Chapter 23

13.2K 683 116
                                    

Dominique

"Miss Fin! Pasensya kana po." Hinging paumanhin ko at saka ito tinulongang pulotin ang mga librong lumagapak sa hallway.

I'm on my way sa opisina ni Mama Risen at nanggaling yata ito sa library. Pareho yata kaming hindi nakatingin sa aming dinadaanan dahil pareho pa kaming nagulat ng magkabanggaan.

"No you. I should say sorry dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko Dominique."

"Ayos ka lang Miss Fin?" Tanong ko rito ng ipatong ko ang huling librong pinulot ko.

Napabuntong hininga ito. Hindi naman mukhang stress pero parang malungkot. Palagi kasi itong masayahin pero ngayon ay parang wala itong gana kaya naninibago talaga ako.

"Para sayo Dominique. Maganda ba ako?" Out of nowhere ay tanong nito. I was caught off guard dahil iba ang tanong nito. She usually asked me if I'm ok but right now. It's different.

"Opo Miss Fin. Maganda ka po. Magandang maganda kaya walang kwenta ang sino mang sasayang sayo."

Napangiti ito bago nagkibit balikat. "Then Ri'son Chaster is stupid to end what we might have."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Of course, Kuya Ri'son will let go of her dahil kay Jazmine. So tinotoo nga nito ang sinabi nito sa akin noong huli.

"Hindi lang po siguro kayo ang itinadhana Miss Fin. Malay mo po, iyong para sayo. Nasa tabi tabi mo lang."

Ni hindi ko nga alam kung gusto ni Miss Fin si Jazmine. Wala rin akong idea kung may posibilidad na magkagusto ito sa babae. Sa kaso naman ni Mrs. Knutson na minsan ay lantarang para ako nitong inaakit. I think she's just fooling around me. Malayo kasi sa mukha nito ang papatol sa kapwa nito babae. Though, I can tell na magkaiba sina Miss Fin at Mrs. Knutson. Malayong malayo ang ugali ng mga ito kahit pa naturingang matalik na magkaibigan.

"Come with me." Miss Fin, said. I was about to go ng may humawak sa braso ko.

"Sofiera, you can go ahead. I have something to tell Miss Howard." Ang malamig na boses ni Mrs. Knutson ang sumunod kong narinig dahil hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat. Kung papipiliin ako. I'd rather go with Miss Fin kesa kay Mrs. Knutson.

Miss Fin, save me! I don't wanna go with her! I silently prayed pero mukhang minamalas yata ako ngayon dahil tumango si Miss Fin na ikinanlumo ko.

"I'll talk to you later Mikaela and please, stop scaring your students especially Dominique."

"Shut up."

Natatawang umalis si Miss Fin at ako? Para akong napapasong babawiin na sana ang braso ko pero hindi ako pinakawalan ni Mrs. Knutson. Lihim akong napangiwi. I don't like her touch. Sure I love her pero hindi ako komportableng kasama ito. Masyadong malamig.

"In my office Howard." Ma-awtoridad na wika nito at wala akong choice kundi ang sumunod. Galit ba ito? Para saan naman? Lihim akong napabuntong hininga.

Gusto kong umiyak.

Magche-check na naman ba ako ng mga papel? I'm not in the mood to do that right now. I need to go to Mama Risen for an advice. I need it for this witch kasi alam ko, she's not an easy woman to deal with.

"Mrs. Knutson, am I going to check some papers-"

"Stop asking questions."

"I need to know Professor kasi may gagawin pa ako-"

Binitiwan nito ang braso ko saka ako hinarap with her icy stare. Lihim akong napalunok. Oo maganda ito, oo mahal ko pero hindi ko maitatangging pwede ako nitong mapatay ng maaga dahil sa takot. Aatakehin ako sa puso at malapit na.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon