Eleven - The Way Back Home

7.5K 239 67
                                    

Hindi ko na kailangang kumatok sa gate ng bahay namin. My parents are already waiting for me right as soon as I got off the tricycle. Gusto ko silang isorpresa pero ako ang nasorpresa sa pagsalubong nila sa akin. Narinig ko ang tinig ng dalawang batang palabas ng bahay namin at mula sa pintuan ay lumitaw ang mga ito kasunod ang ate ko. This will be the first time na magkikita kami ng personal ng pamangkin kong si Jiro, three years na silang nandito mula ng bumalik sila galing Japan at naiwan ang asawa ni ate doon na Japanese national at sa pagkakaalam ko ay five years na si Jiro. Pero nagtaka ako dahil hindi ko yata kilala ang katabi nitong batang babae na halos kaedad din nito.

"Hi sis!" kaway ni ate.

Mabilis akong yumakap dito pagkatapos kong yumakap kina Mama at Papa. Pagkatapos ay kay Jiro ako humarap para ito halikan subalit nagtago ito sa likod nung batang babae.

"Ate, sino siya?" bulong ko.

"Ah, si Abbey kalaro ni Jiro. Salitan sila sa pagpunta dito at bahay ni Aiden. Hindi nga sila mapaghiwalay eh para silang kambal tuko."

"A-Aiden? Bakit kina Aiden?"

"She's Aiden's daughter, hindi ba nasasabi sa iyo ng best friend mo? Pasok ka na nga dito at ng makapagpahinga ka." Kinuha ni ate ang mga dalahin kong bag at pasalubong saka kami nagsipasok sa loob.

Pilit akong nakikinig sa mga sinasabi ni ate subalit na kay Abbey ang aking atensiyon, at kay Jiro na kung paanong makadikit dito habang pasilip silip sa akin.

"Come here, Jiro at kiss mo si tita Beatriz mo para ibigay niya ang pasalubong niya sa iyo."

Nakaupo ako sa sofa at nakatingin sa mga ito habang hinihintay siya sa paglapit. Nakakatuwa itong pagmasdan pero hindi ako masyadong makapag-focus sa pamangkin ko dahil na kay Abbey pa rin ang aking atensiyon. Kinuha ni Abbey ang braso ni Jiro at saka hinila palapit sa akin.

"Kiss mo na tita mo, Jiro kung hindi ayaw na kitang kalaro." Sabi nito.

Agad na sumunod ang pamangkin ko sa sinabi ni Abbey sa pagkagulat ko na tinawanan naman nina ate at magulang ko.

"Hay naku, feeling ko mas siya ang nanay kaysa sa akin. Kaya kung minsan tawag ko diyan eh mami-liit. Ang cute nila no." baling ni ate sa akin. Ngumiti lang ako.

Hinayaan ko na lang muna sila at nagkuwentuhan kami habang nasa hapagkainan having dinner. Napansin kong nadagdagan ang grey hair nina Mama at Papa subalit naroon ang kasiyahan sa kanilang mukha sa pagkakakita sa akin. Gusto kong ma-guilty dahil sa loob ng anim na taon na nais nila akong bumalik at magbakasyon ay kung anu-ano ang idinadahilan ko para lang huwag bumalik. Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong anak. Gusto kong maiyak sa sobrang guilt.

Naramdaman kong may pumisil sa kaliwa kong palad and when I looked up, Nakangiti sa akin si Mama, na para bang sinsabing everything is alright, pagkuwan ay kay Papa naman ako lumingon at ngumiti din ito. I'm so lucky to have understanding parents like them.

Pinaakyat nila ako sa aking kuwarto para daw makapagpahinga ako dahil siguradong pagod daw ako sa biyahe. Pagkatapos maligo, lumabas ako ng banyo at tinutuyo ang aking buhok habang papasok sa sala para umakyat sa aking kuwarto subalit natigilan dahil narinig ko ang boses ni ate na may tinawag.

"Aiden! Saglit lang at tatawagin ko si Abbey." Pagkuwan ay sumigaw si ate sa punong hagdan para tawagin si Abbey.

Nagkubli ako sa kusina subalit nakikita ko pa rin sila dahil nakasilip ako. Mabilis na nagsibaba sina Abbey at Jiro at saka mabilis na tinalon ni Abbey si Aiden.

"Salamat, Bethany. Pasensiya na kung palaging nandirito itong anak ko." Sabi nito kay ate.

"Naku, mas okey nga iyon kasi may katulong akong nagaalaga diyan kay Jiro at mas nakikinig pa sa kanya kahit magkasing-edad lang sila."

Falling In Love With Mr. X  Where stories live. Discover now