Chapter 7

1.9K 110 27
                                    







Hazelle

Mag-uumaga na naman at ikaw ang katabi
Bakit ba andito pa, 'di ka pa umuuwi?
Dito ba para samahan sa bawat sandali
O andito ka ba para sa bawal na parte?

Oh, hindi, tama o mali
Kahapon magkaaway, sa gabi, magbabati
Oh, hindi mapakali, oh, habang papalapit
Ang labi mo sa akin, parang ayaw na hindi

"Hoy! Palitan niyo nga 'yang kanta! Taenang tugtugin 'yan." Naiinis na sambit ni Gwen.

"Walang basagan ng trip, Gwyneth! Hindi ka naman namin pinapakielaman kapag nakikinig ka sa kpop kuno na 'yan, eh!" Balik ni Angelo.

"'Di hamak na mas maganda naman 'yon! Ang gagwapo pa nila."

"Gwapo? Pangalan ng grupo nila ka-rhyme ng pen pineapple apple pen."

"'Wag mong nilalait-lait 'yung Enhypen! Mas gwapo pa nga sila kaysa sayo." Knowing Angelo, mapipikon 'to kapag pinag-uusapan na ang itsura niya. I admit, may itsura naman itong si Angelo, mayabang nga lang talaga, ekis agad sa kanya.

"Tangna mo!" Bigla naman tinampal ni Sophia 'yung bibig ni Angelo

"Angelo, 'yang bibig mo. Sisimentuhan ko 'yan." Pagbabanta nito.

Sa tabi ko naman ay si Jaron na nanonood ng Tiktok. "Bugoy titira ng tres, sabog ang matres." Tawang-tawa naman si Jaron sa pinapanood.

"Hoy, ano ba? Mahiya nga kayo kay Sydney, naririnig ng tao 'yung mga boses niyong kargador."

"Shut up, Montefalco!" Sinigawan ako ni Gwen.

Hindi ko ito pinansin at nagbaling nalang kay Sydney na nasa kabilang side ko naman. "I'm sorry about my friends, ganyan lang talaga sila may mga saltik pero mababait 'yan."

"I know, Haze. No need to explain." Bigla akong nailang nang hawakan nito ang kamay ko. Iniwas ko naman agad 'yon nang hindi niya nahahalata. Shet, grabe 'yon ha.

Nandito kami ngayon nakasakay sa van nila Angelo, papunta kami sa resort kung saan gaganapin ang birthday ni Gwen. Pumayag na rin si Gwen sa gusto ni Angelo dahil gusto rin naman nila magswimming. Tatlong araw kami sa resort para raw ma-enjoy namin, sayang din kasi ang bayad. Napagpasya nila Gwen na umalis kami ngayong Biyernes hindi na Sabado para raw sulit. Sinabihan ko na rin si Sydney about do'n kaya pinasama na namin siya rito sa van.

Namimiss ko na rin si Kamahalan. Halos tatlong araw din kaming hindi nag-uusap. Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa sinabi niya, I know it was a joke pero masakit lang talaga para sa akin. Pero sa hindi malamang dahilan, iniiwasan ako nito. Dapat nga ako ang umiiwas sa kanya pero para siya pa yata 'yung na argabyado.

"Ano, Gwen?" Ibinaba na ni Jaron ang cellphone niya at lumingon kay Gwen na nasa harapan. "Nagdala ka ba ng salbabida? Baka lumubog ka sa dagat." Pati ako natawa kaya inirapan naman ako ng isa.

"Hindi ako lulubog 'no! Sa laki ng dibdib ko baka magfloating pa 'ko!" Sabi nito habang nakahawak sa ilaliman ng dibdib niya.

Napuno ng tawanan ang loob ng van, nakitawa na rin si Sydney na kanina pa nito pinipigilan.

Halos dalawang oras ng biyahe namin papunta sa Laguna. Medyo traffic kasi noong dumaan kami sa Muntinlupa, may naaksidente raw na dalawang suburu.

"Oy oy! 'Yung mga gamit nito ibaba niyo! Wala kayong katulong bitbitin niyo mga kanya-kanyang gamit!" Paalala sa kanila Gwen. Si Jaron at Angelo kasi nakita lang 'yung magandang view ng dagat nagsipagtakbuhan na. Nauna na rin pala ang family ni Gwen at ang iba pa naming kaibigan dito, hindi masyadong nag-imbita si Gwen ng marami.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon