nalang iisipin ng mga tao sayo kapag hinahayaan mo lang mag-isa umuwi 'yung estudyante mo?" Pangongonsensya ko.

"I don't care." She remained a stoic expression.

"I don't care pala ha. Sige, kay Sabel nalang ako sasabay." Akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla itong magsalita.

"Nevermind. My friend texted me, she said she can't make it. Come on, I'll drive you home." Napangiti naman ako habang sinusundan siya ng tingin papunta sa white Range Rover niya.

Success.

"Ang sexy naman ng kotse na 'to. Manang-mana sa may ari." Komento ko pagkalapit. Nilagay ko sa likod ng kotse niya 'yung scooter ko.

Hindi naman niya narinig ang sinabi ko dahil nakapasok na siya sa loob.
Umupo ako sa shotgun seat instead sa likod baka kasi sabihin niya driver ko siya.

"Kala ko ba may kikitain kang kaibigan?" Tanong ko na may pang-aasar sa labi.

"Are you deaf?"

"Hoy, Kamahalan hindi ako magnanakaw!" Inakusahan pa ako. Kung may nanakawin man ako ay 'yon ay ang puso niya.

"Gosh, why are you so stupid?" Inis na anas nito.

"Why are you so beautiful?" Nagpacute pa ako sa harap niya at kinindatan pa ito pero parang walang epek. Napabaling naman 'to sa kabilang side ng mirror.

"Kamahalan, 'wag kang tumingin d'yan. Sa harap ka tumingin, ayoko pa mamatay. Kailangan ko pa umamin sa crush ko!"

"What?!" Napasubsob naman ako sa dashboard ng kotse niya dahil sa biglaang pagpreno nito.

"Aray, putcha naman oh!" Nauntog pa ako. Bwisit.

"Tch, that's what you get for having a crush on someone."

Umayos ako ng upo tsaka nagsuot ng seatbelt. Kaya pala ako nasubsob ay wala akong suot kanina na seatbelt, nakalimutan ko.

"Bawal na po ba ako magkacrush?" Kalauna'y tanong ko. Nagstart na ulit ito magmaneho.

Napansin ko na medyo madilim na sa labas dahil anong oras na rin ako natapos kakatulong kay Sonya. Mabuti nalang naabutan ko si Ms. D'aureville.

"Yes."

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Where stories live. Discover now