Chapter 55

12.2K 639 47
                                    

Dominique

"Cous hindi ko maintindihan." Wika ko ng iabot nito sa akin ang notes nito. "Anong nangyari at bakit parang pang 10,000 BC ang sulat kamay mo rito?"

"Huwag mo na lang punain. Just copy it." Napatakip ito sa mukha gamit ang mga palad nito.

I frowned at her. "I can't copy something I don't even understand."

Napabuntong hininga ito bago tamad na sumandal sa upuan nito. Ano bang nangyari?

"May problema ba?"

"Hindi ko alam." Mahinang sagot nito. Nandito kami sa loob ng classroom habang hinihintay si Miss Fin para sa klase namin rito.

Maingay ang ibang mga kaklase namin. May gumagawa ng assignment, may nagku-kwentuhan, at may nagbibiruan.

Napahawak ito sa sentido bago hinilot iyon. "All I know is I'm going crazy over her. I need her. I want her at hindi nakakatulong na palagi ko siyang nakikita at nakakasama sa mga ganitong pagkakataon."

So si Miss Fin ang problema nito?

"Bakit hindi mo siya ligawan-"

"That's stupid Selenophile." Napabuntong hininga ulit ito. "Look cous." Tinitigan ako nito na parang pagod na pagod. "It's easy to say pero mahirap. You know for a fact when you want that someone but you can't have and dang it hurts."

"Take advice from Mama Risen-"

"You know she's not good with words too at hindi rin naman maganda ang naging actions niya towards kay Mommy noon. I could never do that to.. her."

Natigil kaming lahat ng marinig ang lagutok ng heels mula sa labas. We all turned our heads at ilang segundo lang ay pumasok si Miss Fin bago nito isinara ang pintuan.

"She's so damn beautiful and I'm losing my mind my ghad." Bulong ni Jazzy kaya napatingin ako rito bago hawakan ang kamay nito at pisilin.

"You'll have her. In time."

"Good morning everyone!" Ipinatong nito ang mga dalang libro at laptop pati na rin ang shoulder bag sa lamesa nito.

Binati rin namin ito pabalik.

"Ok so before I start with our lecture. I would like to take attendance and as I say your name. Pass your assignment."

"Oh ghad not that close to her again. She's killing me." Bulong ulit ng pinsan ko bago ito napasapo sa noo.

"Miss Reyes!"

"Yes Professor!" Agad itong napatayo dahilan para mapatakip ako sa aking bibig dahil natatawa talaga ako rito.

"Are you ok? You seem.. off."

"A-Ano po Professor. I-I'm ok?"

Miss Fin tilted her head."You're not even sure but if you're not ok. You can go to the infirmary and I'll just excuse you." I could hear the concern in her voice and her facial expression.. she's worried.

Napailing si Jazzy rito. "I'm fine Professor." Dahan dahan itong naupo.

Nagpatuloy si Miss Fin sa pagtawag sa bawat pangalan habang pa-isa isa ang nagpupunta sa harapan para ibigay ang kani-kanilang mga assignment.

"Hey hotshot. Kapag hindi ka ok baka gusto mong samahan kitang magpunta sa infirmary? Baka kulang ka lang sa pagmamahal." Si Percy habang nagpapa-cute ang mga mata nito kay Jazmine. What the heck?

Inis na bumaling si Jazzy rito dahil magkatabi sila ng upuan pero ang daanan lang sa gitna ang espasyo ng mga ito.

"May problema ka ba Percy? Sabihin mo lang kasi naaalibadbaran ako sa mga mata mo. Gusto mong ayusin ko iyan para sayo?"

Ok, I guess she's really pissed at wala sa mood. Halata kasing wala itong tulog. Hinawakan ko ang kamay nito at marahang pinisil para pakalmahin pero..

"Don't be so damn hotheaded lack of sex hotshot-"

"Bastos ka ha!" Lumaki na ang boses nito at saka tumayo para sana sampalin si Percy pero mabilis din akong napatayo para pigilan ito.

"No Jazzy." Awat ko rito. Our school doesn't tolerate physical violence so Percy can be expelled from school na hindi madadawit sa gulo ang pinsan ko.

"Hey! Hey! Hey!" Agad na nakalapit si Miss Fin sa amin at nagpunta sa gitna ng dalawa. "What's all these about?"

"This jerk told me 'hotheaded lack of sex hotshot' when I wasn't!"

Napanganga si Miss Fin bago naging seryoso ang mukha nito. "Percy-" Pero naputol ang sasabihin nito ng kunin ni Jazmine ang bag nito bago nagmamadaling naglakad. "Miss Reyes!" Tawag dito ni Miss Fin pero tuloy tuloy lang ang pinsan ko. "Jazmine!" But she didn't stop hanggang sa makalabas ito ng pinto.

"As for you." Baling ni Miss Fin kay Percy. "You're suspended in my class for the whole week and you can't come unless you bring your Parents with you. Every activity, quizzes, assignment, and exam this week you are automatically zero. Now, get out!"

Nagmamadali rin itong umalis. Good for him. Napahilot ng sentido si Miss Fin bago bumaling sa akin.

"Go and get Miss Reyes. I want her in my class right now and make sure she's alright."

Tumango ako rito. "Yes Professor."

Kinuha ko ang bag ko saka ako lumabas at naglakad papunta sa Administration building kung nasaan ang opisina ni Mama Risen. Ng makarating ako ay ginamit ko ang spare key upang mabuksan ang opisina. Pagpasok ko ay sambakol ang mukha ng pinsan ko. I locked the door behind me bago ako lumapit rito.

"Jazzy, don't worry. Mae-expel si Percy. I'll make sure of that but we have to go back dahil hinihintay ka na ng sugar Mommy mo."

Napatingin ito sa akin. "Pakshet ka."

"She told me to come after you. She's concerned and worried to you."

"Right cous. I'm her student so normal lang iyon."

Umiling ako rito. "She's giving me that vibe na may something siya sayo."

"How do you know?"

"Mikaela, ganun din niya ako titigan."

"You can't compare my Athena to your Medusa."

The f*ck.

"Trust me, she likes you kaya kailangan na nating bumalik. Siniguro nga niya sa akin na ok ka talaga."

Unti unting umaliwalas ang mukha nito bago sumilay ang kiming ngiti nito. Kulang na lang ay magningning ang mga mata.

"Hindi mo ako inuuto?"

Napailing ako rito. "Let's go. I don't want to miss the lecture as well. Gusto kong grumaduate. You have to help me out with that 10,000 BC note of yours."

Agad na tumayo ito at iika ikang naglakad. "Ok let's go."

"Nangyari sayo?"

"Natisod ako kanina sa hagdan."

"Umayos ka naman nakakahiya kay Miss Fin."

Nagsalubong ang mga kilay nito sa akin. "Anong mali e masakit nga. Hintayin mong maging ok saka ako makakalakad ng normal. Saglit lang ito."

"Dang! Sasalubong ka kay Athena mo ng ganyan? Para kang kakatuli."











"F*ck you cous."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon