[ 34 ] Leave

43.9K 522 53
                                    

Chapter 34: Leave

Sobrang takot ang naramdaman ni Mika noong mawala si Gab at ngayon ay hindi niya na maitago ang saya na makita si Gab dahil alam niya na balik na sa dati ang buhay nila. Sobrang na-miss niya si Gab. Sobra siyang pinag-alala nito. Niyakap niya ng isang beses pa si Gab. Aminado siya na may nararamdaman na talaga siya para sa lalaking kayakap niya ngayon.

'If only I can make you forget Jin, I will.'

Habang nakayakap si Mika kay Gab ay nakatingin siya kay Jin. Tinitignan niya kung ano ang reaksyon nito sa mga nakikita.

'Posible nga kaya na wala na talagang nararamdaman si Jin kay Gab? Pwede din kasi na ginagamit niyang dahilan na may kasalanan siya dito para itago ang feelings niya at mapalapit siya dito,’ tanong ni Mika sa isipan niya.

Patuloy na nakatingin si Mika kay Jin pero wala siyang nakikita na kakaibang reaksyoon galing sa kanya at nakatingin lang siya sa kanilang dalawa. Wala siyang makitang bahid ng selos o kung ano man sa kanya.

'Impossible. He's crazy over him. She regained her memories. Imposible na wala siyang nararamdaman na kahit ano kahit kaunti para kay Gab.'

Kumawala siya sa pagkakayakap kay Gab at tiningnan niya ng deretso sa mata si Gab.

"Mika, may kailangan pa akong asikasuhin. Mamaya na lang siguro tayo mag-usap. Thank you for everything that you've done for me in the past week."

"You're welcome, Gab. Just call me."

Iniwan siya doon ni Gab at napatingin ito sa paligid. Hinahanap niya si Jin dahil hindi pa sila nito nakakapag-usap at gusto niya na makapag-usap sila. Nakita niya ito na kakapasok lang sa elevator kaya hinabol niya ito. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng elevator na 'yon. 

"Jin."

"Gab, why are you here? Hindi ba kayo mag-uusap ni Mika?"

"Mag-usap muna tayo. Hindi pa kita nakakausap ng maayos."

"Wala naman tayong dapat na pag-usapan."

"Meron, Jin."

Pinindot ni Gab ang button paakyat sa pinakataas na floor ng building na 'yon at pagdating doon ay hinila niya palabas si Jin at pinaupo sa isa sa mga upuan doon.

"Naaalala mo na lahat, hindi ba?" tanong ni Gab kay Jin.

"Ano naman ngayon kung naaalala ko na ang lahat? Nothing has changed, Gab. I'm still Jin.. or Shane. Kung may nagbago man, naalala ko lang 'yong mga nangyari noon at wala ng iba kaya sana 'wag ka ng umasa pa."

"Wala ka man lang bang nararamdaman para sa 'kin?"

"I know it's been difficult for you to make me remember all those memories I have and I’m really grateful. I'm also sorry dahil naaksidente ka dahil sa 'kin. Hinanap na kita at naibalik na kita sa dati kaya wala na akong utang sa 'yo. I do believe that I did my part."

"Jin, hindi mo sinasagot 'yong tanong ko."

"Lahat ng pinakita ko sa 'yo na kabaitan, dahil lang 'yon sa nakokonsensya ako."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon