Ikalimampu't apat

5 1 0
                                    

Oo nga, 'no?

Laging nakakatakot mag-umpisa?

Lalo pa kung panibagong yugto ng buhay.

No'ng bata ako, naaalala ko pa kung pa'nong grabe 'yong kaba ko no'ng unang araw ng pasok sa kinder HAHAHA. 6 years old lang ako no'n.

Tapos, naaalala ko yung kaba ko no'ng grade 6. Kasi tutungtong na'ko ng high school.

Tapos, grabe rin yung kaba ko no'ng unang araw sa senior high. Iba na kasi school ko no'n.

Tapos, no'ng unang araw sa college.

Siguro kasi... wala tayong kaalam-alam kung ano ang mga maaaring mangyari sa mga susunod na parte ng buhay natin.

Kaya laging nakakatakot.

Kaya laging nakakakaba.

Oo nga pala, napag-usapan na rin natin 'to, hindi ba?

Para sa lahat ng taong mababasa 'to dahil sa kung anumang rason:

Tiwala lang.

Magtiwala sa sarili.

At sa Dyos, kung parte Sya ng paniniwala mo.

Kung hindi naman, 'di sa tadhana.

Kung hindi ka rin naniniwala sa tadhana, eh di... Kay Batman.

'Di ba nga, "Bahala na si Batman."

Ok lang 'yan.

Kung anuman ang paraan para maibsan 'yong takot, go lang.

No one ever stops being scared. Parte na 'yan ng tao eh, ang matakot.

Ang kailangang iwasan ay ang maduwag.

Mabuti nang subukan, kesa hindi mo subukan tapos sa huli pagsisihan mo lang.

Luh, ang seryoso na yata masyado hahaha

Pero, 'yon. Sana kung may iba pang taong makabasa nito, may maibahagi man lang ako kahit katiting na payo.

🍑🍑🍑

ika-11 ng Abril, dos mil bente dos
23:11

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now