Six - My Best Friend's Love Confession

5.8K 206 53
                                    

Si Aideen Mae po ang nasa media :)

****************THIS CHAPTER IS UNDER REVISION


NASA computer class si Zac kaya doon kami pumunta. Walang teacher na nandoon kaya basta na lang pumasok si Aideen at nakasunod lang ako. 

Aba ang babae, talagang ang lakas ng loob. Paano ito magko-confess sa ganitong karaming taong nakapalibot sa kanila? Ohemgee, takot ako. Hinablot ko ang kamay ni Aideen at saka ito pinigil.

"Teka bes, dito mo gagawin? Plese huwag naman, nakakahiya." Mahina kong sabi. Ako ang kinakabahan para dito.

"Okey lang iyan, stop worrying ano ka ba? Ako ang magko-confess at hindi ikaw." Kinalas nito ang aking kamay sa kanyang braso at saka muling humakbang papunta sa kinauupuan ni Zac.

Ohmygahd! Help! Please help, mamatay ako sa nerbyos at hiya. Lumindol ka na earth, you're needed!

"Zac." Tawag ni Aideen.

Ohgahd, pwede bang kumaripas ng takbo? Ayokong mag-stay dito habang nakatingin ang lahat. Ano ba kasing ginagawa naming middle section dito sa territory ng first class, mygahd, tigok kami nito!

Nilingon ni Zac ang tumawag sa kanya at saka napawi ang ngiti nito sa labi ng masino ang tumawag sa kanya.

"Can we talk outside?" asked Aideen and I sighed in relief because outside is better than here, walang taong makikinig sa confession ni Aideen.

"I'm sorry but I'm trying to finish what I'm working on." Mahinang sagot ni Zac.

Gusto ko itong dagukan at hilahing palabas ng classroom kahit kaladkarin ko pa pero syempre hindi pwede.

"Then, I will just say it here." Walang kiyemeng sabi ni Aideen.

Pak Aideen! Please huwag mong ituloy, mapapahiya ka lang, please don't say it, please-please!

"May girl friend ka na?" diretsong tanong nito. Kalakas ng loob. Napapamura tuloy ako.

Nangiti si Zac at saka napatingin sa klase at sa katabi nitong si Carmella na Ms Campus. Nagulat silang lahat sa tanong. Hindi ako makalunok dahil sa hiningang pinipigil.

"I don't want to to answer that because that's personal."

Whew! Nakahinga ako ng maluwag. Shucks, mahuhulog ang matris ko dito sa best friend ko eh.

"Gusto kong malaman dahil dahil kung wala ay gusto kitang maging boyfriend."

Toink! Someone please drag me away from here. Aaaah! Aideen ka talaga! Para akong mawawalan ng ulirat. Ang best friend ko na! Wala na. Siya na! Please someone just drag me away from here!

Naghiyawan ang mga naroon na nakikinig sa kanila. Nanlambot ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay sa akin nakatingin ang lahat at natutunaw ako sa kahihiyan. But Aideen was not. Diretso pa rin ang mukha nito at talagang determinado sa ginagawa. For the first time ay nakita ko ang kakaibang Aideen Mae. Matapang. Malakas ang loob. Alam ang gusto at ginagawa. I can never be like her. Mamamatay muna ako bago ko masabi ang mga sinasabi nito.

"Matagal na kitang gusto since the first time I saw you. First year pa lang ay nagpapansin na ako sa iyo. You're my first crush. My first love. And I want you to be the first in everything. I will give you my first yes, my first kiss and my first time." Tuloy tuloy na sabi nito.

Pak! Pak na pak talaga! Nahihilo ako sa sinabi nito, pati ba naman first time binanggit talaga nito! Aaaahk, kill me please!Lindol, asan ka na, kahit buhawi na lang, okey na rin just please drag us out of here.

Lalong naghiyawan ang klase nila lalo na yung mga boys. Alam kong pulang pula ang aking mukha, and I realized that even Aideen is blushing. Napansin kong nakatikom din ang mga kamay nito na para bang pilit humuhugot ng lakas ng loob mula sa kanyang mga kamao.

Nakaramdam ako ng hiya sa sarili. And here I am minding my own feelings gayong mas nahihirapan si Aideen sa sitwasyon. Shame on me! Anong klaseng best friend ba ako?

Namula din ang mukha ni Zac. Nagulat sa hindi inaasahang maririnig mula kay Aideen.

"I'm sorry...." He replied.

"Ay, basted!" kantiyaw nung isa sa mga boys na classmate nito. Matalim ko iyong tinignan.

"Ouch!" sabi naman nung isang babae.

Huminga ng malalim si Aideen. Pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. I am so proud of her. I am so proud that I am her best friend. She opened her fist and smiled at him.

"Okey lang. Salamat sa pansin. I just want to tell you what I feel and that is I have loved you for three years. I gathered my courage today and confessed to you though I know the outcome will be like this. Now I can stop loving you and start pinning for someone who would accept my heart. Thank you for teaching me how to love. Good bye Zac."

Tumalikod na si Aideen. Sumunod ako. Walang imikan ang klase nila. Nakaalis kaming walang narinig sa mga ito.

Dumiretso kami ni Aideen sa Dairy Queen at doon lumantak ng ice cream. Subo siya ng subo ng ice cream habang patuloy ang pag-agos ng luha nito. Singhot lang siya ng singhot pero hindi naman humahagulgol.

"I'm so proud of you."

She raised her eyes and stared back at me. She smiled and covered her face with her hands and now I heard her sobbing softly.

"I really loved him."

"I'm sorry." That's all I can say. I was sorry because I didnt believe she really loved him like that. Ano ba namana kasi ang alam namin sa love, bata pa naman kami. Ngayong nakikita ko si Aideen ng ganito I guess we are also capable of truly loving someone.

"But I guess it's time to let this love go because it's not mine anyway." Patuloy siya sa paghikbi.


Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam ang gagawin kung ako siya. Pero isa lang ang alam ko, I'm really glad she's my best friend.




Author's Note:

Hey peeps, pls vote, comment and share if you would if you like this chapter, it will be greatly appreciated.

Salamat,

KhimeLime


Falling In Love With Mr. X  Where stories live. Discover now