Twelve - The Forgotten Memories

7.2K 206 36
                                    


NAGISING ako sa ingay sa loob ng kuwarto, narinig ko pa si ateng sinusuway si Jiro sa pagsasalita ng malakas dahil baka daw magising ako, but it's too late, I'm wide awake now. Napansin kong wala sa tabi ko si Aideen kaya tinanong ko si ate na nasa loob ng kuwarto ko at may kinakalkal sa loob closet.

"Nagbanyo lang saglit." Sagot niya at saka na lumabas ng makita ang hinahanap.

Pagkalabas ni ate ay siya namang pagpasok ni Abbey na medyo ikinagulat ko. Nakatayo lang ito sa may pintuan at matiim na nakatitig sa akin. Alanganin sa mukha nito ang ngiting gustong ibigay na waring pinagaaralan kung tatanggapin ko ba iyon. Ako na mismo ang unang ngumiti at saka ko pa siya kinawayan.

She smiled and she has the sweetest smile I have ever seen. It's amazing to see how her teeths are all well taken care of unlike nung kay Jiro na bungal na sa harap, pero cute pa ring tignan. Siya namang pagbungad ni Aideen galing banyo at saka binati ang mga bata at humalik sila sa pisngi nito.

"Sinusundo mo na ako, bebi?" hinaplos ni Aideen ang buhok ng pamangkin.

"Yes Tita. Tito Zac is waiting dahil may pupuntahan daw kayo." Sabi nito na parang matanda kung magsalita.

"Oh shoot! I forgot all about it." nataranta ito.

"Sige na bes, ako na ang bahalang magsabi kina Mama na umalis ka na." taboy ko dito.

"Hindi pa tayo tapos magbonding ha, tetext kita para sa schedule ng gown measurement mo at rehearsal."

"Sure." Ngiti ko.

"Tara na bebi, sa bahay ka na muna at may lakad si Jiro at Mommy niya."

"Saglit lang po Tita." Agaw ni Abbey sa brasong hawak ni Aideen at mabilis na lumapit sa akin at saka may iniabot.

"What's that?" tanong ni Aideen na sinisilip ang kung anumang iniabot ni Abbey sa akin.

Ibinuka ko ang palad at ipinakita kay Aideen kung anuman iyon at maging ako ay sinuri para alamin iyon.

"Hey bebi, diba bigay sa iyo ng Daddy mo iyan?"

"Yes po, at sabi niya ibigay ko daw sa taong special sa heart ko so I am giving it to her." Sagot nito.

Napamaang ako sa tinuran nito at hindi alam kung paano sasagot. Mabuti na lang at kumilos na uli si Aideen at nagpaalam na aalis na pagkatapos akong bigyan ng makahulugang tingin. Wala na sila at nag-iisa na lang ako sa kuwarto, matamang sinusuri ang hawak sa kamay. It's a white stone with message written on it that reads, 'I love you to the moon and back'.

The message stone looks familiar. Nakita ko na ito noon, matagal na. No, hindi ko lang siya nakita, akin ito! Napasinghap ako, this stone is mine. I remember it now! It was mine a long time ago and I gave it to...ibinigay ko siya kay Aiden noong thirteenth birthday niya. I was seven years old when I found it at the beach during his birthday when we went to a beach for his birthday. Pinahid ko ang luha habang unti-unting luminaw ang alaalang nakalimutan ko na.

Lahat may dalang regalo para kay Aiden pero ako ay wala. Maging si Aideen ay mayroong regalo sa kuya niya pero ako ay wala. Kinulit ko sina Mama pero hindi nila ako binigyan ng pambili ng regalo. Kaya kinalkal ko ang mga gamit kong dala sa maliit kong bag at pinili ang pinakaimportanteng bagay sa akin sa panahong iyon, and I found the stone. I loved that stone so much because it's white shiny and smooth. And for me that was special because of the words engraved on it. At iyon ang ibinigay ko sa kanya bilang regalo.

Hinila ko siya sa isang sulok dahil nahihiya akong ibigay sa kanya ang ganoong kaliit na regalo sa harap ng mga bisita niya. Humarap siya sa akin at matamang tinitigan ang iniabot kong message stone. Tumingin siya sa akin at saka yumuko para magkapantayan kami ng taas.

Falling In Love With Mr. X  Where stories live. Discover now