Chapter 3

14.7K 637 68
                                    

Dominique

"Are you alright?" Tanong ni Jazmine sa akin ng ilapag nito ang dala nitong snack para sa amin.

Nasa cafeteria kami ngayon at katatapos lang ng klase namin kay Mrs. Knutson. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang akong malaman na may asawa na ito.

Ngumiti ako rito kahit alam kong hindi ako ok. Nanlalamig kasi akong nanghihina. Hindi ko maintindihan pero ayoko lang din na mag-panic ang pinsan ko sa akin. Nagmana pa naman ito kay Tita Allison na over acting kapag nagiging over protective.

"I'm ok." Tipid kong wika rito.

"Siguradohin mo lang ha. Mamaya kapag may mangyari sayo ako pa sisihin ni Mama Risen. Patay rin ako kay Mommy."

Tumango ako rito saka na kami nagsimulang kumain. Wala akong imik hanggang sa halos maubos ko na ang aking pagkain. Inabot ko ang tubig saka uminom. Nagtama ang paningin namin ni Mrs. Knutson ng biglang may humalik sa pisngi ko.

"Selenophile."

Nagulat ako kaya naibuga ko ang tubig at nagkandaubo.

"Oh sorry!" Si Kuya bago nito hinimas ang likuran ko.

"Kuya Thunder naman!" Reklamo ni Jazmine at mabilis na kinuha nito ang panyo at pinunasan nito ang bibig ko. "Alam ng bawal sa kalagayan. Isusumbong kita kay Mama Frances!" Pagbabanta nito.

"Awat na. Ayos lang ako."

Tinulongan ako ni Kuya Thunder na makatayo at kinuha ni Jazmine ang bag ko.

"What happened here?"

"Mama." Mahinang wika ni Jazmine kay Mama Risen. "What are you doing here?"

Katulad ko rin si Jazmine na ayaw malaman ng iba na anak siya ng isa sa mga may-ari ng school. Mabuti na lang at Howard ang surname ko samantalang si Jazmine ay kailangan pang itago. Ang epelyido ni Tita Allison nong dalaga pa ito ang gamit nito dahil ayaw nitong gamitin ang Gieudevaun.

"I own a share in this school." Pilosopong sagot nito. "Hindi mo ako pwedeng palayasin dito Jazmine Allison."

Napatirik ang mga mata ng pinsan ko kaya natawa si Mama Risen.

Lumapit si Kuya at hinalikan nito si Mama Risen sa pisngi nito bago bumalik sa tabi ko.

"So what happened here?" Tanong ni Mama Risen kapagdaka.

"Sorry Mama." Kakamot kamot sa ulo na sabi ni Kuya Thunder. "Dinalaw ko lang si bunso para personal na ibigay ang baon niyang pagkain this afternoon. Pinagluto siya ni Mama France at para masigurong maayos lang ang kalagayan niya pero-"

"Mama, Kuya Thunder scared her." Mahinang sumbong ni Jazmine rito.

Napaikot na lang ako ng mga mata bago yumakap sa braso ni Kuya ng akbayan ako nito.

"Thunder alam mong-"

"I'm sorry Mama." Paumanhin ulit nito.

Napailing na lang si Mama Risen. "Sige na. Huwag kayong magpapagod at ikaw Thunder. Kailangan mo ng bumalik sa office niyo. Imbes na alagaan mo ang kapatid mo ginugulat mo. Pasaway ka talaga."

"Mana ako sayo Mama."

"Che! Sige na. Mauna na ako. I'll see you guys tonight. May dinner tayo kina Snow."

Napatango na lang si Kuya bago kami lumabas ng cafeteria.

"I have to go Selenophile." Hinalikan ulit ako nito sa aking noo. "Mag-iingat ka palagi ok? Ako na lang ang susundo sa iyo mamaya. Maaga akong uuwi dahil may dinner tayo kina Mama Snow."

Lumapit ito kay Jazmine at hinalikan din ito sa noo nito. "Thank you Jazzy for taking care of my sister."

"Sus! Ayos lang iyon Kuya basta huwag na huwag mo ng gugulatin pa sa susunod. I'll see you tonight."

