Additional Requirements

279 32 54
                                    

This won't be too much, but please do this one. Bago ko sabihin kung ano ang requirement, hayaan muna akong mag-intro.


Wag nang magtangkang mag-skip. Alam naman na ninyong naglalagay ako ng codes sa kung saan-saang part di ba? Yes, there's one too many code here! Wahahahahaha!


Okay, sino na sa inyo ang nakabasa ng I want to be famous ni ambassador @NickUskoski? (Don't have time to check... I hope tama ang pagkakasulat ko sa UN niya lol).


Ganito yan, alam ba ninyong bukod sa reads, votes at comments, may isa pang tinitignan si Watty bago siya mag-decide tungkol sa iyong ranking? Yes, at ito ang isang bagay na nao-overlook ng ibang book club. 


Reading List.

Read this part, vote this part, comment on this part... yung iba sinasabi pang mag-fan kayo kay partner. Pero wala pa yata akong nakitang nagsabing i-add ninyo ang libro ni partner sa inyong reading list? 

Totoo, seryoso. Isa yan sa mga "channels" para mapataas ang ranking. Bawat pag-add ng readers ng inyong libro sa kanilang reading list, lumalaki ang chance na tumaas pa ang inyong ranking.


So, ganito guys. Ang bawat isa sa atin ay kailangang gumawa ng Reading List. Option na ninyo kung ilalagay din ninyo ang libro ni partner sa inyong library. Actually, that will also help him/her with his/her rankings. Hindi ko yan kayang gawing compulsory dahil wala namang paraan para makita ko ang inyong private reading lists.


SDABC <3 ang ipapangalan ninyo sa ating exclusive book club. Bawat librong babasahin ninyo sa book club na ito ay ilalagay ninyo sa reading list. And the book should stay there forever (meron man o walang forever). 


Additional Benefits.

Ang tatawagin kong "additional benefit" ay hindi confirmed benefit. Hypothesis lang. Bali, sa mga app users, napapansin ba ninyo minsan na sa dulo ng isang chapter na binabasa ninyo, kung hindi suggested user to follow eh may suggested book? Sa mga web/ pc users naman, may mga librong naka-display sa right side pag nagbabasa tayo di ba?


Usually, yang mga "suggested" books na yan ay:

a. Super sikat kaya sina-suggest sa'yo (which is unfair, kasi sikat na nga yung libro, ina-advertise pa! Give chance to others naman, wattpad!)

b. May kaparehong tag/ genre ng librong binasa/ binabasa mo (well, based on observation lang). Kaya nga pag nagbabasa ka ng book clubs, nagsa-suggest din sa'yo ng iba pang book club si watty. In other words, may similarities ang suggested book at ang binabasa mong libro.

OR

c. Binabasa ng mga taong nagbabasa ng librong binabasa mo. Well, ito yung hypothetical at medyo madugo i-explain. 

Ganito. Napapansin ko kasi pag bumibisita ako sa libro kong The Wicked Cinderella, na isinali ko sa FLBC, ang mga suggested books after ng chapters eh either mga librong kasali rin sa FLBC or librong gawa ng mga ka-members ko.

Isa pang halimbawa. Pag nagbabasa kayo sa mga book clubs, ang iba pang kadalasang suggestions ay librong isinulat ng creator ng book club.

Balik tayo sa letter b. Nabanggit kong may similarity ang suggested book at ang binabasang libro. Sa unang example, ang similarity ay pareho yung dalawang libro na kasali sa iisang book club (or parehong kasali sa book club ang may gawa ng libro). Sa pangalawang example naman, iisa lang ang sumulat ng book club at ng suggested book.

So obviously, may similarities talaga. At yan ang gusto nating i-manipulate ngayon gamit ang ating exclusive reading list.


Malabo pa? Eto:

Si san_goku ay isinali ang libro niyang DBZ; si YagamiKira naman ay isinali ang libro niyang Ang Mansanas Ni Ryuk. Tapos naging partners sila. So si san_goku, ilalagay niya sa kanyang reading list ang librong Ang Mansanas Ni Ryuk at ilalagay naman ni YagamiKira ang librong DBZ. At syempre, pareho din nilang ilalagay sa reading list ang kanilang libro (oops, di ko nasabi agad ang tungkol dun.)

Dahil dito, may "something common" na sa dalawang libro (at iyon ay pareho silang nasa iisang reading list).

Ngayon, si DetectiveConan ay binasa ang librong DBZ sa kanyang mobile app. May tyansang pagkatapos niyang magbasa ng isang chapter, makita niya ang librong Ang Mansanas Ni Ryuk.

Tapos, si LuffyTheThird naman, binasa ang Ang Mansanas ni Ryuk sa kanyang laptop. May chance namang isa sa mga maging suggested story sa kanya ay yung DBZ.

Sa madaling sabi, dahil sa ating reading list, matutulungan natin si partner sa pag-advertise ng kanyang story. At syempre, matutulungan niya rin tayo in the same way. Gets? Alam kong magulo akong mag-explain kaya if ever di ninyo gets, pwedeng-pwede kayong magtanong.


But then again, hypothesis lang ang tungkol sa additional benefits. Malalaman pa natin kung gaano yan katotoo sometime after ng ating first partnership (though para doon sa maraming sinasalihang book club, medyo mahihirapan tayong mapansin ang effectivity ng ating exclusive reading list). Baka nga higit sa limang pairings pala ang kailangan nating bilangin bago mag-reflect ang similarities. 


Pero tama man o mali ang aking hypothesis, totoo pa ring makakatulong sa pagpapataas ng ating ranking ang pag-add ng ibang tao ng libro natin sa kanilang reading list. Wattpad ambassador ang nagsabi non, at base iyon sa stats na ibinibigay mismo ng Wattpad website.


Kaya ano pang hinihintay ninyo? Gumawa na kayo ng reading list na SDABC <3 ang pangalan at i-add na ninyo lahat ng librong gawa ninyo doon!


Para sa inyong code. Walang code. Hahaha! Alam ko naman kasing yung iba ay tamad magbasa at ayoko ng ganon. Kahit naman siguro kayo di ba? Ayaw ninyong basta lang i-scan yung librong pinaghirapan ninyong isulat?


Pero kung feeling mo naloko kita, simple lang, tumulong ka sa panloloko. Mag comment ka ng kahit ano sa ibaba para mukhang realistic.


So ayun, pakigawa na ng inyong mga reading lists!


PS. 

May ia-announce ako pero ayoko nang gumawa ng bagong part kaya dito ko na lang din ilalagay. Pakibasa po ang librong "The Critic Guide" sa account na ito. Dun sa mga nakapagbasa na, paki-check lang din ulit dahil may mga bagay akong in-edit (last edit: April 20, 2015, around 12 noon).

Para sa mobile users, posibleng hindi ninyo makita ang edits. Just to make sure, paki-log out muna ng inyong account. Yun lang!


Yung code wag kalimutan! :D

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon