Chapter 14

1.8K 134 65
                                    




Hazelle

Kumatok ako sa pintuan ng opisina niya ng dalawang beses. Wala naman akong narinig mula sa loob kaya pinihit ko pabukas ang pinto. Dumako agad ang paningin ko sa table niya ngunit walang Kamahalan akong nadatnan.

Nasaan siya?

I decided na umupo nalang sa couch ng opisina niya at hintayin siya. Hindi pa naman start ng klase kaya nahiga ako sa couch dahil nakakaramdam na ako ng ngalay, ang sakit pa rin ng dibdib ko. Hindi pa ako fully healed sabi ng doctor.

Hindi ko pa naipipikit ang mata ko nang makarinig ako ng sigaw.

"What the hell happened to you?!" Dahil sa pagkagulat, nalaglag ako sa sahig.

"Aray... fvck!" Napadaing ako sa sakit. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong kumirot. Ang malas ko talaga.

"Oh my gosh!" Naramdaman ko naman na tinulungan ako ni Kamahalan. Base palang sa boses at pabango niya alam ko na siya 'yon.

"Putragis, ang sakit!" Medyo OA na ako pero gusto ko lang siya pagtripan at alamin kung ano ang magiging reaksyon niya. Nagpanggap naman ako na parang maiiyak sa sakit kaya nakita ko ito kung paano mataranta. Palihim naman akong natawa.

"Jeez, Montefalco! Oh gosh, why is there a blood?! Should I call the doctor? Stupid, of course I should! What's the emergency number here? Fvck, I don't know!"

Nagpanggap ako na nadadaing just to get on her nerves. "Montefalco, stop groaning I know it hurts, you're just stressing me out!" She shouted at me, completely stressed out.

Hindi ko na kinaya at bigla nalang napahagalpak sa tuwa. "HAHAHAHA." Nakahawak ako sa tiyan ko habang namamatay na sa sahig kakatawa.

"Why are you laughing at me?! There's nothing funny here!"

"Y-You should've seen-HAHAHA-you're f-face! HAHAHAHA!" I exclaimed between laughs. Parang nawala ang sakit na nararamdaman ko mula sa sugat ko, namanhid na yata ako.

"Oh my goodness! I was so worried that you'd die because of the blood coming from your body but here you are, laughing at me!" She shouted, her eyes raging.

Wait. She's worried about me?

Nang mapansin na mukhang seryoso ito ay napatigil ako sa pagtawa. Oh fvck.

"I-I was just kidding, Kamahalan. I didn't mean to make you worry." I reasoned out.

"Is that supposed to make me feel better?! Know your limits, Montefalco. Especially at serious times like this. Ilugar mo 'yang pagbibiro mo, because it's not funny!" Napahawak ito sa sentido niya. Damn, I think I went overboard.

"Okay, I'm sorry. I won't do it next time."

"What even happened to you? You're not answering my texts and you are not attending your classes." Rupok naman nito ni Kamahalan, kala ko ba galit siya sa akin base sa mga texts niya?

"It's nothing, Kamahalan." I don't want to answer her question but knowing her, she will still insist.

"Nothing? That doesn't look nothing to me, Binibini," Wala sa sariling napangiti ako nang tawagin niya akong binibini. The word is cringy and it doesn't suit me really but why do I feel the butterflies whenever she says that word? "You have small cuts in your face, bandages everywhere and blood is invisible through your shirt." Napayuko naman ako para tignan ang damit ko. Meron ngang dugo ro'n. Parang kailangan ko na yata palitan ang bandage.

"It was a small accident." Not really.

"Can you stop it for once?"

"Ang alin?" I asked, confused.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Where stories live. Discover now