Binigay nito ang isang paper bag sa akin. "Hati kayo ni Jazzy. Maraming niluto si Mama Frances. Pick you up later Selenophile. Bye girls!" He even wave and gave his killer smile bago ito umalis.

"Gwapo?"

"Sobra!" Sagot ni Jazmine pero ako? Parang natuklaw ng ahas ng marinig ang malamig at walang emosyon na boses na iyon kasabay ng pagkalanghap ko ng mamahaling pabango nito.

Sabay kaming nagkatinginan ni Jazmine bago humarap sa aming likuran. And there, she was standing with all her glorious- Mrs. Knutson.

Agad akong lumayo rito. Ayoko ang epekto niya sa akin lalo na ang mga mata nitong magaganda pero parang walang buhay. She got this expressive brown eyes pero kung tititigan mong mabuti, it's lifeless.

There's something wrong with her.

Kiming napangiti ng alanganin si Jazmine sa masungit, mataray at malamig naming Professor.

"H-Hi Ma'am."

"Bago ka maglandi. Mag-aral ka munang mabuti."

Natulala kaming pareho dahil sa sinabi nito. Hindi na nga namin namalayang nakaalis na ito at likuran na lang ang nahabol naming titigan. Naiwan lang ang amoy ng perfume nitong humahalimuyak.

Nakanganga si Jazmine habang nanlalaki ang mga mata.

"Ako cous?" Turo pa nito sa sarili nitong hindi makapaniwala. "Malandi ako? Aba't! Walang modo talaga ang Propesorang iyon e! Saksakan nga ng ganda pero ang pangit naman ng ugali. Ang sungit niya at napaka-judgmental!"

"Halika na!" Kinuha ko ang kamay nito at hinatak na papunta sa room namin. Ang daming sinasabi. Nakakapagod kayang magsalita. Oo na masungit na si Mrs. Knutson pero hindi naman din namin alam kung ano at saan ang pinanggagalingan ng kalamigan nito.

Minsan may mga taong ganun talaga sa lawak ba naman ng mundong ito.

Pagdating namin sa classroom ay agad kaming dumiretso sa aming upuan. Nakabusangot ang mukha ni Jazmine kaya bahagyang siniko ko ito.

"Bakit?" Mukhang masama talaga ang loob nito. Kahit siguro sino kung basta na lang sasabihan ng malandi samantalang wala pa kaming naging jowa na dalawa. Sa pag-aaral kami nakapukos dahil malaking responsibilidad ang nakaatang sa aming mga balikat pagdating ng panahon.

"Ayusin mo iyang mukha mo. Nakakasira iyan ng ganda at composure Jazmine. Tignan mo nga, nawawala na ang posture mo. Smile and don't be affected dahil hindi naman iyon totoo. Masasaktan ka lang kapag totoo so you have no reason or right to be grumpy dahil hindi ka naman guilty."

Napangiti ito ng matamis bago yumakap sa akin. "Right. Salamat cous."

"Anytime." I tap her shoulder.

Pumasok si Miss Fin at napangiti ito ng makita kami ni Jazmine. So ito pala ang susunod naming subject. She's an Engineer Professor and I know her dahil mabait talaga ito dati pa. She's a dear friend pero hindi nito alam ang tungkol sa aming totoong pagkatao ni Jazmine.

Napalingon ako kay Jazmine at kita kong namumula ang mga pisngi nito. Girl crush kasi nito si Miss Fin. Maganda at matangkad. Parang si Mrs. Knutson. Lamang lang siguro ng halos dalawang paligo si Mrs. Knutson pero mas maganda naman ang ugali at pakikitungo ni Miss Fin.

"Keshin eng gende nye." Parang ipit ang boses nito.

Ha?

"Hi class! So I'll be your Engineer Professor. I am Miss Fin and I hope I wont meet any trouble with you guys."

"Ene be eng gende neng veiz keshin."

Nagsalubong ang mga kilay ko bago ko mahinang sinipa ang paa nito habang nakatalikod si Miss Fin sa amin at nagsusulat sa white board.

"Umayos ka." Sabay kurot ko dito. "Malandi."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon