Thirteen - In Your Heart (Aiden Miles POV)

7.9K 253 65
                                    

Seven years ago...

"Tito?" bukas ko sa pinto ng opisina ng Papa ni Beatriz. Pinuntahan ko siya sa College department na sakop nito dahil tinawagan niya ako.

"Pasok Aiden." Tawag niya at saka ako pinaupo sa silyang nasa harap ng mesa nito.

"How's school? Kumusta ang pagtuturo, naka-adjust ka na ba?"

"Yes Tito. Mahirap sa umpisa pero nakasanayan ko na rin lalo na ang pakikitungo sa mga estudyante."

"I heard nasa klase mo ang anak ko at kapatid mo last year?"

"Oo nga Tito, mga pasimuno sa ingay sa klase." I smiled.

Matiim niya akong tinitigan, at saka tumikhim.

"Do you stil remember your promise a few years back, Aiden?"

Natahimik ako. Alam ko ang tinutukoy nito at nahinuha kong iyon talaga ang pakay nito kaya tinawagan niya ako ngayon.

"Tito..."

"Huwag kang ma-pressure, hindi ko naman sineryoso ang sinabi mo noon. Gusto ko lang malaman kung totoo pa ba sa damdamin mo ang pangakong binitiwan mo noon o nagbago na."

Hindi ako makaimik. Yumuko ako, iniisip ang tamang desisyon na dapat gawin hindi lang para sa akin kundi pati sa buong pamilya.

"Tito, I'm taking back my promise. Wala na po akong karapatang hingin sa inyo si Beatriz. I...I...I think my bestfriend is pregnant and I'm the father. Kahit po aksidente ang nangyari sa amin, hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko sa nangyari sa amin. Kailangan ko po siyang panagutan."

Nag-iba ang reaksiyon ni Tito, namula ang mukha nito at dahil iyon sa galit na namuo sa dibdib para sa akin. Kahit pa sinabi nitong hindi nito sineryoso ang sinabi ko noon na gusto kong pakasalan si Beatriz kapag nasa tamanag edad na kami ay alam kong kahit paano ay umasa ito. Ako man kasi ay iyon ang sinabi ko sa sarili, that when I grow up and she still likes me, then I will make her my bride.

I was thirteen when I made that promise to myself though hindi ganon kaseryoso, pumagkit naman iyon sa damdamin ko dahil nung college na ako at tumuntong ito ng high school, naramdaman ko sa sarili ang lalong paghanga sa kanya. At bakit hindi, Beatriz is so beautiful kahit may pagkapilya, nahawa marahil sa kapatid kong si Mae. At dahil siguro sa agwat ng edad namin kaya kahit close kami noong mas bata pa ito, ng lumaon ay kay Mae na ito laging nakadikit at tinigilan na ako sa kakukulit. Palagi silang magkasama, magkadikit, partners in crime at ako, hanggang tingin na lang ang nagawa ko dahil parang nakalimutan na ako nito.

I started going out with my friends but stayed at home whenever she was coming because that's the only way I could see her beautiful smile. Hanggang silip na lang ako at nasaktan ako dahil parang nakalimutan na ako nito at ang usapan namin. And then I realized she was just young back then kaya imposibleng seryosohin niya ako. 

Siguro sa isip niya ay laro lang iyon. But I was hoping, still hoping that she would remember and so I went to her father and asked for her hand that when everything's ready, kapag nagtapos na siya at handang sumuong sa isang relasyon, gusto ko siyang ligawan at pakasalan. That was the promise.

Pero ang hirap palang umasa sa isang bagay na hindi mo alam kung totoo nga. I was away from her, at kung anu-ano ang pinagsasabi ni Mae na kung sino sino daw ang nagkakainteres kay Beatriz. Kahit pa sabihing hindi totoo, hindi ko naman alam ang tinatakbo ng isip o damdamin niya. Nasasaktan ako sa isiping nakalimutan na talaga niya ako. And my best friend in college Beatriz was the only closest person I can find comfort with.

Falling In Love With Mr. X  Where stories live. Discover now